𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 6

2.3K 37 0
                                    

Crimson's Pov

Hindi ko parin nahahanap ang asawa ko. Hindi ko alam kung nasaan siya at hindi ko alam kung sino ang kasama niya. Kasalanan ko rin naman kung bakit siya umalis. Basta ang alam ko tinulungan siya ni manang makaalis sa bahay pero hindi naman ako galit kay manang.

"Ano brad, nahanap mo na?" tanong sa akin ng kaibigan ko na si Akihiro Nash Keane.

"Hindi parin."

"Tangina brad! Yung hinahanap mo alam ko na kung nasaan." sabi naman ni Aaron Cael Sullivan.

"Saan?"

"Ito oh." pinakita niya sa amin cellphone niya. "Kasama ng kapatid niya at ni Castiel." kapatid?

"What? Kapatid?" hindi ko alam na may kapatid si Sabrina.

"Hindi ka kasi pumunta nung kasal nila Castiel eh. Kapatid ni Maeve si Sabrina."

"Hindi ko siya nakita nung kasal namin ni, Sabrina."

"Marami kang hindi alam brad." tinignan ko ulit picture ni Sabrina tangina she's fucking hot and sexy. "Ano plano mo ngayon? Pupuntahan mo ba siya?" napatingin ako kay Cael.

"H-hindi ko alam. Nahihiya kasi ako sa kanya." nakakahiya yung ginawa ko. Nadala lang naman ako ng galit ko that time. I found out na maraming beses na siya binebenta ng magulang niya kaya lang napipigilan ni Castiel kaya hindi natutuloy yung balak nila hangang sa malaki na ang utang nila.

Kaya pala pinilit ako ni mom at dad na pakasalan siya kasi na-aawa daw sila kay Sabrina. Bestfriend kasi ni mom ang mama ni Sabrina, kaya alam ni mom ang plano ng mama ni Sab. She's so innocent fuck. Hindi nga alam nila mom na wala na sa bahay ko si Sabrina kasi alam kong magagalit si mom sa akin.

"You like her?" biglang tanong ni Nash sa akin.

"I don't know...but I want to hug her, gusto ko lagi siyang nakikita."

"Gago inlove ka na. Pasalamat ka kasal siya sayo kundi niligawan ko na yun." tinignan ko siya ng masama.

"Don't you dare, Akihiro."

"Inlove nga ang gago. Puntahan mo sa South Korea ang sabi ni Castiel sa akin babalik na si Sabrina bukas. Kung gusto mo daw ng tulong ito yung facebook ng kaibigan at kasama niya sa apartment nila." Eunice Amora Cervantes. Inadd ko yung kaibigan ni Sabrina, inaccept naman kaagad. I started the conversation.

Isang nurse pala si Sabrina doon sa South Korea. Sabi ni Eunice before daw dumating si Sabrina dapat nandun na ako. Papasok daw agad si Sabrina sa work eh so ang sabi ko pagkauwi niya na lang ni Sab ako magpakita. I booked a hotel na malapit sa apartment nila.

"Ano brad? Tahimik ka dyan?"

"Tomorrow morning is my flight." tumango sila. "Nakasama niyo na si Sabrina noon?"

"Minsan, kapag umuuwi dito si Castiel syempre sasama naman ang ate niya." tumango ako. "Kung gusto mong malaman kung anong mga gusto ni Sab, wala akong maisasagot sayo hahaha dahil hindi naman kami close." napailing-iling na lang ako.

"Si Castiel ang tanungin mo total mas close naman sila. Selos ka lang eh."

"Fuck you. Mas gwapo ako doon." bakit naman ako magseselos eh asawa yun ng ate ni Sab at kasamahan ko yun sa gang. Nagpapasalamat lang ako kay Castiel, kung hindi dahil sa kanya kasal na sa iba si Sabrina ngayon.

"Alis na ako mga brad kailangan ko pa maghanda. Kayo muna bahala sa kumpanya at sa gang."

"No problem boss."

"Dapat pagbalik mo dito kasama mo si, Sab. Ingat ka." tinanguan ko sila at naglakad palabas ng bar. Sumakay na ako sa Aston Martin DB11. Dadaan muna ako sa flower shop para bumili ng bouquet. I will use my private jet para mabilis akong makarating doon.

𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐚 𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐁𝐨𝐬𝐬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon