𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 4

2.4K 37 0
                                    

Kasama ko si Eunice dito sa mall para bumili ng dadalhin ko sa France. May ticket na ako papunta doon, gusto nga sana sumama ni Eunice pero may trabaho siya tsaka biglaan din.

"Kain muna tayo tsaka kita ihahatid sa work."

"Sige ate." naglakad kami papunta sa KFC. "Ako na oorder ate." naghanap na lang ako ng table. Nang makahanap ako ng table namin ay kinuha ko yung pinamili kong damit para sa mga pamangkin ko at nilagyan ng pangalan. Yung panganay gusto light colors, yung sumunod gusto black and white na damit tapos yung bunso gusto niya light green.

Hindi ko na nga tinignan yung mga nakaprint sa damit eh kumuha lang ako. Yung sa pants nila parihas sila white jeans tapos may shorts at shoes din. Kanila ate Maeve at kuya Jayce ang binili ko ay condom at sex toys JOKE. Baka mapatay ako ni ate hahaha. Bumili ako ng shoes nila nike at adidas tapos keychains din na may nakalagay na South Korea.

"Kain na tayo ate." binalik ko na sa plastic yung mga nilagyan ko na pangalan. "Ano nga oras ulit flight mo ate?"

"Before 11am nandun na ako. Sasabay na lang ako sayo tapos sa airport na lang ako maghihintay para hindi ka ma-stress."

"Mga 8:30am na lang tayo umalis sasabihin ko na lang kay Ma'am Helen na may hinatid ako sa airport." yung malditang nurse manager. Araw-araw may dalaw ata laging galit sa amin ni Eunice.

Habang naguusap kami ni Eunice ay nakatanggap naman ako ng chat galing kay manang Pearl.

Nagtataka ako kung bakit ako hahanapin ni Dexter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagtataka ako kung bakit ako hahanapin ni Dexter. May kailangan ba siya sa akin? After namin kumain ni Eunice ay umalis na kami. Malayo pa naman yung Seoul. Sa Seoul kasi kami nakahanap ng trabaho ni Eunice.

"Anong oras kita susunduin mamaya?"

"Mga 10pm ate. Then kain tayo sa labas kung may bukas pa na restaurant or di kaya street food."

"Street foods na lang." mas bet ko yung street foods. Tsaka kapag busog ka na lakad-lakad ka lang tapos kain ulit hahaha. Nakarating na kami dito sa hospital.

"Thank you sa paghatid ate, ingat ka."

"Ingat din sila sayo. Bye." nag drive na ako paalis. Uuwi na ako kasi marami pa akong gagawin. Kailangan ko pa magayos ng gamit ko. Sabi ni ate sakin na kunti lang daw ang dalhin kong gamit kasi ipag-shopping daw niya ako doon sa France. Mayaman na talaga si ate. Sana all.

ꨄ︎ꨄ︎ꨄ︎

Kakarating ko lang dito sa apartment. Agad kong inayos yung luggage ko. Bumili ako ng bago kasi basag na yung luggage na ginamit ko nung umuwi ako ng Pilipinas. Tinatapon lang kasi nila yung mga luggage ng pasahero hindi man lang iniingatan tsk.

Habang nagaayos ako ay nakaramdam ako ng gutom. May bulate na ata sa tiyan ko. Tatapusin ko lang to then pupunta ako sa 7 Eleven.

*RIIIIIIINNNGGGG* napatingin ako sa cellphone ko kung sino tumatawag. Si ate pala.

[ Hello Sab? ]

Ate napatawag ka?

[ Bilhan mo din pala ako ng tapioca pearls damihan mo... ]

Sige ate, yan lang?

[ Oo Sab, si kuya Jayce mo ang susundo sayo sa airport hindi kasi ako pwede umabsent dahil may importante akong meeting... ]

Okay lang ate. See you soon...

[ See you soon Sab. Ingat ka. Bye... ]

Pupunta talaga ako ng asian mart para bumili ng tapioca pearl. Wala ba'ng tapioca doon sa France. After kong magayos sa luggage ko ay kinuha ko na yung crossbody bag, cellphone at susi ng kotse. Naglakad na ako palabas ng apartment.

Nandito na ako sa asian mart para bumili nung tapioca pearl ni ate tapos bibili na lang din ako ng pagkain na pwede dalhin sa France. Mahilig pa naman si kuya Jayce ng spicy noodles kaya bibili na lang ako. Hindi kaya ako mag excess baggage shocks.

Pumunta na ako sa cashier para magbayad. Mahal pa naman ang fee kapag nagexcess baggage ka. Pagkatapos ko magbayad ay lumabas na ako at sumakay sa kotse magdrive-thru na lang ako.

Naisip ko si manang what if nalaman ni Dexter na tinulungan ako ni manang Pearl tumakas edi magagalit si Dexter kay manang. Dumaan muna ako sa burger king.

Nagorder ako ng extra long chicken sandwich and fries tapos spicy nuggets. Hindi na ako nag order drinks kasi marami naman sa apartment. Hindi naman nagtagal ay dumating na yung inorder ko. Nag drive na ako paalis malayo pa yung Incheon.














~••~~••~~••~

𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐚 𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐁𝐨𝐬𝐬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon