Chapter 8

30 0 0
                                    

Unti-unti na ako nakakapag move on kay Lester pero syempre bitter padin. Kasalukuyang gumagawa nanaman kami ng room decoration ni Ma'am Smelee. Nag gugupit ako ng double sided tape ng bigla syang magsalita.

"Pupunta daw si Lester, tutulong daw sya sa pag aayos ng room" binuksan nya ang 1.5 coke at binigyan ako sa baso. Tinanggap ko pero di ako umiimik, hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Alanganin ko syang nginitian.

"Mamaya uuwi muna ako kailangan ko kunin yung mga pina lettering ko para maikabit na natin. Tamang tama dadating si Lester may magkakakabit. Maliligo nadin ako." kinuha nya ang mga double sided tape na ginugupit ko kanina.

"Sige po pala Ma'am ako na lang po muna magbabantay dito. Tatapusin ko na lang din po idikit yung ilang decoration." Sinimulan kong i-braid yung buhok, maalinsangan kasi ang panahon ngayon.

"Pero hihintayin ko munang dumating si Lester bago ako umalis. Alangan namang iwan kita dito ng mag isa, ok na yung may kasama ka." Makahulugang tumingin sya sakin kaya natawa ako. Tumawq nadin sya tila ng aasar

"Si Ma'am kamo!"

Hindi ko alam gagawin ko. Paano kami dito ni Lester? Kami lang dalawa dito mamaya, malamang awkward kami nun. Si Ma'am naman kasi e, ang daming alam.

Nagtatalo pa ang mga neurons sa utak ko ng dumating si Lester. Nag iwas agad ako ng tingin at nagpanggap na abala sa mga dinidikit ko. Ano ba to -.- Shiit ang awkward naman.

Maya maya ay umalis na si Ma'am at gaya ng inaasahan ko AWKWARD.......

Isang nakakabinging katahimikan lang naman. Nasa magkabilang gilid kami ng room, ako nakatapat sa aircon habang nag gugupit ng mga decorations sya naman may pindot lang ng pindot sa phone nya. Busy ata sa katext mate -.-

Bitter lang te? Psh! if I know mas maganda ako sa nilalandi nya ngayon. Eh ano naman ngayon kung may iba na sya hindi naman sya pogi duuuhh!! Matangkad lang sya di bagay maging chick boy.

"Hi Brianna! Ok lang ba umupo dito sa tabi mo. Uhhmmmmm ano kasi e... wala akong kausap dun" Natigil ako sa mga iniisip ko ng biglang may nagsalita sa likod ko. At syempre sino pa ba kundi tong manloloko na to!

"Yeah! sure it's ok" nginitian ko pa sya pero hindi ko na ulit sya kinausap. Nag focus ako sa mga ginugupit ko kanina pa, pero peste! wala padin akong natatapos ng dahil sa manlolokong to!! Nakaka distract!!!

"Alam kong naging tanga ako nung sumuko ako sa relasyon natin Brianna pero alam mo bang nasasaktan din ako sa mga ngyayare satin ngayon? Yung tumatawa ka pero alam kong hindi na ako ang dahilan ng mga iyon at.....

....hanggang ngayon mahal na mahal padin kita. Iloveyou Yannah so much"

'Till I Found MyselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon