𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 12

1.8K 30 0
                                    

Kakarating lang namin ni Dexter dito sa bahay. Around 1pm na kami nagising tapos yung flight namin 2:30pm. Nagmamadali na kaming magimpake. Naghihintay na sila mom sa airport.

"Are you done, love?" tanong ko kay Dexter.

"Saglit lang baby." tumango ako. Umupo muna ako sa couch. Inaayos pa kasi niya yung mga damit nya. Habang naghihintay ako kay Dexter, nag text naman si Ashley sa akin kung nasaan na daw ba ako.

To: Ashley

Papunta na. Nagayos pa kasi kami ng gamit.

Napatingin naman ako kay Dexter, tapos na ata siya. Tumayo ako at nilapitan ko siya.

"Tapos kana, love?"

"Yes love, let's go baby." kinuha na niya yung luggage tsaka bag ko. Lumabas na kami ng kwarto at bumaba. Pinauna na niya ako sa kotse kakausapin pa daw niya sila manang. Kinuha ko sa trunk yung regalo ko kay, Dexter. Inorder ko pa kasi kaya matagal dumating.

Hindi naman nagtagal ay pumasok na din si Dexter dito sa loob ng kotse. Pagkaalis namin ng bahay ay binigay ko na sa kanya yung regalo ko.

"Sorry natagalan."

"You don't have to baby. Thank you." hinalikan niya labi ko. Agad naman niyang binuksan yung regalo. "Baby this is too much." ngumiti ako.

"You deserve that love. Happy birthday ulit." bumili ako ng iPhone 13 Pro Max at MacBook Pro. Sobrang luma na kasi yung kanya tapos minsan hindi na mabuksan.

"Gumagana pa naman yung cellphone ko, love."

"Pero full storage na." he chuckled. "Gamitin mo na yan ngayon." tumango siya. Tinulungan ko siyang isetup yung iPhone niya. "May binili din ako na case pero clear baka kasi hindi mo magustuhan eh."

"Basta galing sayo love magugustuhan ko." literal na unboxing. Ako na nag setup sa MacBook niya. Hindi ko naman kailangan ng ganito kasi meron na ako eh, hindi ko nga nagagamit yung MacBook. Minsan ginagamit ko pang Netflix pero may tv na kasi sa bahay ni Dexter so hindi na kailangan.

~••~~••~~••~

After 30 mins nakarating na kami dito sa airport. Nasa jet plane na daw sila mom at mga kaibigan ni Dexter. Hinintay muna namin si Ashley dito sa parking area para sabay na kami pumunta sa jet plane.

"ISHA!? BESPREN!" niyakap ako ni Ashley ng mahigpit. "Ganda mo na ngayon ah."

"Ahh so dati hind?"

"Mas gumanda ka lalo kako." ipapakilala ko na sana si Ashley kay Dexter pero mukhang magkakilala na sila.

"Sera? Kaibigan mo pala asawa ko?" kinilig ako sa salitang "asawa".

"Jusko bakit ikaw pa napangasawa ni, Isha." naglakad na kami papunta sa jet plane. "Inaalagan mo ba tong bespren ko?"

"Oo ah. Anong akala mo sa akin pabaya? Huy wag mong ibuntong yang galit mo sa akin ah. Deserve." inirapan ni Ashley si Dexter. Pumasok na kami sa jet plane.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Cael kay Ashley.

"Nakalimutan ko na? Bespren ako ni, Isha." pinsan niya si, Cael? Only child si Ashley eh.

"Mom, dad this is Seraphine bestfriend ni Sabrina." nagpakilala naman si Ashley kanila mom at dad. Umupo na kami ni Dexter sa couch habang naguusap sila mom at Ashley.

"I'm hungry." sabi ko kay Dexter at nagpout. Napakagat labi siya at hinalikan labi ko.

"Buti na lang dinala ko itong favorite mo." kinuha niya sa bag ko yung banana chips.

"Hehehe thank you love. I love you." hinalikan ko labi niya.

"Nakangiti na naman ako sa relasyon ng iba."

"Sa harapan talaga namin, Sab?" natawa na lang ako. Binigyan ko din sila ng banana chips.

"Dati kasama pa natin si Castiel, ngayon tatlo na lang tayo." nakikinig na lang ako sa usapan nila. Hindi naman nagtagal ay takeoff na kami.

"What do you want, love?" tanong ni Dexter sa akin.

"Huy ikaw anong gusto mo?" ang sama ni Cael kay Ashley.

"Ang mawala ka sa paningin ko. Kupal." napailing-iling na lang kami. Tinignan ko yung menu.

"Love, I want this stir fry noodles then apple juice."

"Yan lang ba?" tumango ako. Marami pa namang choices pero medyo nabusog na ako sa banana chips. Tumabi sa akin si Ashley.

"Ikaw, anong gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"Sinabi ko na sa F.A." tumango ako. Nakipagkwentuhan ako kay, Ashley. Ngayon lang kami nagkita ulit. "Mahirap magisa sa buhay no." kumunot ang noo ko. "Naghiwalay na ang parents ko. Dad is cheating on mom and...n-nabuntis niya yung kabit niya."

"S-sino kasama mo ngayon?" tumingin siya kay, Cael.

"Sila." tumango ako. "Nalaman ko kasi na may ibang pamilya na pala si mom kaya ayaw niya akong balikan." hindi ko alam na may pinagdadaanan pala siya. Hindi mo kasi mahalata na may problema siya kasi napakamasiyahin niyang tao. "Kaya hindi ako nagparamdam sayo kasi tumira ako sa hospital. May anxiety at depression ako." niyakap ko siya.

"Nandito ako Ash hindi kita pababayaan. Si Cael at ang pamilya niya kasama mo sila at mahal ka nila. Open up to them." noon pa man may babae na ang daddy ni Ashley. Kawawa naman bespren ko.

Sinerve na sa amin ang mga pagkain. Ang napili ni Ashley ay chicken adobo.

"Kain lang kayo, marami pa'ng pagkain." sabi ni mom sa amin. Mukhang masarap yung kinakain ni Dexter ah. Pasta. Kinain ko na lang yung pansit na may shrimp at pork.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Dexter.

"To our private resort, love." tumango ako. Kaya pala sabi niya kagabi sasakay daw kami ng yacht.

~••~~••~~••~

Kakarating lang namin dito sa private resort nila Dexter sa Puerto Galera. Medyo maraming tao ngayon. Naglakad kami papunta sa private villa kung saan ka magiistay, limang araw lang naman kami dito eh.

"We only have three bedrooms, okay lang sa inyo kung tatlo kayo sa kwarto?" tanong ni mom kanila Ashley.

"Okay lang po sa akin tita, pinsan ko naman si Cael."

"Dito na lang po ako sa sala tita." sabi ni Nash kay mom.

"Wala akong gagawin sayo noh tsaka hindi kita type. Ang pangit mo." jusko ka Ashley.

"Sige, nasa dulo yung magiging kwarto ninyo." umakyat na din kami ni Dexter. Lahat ng rooms nandito sa itaas tapos yung sa baba kitchen, sala at hapagkainan tapos may mini banyo din doon.

Hindi pa kami nakapasok sa kwarto ni Dexter naririnig namin yung tatlo na nagtatalo hahaha pasmado talaga bibig ni Ashley.

"Pahinga muna tayo, love." tuluyan na kaming pumasok sa kwarto. Umupo ako sa bed habang si Dexter ay binuksan yung kurtina. Binuksan ko din yung aircon.

"Come, let's sleep together." lumapit ako kay Dexter at humiga sa dibdib niya. "Sayang walang sexy time." hinalikan ko pisngi niya.

"I can do handjob..." sinamaan niya ako ng tingin.

"I won't let you do that baby." niyakap niya ako at hinalikan sa labi. "Sleep muna tayo." tumango ako. Sumiksik ako sa leeg niya at niyakap siya ng mahigpit bago pumikit.






















~••~~••~~••~

𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐚 𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐁𝐨𝐬𝐬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon