CHAPTER 3

28 2 0
                                    


AMY'S HOUSE, 8:20PM
FEB 12.

Amy's POV:

"Ohh Amy bakit basang-basa ka?! Saan ka ba galing huh?!"    Tanong ni Mama sa akin ng nakasimangot ang mukha.

"Naulanan kasi ako kanina Ma nung pauwi ako galing kayla Maya"

"Ano bang ginawa niyo sa bahay nila Maya? Tyaka napapansin kong madalas ka ng umuwi ng ganitong oras?"    Tanong ni Mama habang nagluluto, hindi kasi alam ni Mama na nagtratrabaho ako.

"Nag meeting kami tungkol sa PROGRAM namin Ma"

"Kamusat kayo ni Kai? Sugar mommy ka padin ba niya?"      Tanong ni mama at humarap sa akin na naka-simangot ang mukha.

"Ummm......ok naman Ma"       Sabi ko kay Mama.

"Anak masaya ka ba talaga kay Kai?"      Tanong ni Mama saakin at nilapitan ako.

"Oo Mama masaya ako kay Kai"

"Mag-bihis ka na at para maka-kain ka na"         Sabi ni Mama habang hinahanda ang hapag-kainan.

"Ano pong ulam diyan?"       Tanong ko kay Mama at nilapitan siya habang nagluluto.

"Ang dami mong tanong!" Sigaw ni Mama sa akin.

"Pasensya na po, Mama bihis lang ako sa kwarto para sabay na tayong kumain"

Tumango lang si Mama sa akin. Siguro galit parin sa akin si Mama sa pagkamatay ni Papa noon.

...........................................................................

FLASHBACK
PLAYGROUND
SEPTEMBER 1, 2008.
4:00Pm

"Mama first time ko po mag Jogging kasama kayo!"       Sabi ko kay Mama at Papa sabay yakap saka nilang dalawa.

"Wait lang Hon parang napagod ako!"     Sabi ni Papa kay Mama. Habang ako naman ay nakatayo lang sa harap ni Papa na hindi alam ang gagawin.

"Hon!! Ano ka ba wag ka ngang mag-biro ng ganyan!"      Sigaw ni Mama kay papa sa sobrang pag-aalala na ito.

"Upo muna tayo dun malapit sa Playground."     Sabi ni Mama.

"Mama gusto ko po ng Ice Cream!"      Sabi ko kay Mama habang nagma-makaawa.

"Bilihan mo na Hon, ngayon lang to!"       Sabi ni Papa.

"Oh sige sige, Amy dyan lang kayo ahh? Bantayan mo si Papa"        Tanong ni Mama.

"Opo"

Pinuntahan ni Mama yung Ice Cream para bilihan ako. At biglang sinabi ni papa sa akin.

"Amy anak? Gusto mo mag duyan?"      Tanong ni Papa sa akin habang itinuturo niya ang Slide.

"Opo Papa, Yehey!!"      Sigaw ko dahil habang tumatalon sa saya.

Habang tinutulak ni Papa yung duyan bigla siyang natumba at nawalan ng malay. Tumakbo si Mama at nabitawan ang kanyang binili na Ice cream nung nakita niya si Papa na naka-handusay sa sahig at walang malay.

"Amy! diba ang sabi ko sayo umupo lang kayo?! Napaka tigas talaga ng ulo mo!!"      Sigaw sa akin ni Mama habang yakap yakap si Papa at ako naman ay umiiyak.

Ipinunta ng Ambulansya si Papa sa Ospital kaso sa daan palang binawian na siya ng buhay. Nilapitan ko si Mama na nakaupo sa sahig at umiiyak.

"Mama bakit po hindi pa lumalabas si Papa?"       Tanong ko kay Mama habang ako'y umiiyak.

"Kung hindi kayo umalis sa upuan siguro buhay pa ang Papa mo ngayon!!!!"       Sigaw ni Mama sa akin.

"Ang tigas tigas kasi talaga ng ulo mo Amy!!!!"

Buti nalang dumating si Lola at Lolo. kung hindi pa sila dumating baka pinalo na ako ni Mama.

"Jane!!!! wag mong sigawan si Amy dahil wala siyang kasalan sa nangyari, Napaka bata niya pa para pagbintangan mo ng ganyan!!!!"      Sigaw ni Lola kay Mama.

Makalipas ang  limang araw, Inilibing na ang Bangkay ni papa sa Sementeryo. Papauwi na kami sa bahay ng makita ko si Mama sa Puntod ni Papa na mag-isa kaya nilapitan ko siya.

"Mama uwi na po tayo, Mag-paalam ka na kay Papa"       Sabi ko kay Mama at hinawakan ko ang kanyang braso.

Tinanggal ni Mama ang kamay ko sakanyang Braso.

"Manuna ka ng umuwi, Ayoko ko pang umuwi"

At simula noong namatay si Papa hindi na ako kinausap ni Mama.

END OF FLASHBACKS.

...........................................................................

Umakyat na ako sa kwarto para magbihis ng damit.

"Hayyy nako nakakapagod grabe" Humiga ako sa kama at napansin kong nahigaan ko yung bag ko at parang may matigas sa bulsa nito at nung aking tignan nakita ko yung walet ko.

"Andito lang pala yung walet ko ehh!".

At Bigala akong napasigaw.

"huh!! andito yung walet ko!!!? ba't hindi ko to nakita kanina sa kotse nung lalakeng yun?! nagkautang tuloy ako"    Sigaw ko sa kwarto.

Pagkalipas ng ilang minuto nag message ako kay Kai kung anong ginagawa niya pero wala siyang reply at hindi niya rin sinasagot ang calls ko.

"Amy kakain na!"    Sigaw ni mama

Narinig kong umaakyat si mama sa taas at pumasok sa kwarto ko at nagtalukbong ako ng kumot at nag-kunwaring tulog na.

"Hay nako Amelia Hindi ka nanaman kumain"

Ayoko kasing kumain kasama si Mama nakakawalang gana parati nalang nakasimangot, kaya minsan nalilipasan ako ng gutom. At ang parati ko nalang ginagawa ay kumakanta dito sa aking munting kwarto.

Music use (BTS piano Hold me tight)🤍

"Case Clo$e"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon