Chapter 4

38 0 0
                                    

Gumagawa ako ng mga Home Works ng biglang may nag text sa akin.

From: 0929*******
Hi Brianna :) Good Evening

I got curious so I texted him back.

From: Brianna
To: 0929*******
Who's this?

After sending the message. May kumatok sa kwarto ko. Ang magaling kong nanay...

"Bakit po ma?"

"Kakain na, lumabas kna dyan at maghuhugas ka pa ng mga pinagkainan mamaya. "

Ano!!!??? ako nanaman maghuhugas!? Pesteng buhay talaga sa bahay na 'to oh -.- Nakakapikon walang makausap dahil over my dead body na magiging close kami ng bwiset kong kapatid na babae. Masyado sya papansin dun na lang ako sa baby brother namin.

"Bakit ako nanaman? Bakit hindi si Lhira ang utusan mo, diba sya naman ang paborito mong anak?"

Oo tama kayo ng nabasa. Sumasagot na ako sa Mama kong hindi ko mahagilap ang pake sa akin.

"Pagod yung kapatid mo school, intindihin mo na lang" sabi pa ni mama. So sya lang ang pwedeng mapagod sa school? Tapos ako hindi?

Ang tindi talaga sa bahay na ito! Nanahamik na lang ako dahil for sure ako nanaman magiging masama kapag sumagot pa ako.

Palagi naman e :) walang bago. Iniwan ko na ang ginagawa ko at lumabas na.

Pagkatapos ko kumain at maghugas ng pinagkainan tyaka ko pinagpatuloy ang ginagawa kong mga home works. Hindi naman ako natagalan sa pagtapos ng mga iyon. Nagpapaantok na ako ng maalala ko yung phone ko.

Pagtingin ko 5 messages.

From: Julia
Hi yanna! Wag mo kalimutan yung report natin bukas ha?

From: Ma'am Smelee
Come to school tomorrow earlier I have something to say.

From: 0929*******
Si Lester to :) hiningi ko kay Julia number mo.

From: 0929*******
Gising ka pa ba?

From: 0929*******
Alam mo Brianna crush kita :)

Kinilig ako sa nabasa ko. OMG crush nya ako!!!! Hahahahaha ang saya saya ko. Natigil ako bigla sa pagsasaya ng maalala ang RULE ni Ma'am Smelee na bawal ang magkarelasyon sa section nya.

Pero nireplyan ko padin sya. Hanggang sa naging text mate kami. Lagi kami nag uusap na sabay kami sa trycycle tuwing uwian.

Lumipas ang ilang linggo at sinagot ko na sya pero kami pa lang nakakaalam. Natatakot kami sa mangyayare pag nalaman ni Ma'am Smelee, magwawala yun sa room panigurado. At siguradong masasaktan sya, dahil sakin sya pinaka nagtitiwala pero nilabag ko ang pinaka importanteng pinagbabawal nya :(

Pero.... tama sila "Masarap ang bawal"

At mahal na mahal ko na si Lester. Kahit bawal tong relasyon namin sana magsurvive to :(

'Till I Found MyselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon