Pabalik na kami ng Manila dahil may emergency daw. Hindi ko alam kung sa kumpanya ba nila o sa mansion basta pag gising namin ni Dexter kanina sinabi kaagad ni mom na babalik na kami ng Manila.
Tahimik lang kami ni Dexter maliban kanila Ashley, Nash at Cael na nagkwe-kwentuhan. Medyo kinakabahan din ako. Kanina ko pa nga iniisip na baka binalikan sila mom nung mga nakalaban nila Dexter.
"Love, okay ka lang ba?" tanong ko kay Dexter na nakatingin sa labas.
"Yeah." hinalikan niya ang noo ko at sinandal ang ulo niya sa ulo ko. I asked him earlier kung anong meron bakit kami babalik ng Manila eh may dalawang araw pa naman kami doon sa resort, ang sabi niya lang sa akin kailangan daw si mom yun lang.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag facebook na lang para malibang naman ako. While scrolling nakita ko yung post ng kapitbahay namin na kaibigan ni mom. It says "condolence mare" tapos picture ni mom yung pinost niya. So pumunta ako ng messenger para imessage si ate.
"We arrive, baby." tinago ko na lang yung cellphone ko sa bag. Kung wala na si mom e anong dahilan? Walang sakit si mom at dad...maybe they were killed?
Pagkalabas namin ng jet ay agad kaming sumakay ni Dexter sa kotse at ganon din sila mom at dad pati sila Ashley. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya.
"Love, can we visit my p-parents?" napatingin siya sa akin at matagal nakasagot.
"I have something to tell you baby." tumango ako. "Y-your p-parents is...g-gone." kumunot ang noo ko.
"Gone? Where did they go?" umiiling si Dexter at hinawakan ang pisngi ko.
"Someone hit their car." hit their car? "Dead on arrival na daw kaya tayo umuwi dito kasi tinawagan si mom ng police..."
"H-hindi...b-baka nagkamali lang sila." galit ako sa kanila pero magulang ko parin sila.
"Pupunta tayo doon ngayon. Pauwi na din sila Castiel at ang ate mo." may tumulong luha sa pisngi ko. Kung sinadya ang nangyari sa kanila then isa lang ang ibig sabihin nun.
"K-kailan pa, love? B-bakit ngayon mo lang s-sinabi sa akin?"
"Kanina ko lang din nalaman baby and I'm sorry for not telling you. Gusto ko kasi makasigurado muna kung mga magulang mo ba yun." sana hindi sila mommy at daddy yun.
~••~~••~~••~
Nakarating na kami dito sa hospital. Magkasunod lang pala kami ng dating nila mom at dad. Pumunta na kami sa morgue kasi nandun daw yung bangkay ng parents ko.
Habang naglalakad kami patungo sa morgue may nahagilap ang mata ko. Isang matandang lalake at may mga kasama itong bodyguards. Halata sa mukha niya yung saya. Siya yung laging inuutangan ng pera ni daddy.
"May kinalaman ba siya?" napatingin naman sila mommy sa akin. "Siya po yung inuutangan ni daddy." tinignan ko si Dexter.
"Ako na bahala love, okay?" tumango ako. Nang makarating kami sa morgue ay sila mom at dad muna ang pumasok sa loob.
"Paano kung sila yun? H-hindi ko man lang nasabi sa kanila na napatawad..."
"Sab..." napatingin naman ni Dexter kay mom. "W-wala na sila." tumulo ang luha ko. Pinuntahan ko ang bangkay nila mommy at daddy.
"Oh my God...m-mom...dad...b-bakit niyo naman po kami iniwan ni ate." niyakap ko sila ng mahigpit. Ipapakulong ko yung matandang yun. "Alam kong si Mr. Gonzales ang may kagawan nito sa inyo."
After namin sa morgue ay tinulungan ako ni Dexter asikasuhin ang lahat. Tumulong din ang mga kaibigan niya at si Ashley. Then after ng libing nila mommy at daddy asikasuhin namin ni ate yung pagsampa ng kaso kay Mr. Gonzales. Maraming lumapit sa akin na witness at yung mga nawalan ng pamilya dahil kay Mr. Gonzales.
"Bespren kumain ka muna." umiiling ako. "Naku bespren ako mapapagalitan ni Dexter kapag hindi mo ito kinain. He bought this for you." napatingin naman ako sa dala ni Ashley na McDo.
"Kumain na kayo?" tumango naman siya. "Paki tawagan naman si Dexter sabihin mo mag dala ng damit ko." agad naman sinunod ni Ashley ang sinabi ko.
"Condolence, Isha."
"Condolence po, madame." mga kasamahan ni Dexter sa organization.
"Salamat. Kain tayo." sabi ko sa kanila pero tumangi naman. Sabagay kulang ito para sa kanila. Tumabi si Cael sa akin. "Cael, bilhan mo naman sila ng pagkain."
"Parating na yung mga pagkain, Isha." tumango ako. "Kumain ka lang dyan, kami muna makakasama mo kasi may ginagawa sila Crimson at Akihiro." kumain na ako ulit. Bukas pa kasi makakarating sila ate Maeve at kuya Jayce.
Paano na yung bahay sino na titira doon tsaka paano na yung mga kasambahay, driver at PSG nila mom ngayon na wala na sila.
"Bespren, may naghahanap sayo." tinignan ko naman si Ashley.
"Condolence, Mrs. Regan." alam pala ni attorney na kasal na ako.
"Thank you po."
"May mahalaga kasi akong sasabihin sayo pero after na lang siguro ng libing ng parents mo."
"Pwede naman po ngayon attorney." sabi ko sa kanya. May nilibas si attorney na documents.
"Wala munang magpapasok."
"Nandyan lahat ng mana ninyo ng ate mo and sabi ng daddy mo sa akin ikaw na daw bahala kung ilang percent ang ibibigay mo sa ate mo dahil may pamilya na ito. Yung sa mga business niyo naman kay Mrs. Manroe mapupunta lahat ayon sa mommy mo." buti naman kay ate kung sa akin nila iiwan yun sigurado malulugi yung business.
"Pwede po ba ako magtanong?"
"Sure. What is it?"
"M-may nabanggit po ba sila mommy at daddy sa inyo?" tumango naman si atty. Sandoval.
"Matagal na daw silang nakakatanggap ng mga death threats galing kay Mr. Gonzales. Gusto na kasi ni Mr. Gonzales na bayaran na ng magulang mo yung utang nila kaya lang wala silang sapat na pera kaya binenta ng daddy mo ang private resort ninyo sa Batangas."
"Alam niyo po ba kung magkano ang utang nila?"
"Hindi hija pero yung private resort ninyo nasa 1.5M." tumango ako. After namin magusap ni attorney ay nagpaalam na siya at hinatid siya sa labas ng tauhan ni Dexter.
Binuksan ko yung envelope na binigay ni attorney kanina. Mga evidence laban kay Mr. Gonzales at nandito dito yung note galing sa kanya. Ang sabi sa death note ay "isang bala lang kayo ng asawa mo" tapos nakita ko yung letter. Agad ko itong binuksan at binasa yung nakalagay sa letter.
Mga anak sorry sa mga nagawa namin ng daddy niyo. Tanggap namin ng daddy ninyo na hindi niyo kami kayang patawarin. Okay lang sa amin kasi kasalanan din naman namin yun. Magiingat kayo lagi ha. Kapag nabasa niyo na ito pumunta kayo sa bahay may iniwan kami ng daddy niyo doon. Mahal na mahal namin kayo.
- love mom & dad
Hindi ko namalayan na tumulo na pala luha ko. Binalik ko na sa envelope yung letter at pinunasan ang mga luha ko.
"Bespren?" tumabi si Ashley sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Nandito lang kami bespren at kung may kailangan sabihin mo lang." sabi niya sa akin.
"Salamat bespren."
Tumayo ako at nilapitan yung kabaong nila mommy at daddy.
"Napatawad ko na po kayo. Sorry din po kung nagalit ako sa inyo. Kung hindi niyo po ako pinakasal kay Dexter siguro po magisa na lang po ako ngayon baka po napunta ako sa lalaking bastos at mapanakit. Thank you po."
~••~~••~~••~
BINABASA MO ANG
𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐚 𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐁𝐨𝐬𝐬
Romance𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 | 𝐑𝟏𝟖 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only.