CHAPTER 6

19 2 0
                                    


CONVENIENCE STORE, 7:30PM
FEB 13.

"huh?!!! Pano nangyaring nagkautang ka sakanya?!!"     Sobrang lakas na sigaw ni Maya sa akin.

"Shhhhh!! maya hinaan mo boses mo! baka marinig tayo!"    Tinakpan ko ang bunganga ni Maya baka kasi marinig kami ni Isham. Tumayo si Isham sa kanyang table at papunta ito sa Counter kung saan ako nakatago kasama si Maya.

"Excuse me!"     Sabi ni Isham sa Counter at pinakiusapan ko si Maya na siya na ang kumausap kay Isham.

"Yes sir, Ano yun?"     Sabi ni Maya kay Isham.

"Magkano lahat yung kinain ko?"

"Ummm bale 150 po lahat sir!"    Sabi ni Maya.

Hindi ko na kayang magtago sa ilalim ng lamesa kasi ang init hindi masyadong abot yung aircon kaya kinuha ko yung Basket na ginamit kanina ni Maya, at inilagay ko ito sa ulo ko para hindi makita ni Isham ang mukha ko.

"Miss?"    Sabi ni Isham kay Maya.

"Ano yun sir?"

"Ok lang ba siya?!"    Tanong ni Isham kay Maya habang Itinuro ako na may nakalay na basket sa ulo ko.

"Oo ok lang ako! wag kayong mag-alala!"    Sabi ko kay Isham at tumakbo papalayo sakanya para magtago ng bigla akong nauntog sa pintuan palabas ng counter. Sa sobrang lakas ng pagkakauntog ko nahilo ako at napaupo sa sahig.

"Amy! ok ka lang?!!"    Sigaw ni Maya saakin at nilapitan niya ako para tulungan.

"Ba't mo binanggit yung pangalan ko Maya?!"    Bulong ko kay maya.

"Bus stop girl alam kung ikaw yan"    Sigaw ni Isham sa akin na parang natatawa ito. At inaya ako ni Isham sa labas ng Convenience Store para kausapin siya tungkol dun sa utang ko.

"Wala pa namang 1 week ahh ba't sinisingil mo na ako?!"     Tanong ko kay Isham.

"Bus Stop girl, Hindi naman kita sisingilin!"

"Ehhh anong ginagawa mo dito?"    Sabi ko kay Isham.

"Para kumain!, tyaka nga pala ito yung bayad sa kinain ko kanina, hindi ko kasi nabigay kanina kasi may babaeng nauntog at napaupo sa Counter!"      Sabi ni Isham sa akin at tumawa.

"Anong nakakatawa dun?!"       Sigaw ko.

"Wait lang 200 tong pera mo! kukuha lang ako ng suk............"       Hindi ko natapos yung sinabi ko dahil biglang niyang sinabi sa akin na.

"Keep the change!"

"Sure ka?!"      Tanong ko kay Isham.

At sumakay na ito sakanyang kotse at umalis na.

Pumasok na ako sa loob ng Convenience Store ng bigla kung nakita si Kai sa labas na may kasamang Babaeat nagyayakapan pa. Nilapitan ko sila sa labas ng Convenience Store.

"Kai!!? manloloko ka talaga!! Buksan mo tong pintuan, Kapag hindi mo to binuksan babasagin ko nalang!!!"       Sigaw ko sa kotse kung saan niya kasama yung babae niya.

"Amy wag ka ngang mag eskandalo dito!!"      Sabi ni Kai saakin habang tinutulak ako papalayo sa kotse.

"Bitawan mo ko!!! bakit nahihiya ka?"       Sigaw ko sakanya.

"Oo!"      Sigaw ni Kai sa akin.

"Bakit ako mahihiya?!! ehhh mas nakakahiya nga ka tong pinag-gagagawa mo!!!"      Sigaw ko kay Kai habang hinahampas ko siya, ng biglang bumaba yung babeng kasama ni Kai.

"Babe! halika na hayaan mo na si Amy dyan!"       Sabi nung babaeng kasama ni Kai.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil ang babaeng kasama ni Kai sa loob ay ang Boss ko dito sa Convenience Store, Si Ma'am Megan.

"Ma'am Megan?!!! Anong ginagawa mo dyan sa loob?!!!"      Tanong ko kay Ma'am Megan.

"Tara na Kai bilisan mo!!"      Sigaw ni Ma'am Megan kay Kai habang papasakay sa kotse at umalis na sila.

Nanginginig ako sa nangyare. Ito na ata ang pinakamasakit na ginawa sa akin ni Kai. Napaiyak nalang ako at parang nang-hina ang aking mga tuhod, Nanginginig, at hindi ko alam ang aking gagawin.

PARKING LOT
7:50PM
FEB 13.

Isham's POV:

Nakita lahat ni Isham ang nangyari kay Amy sa labas ng Convenience Store. Lalapitan na sana ni Isham si Amy na naka upo ito sa kalsada habang umiiyak, pero biglang lumabas si Maya para tulungan si Amy sa gitna ng kalsada.

CONVENIENCE STORE
7:51PM
FEB 13.

Amy's POV:

"Amy!! Anong ginagawa mo diyan tara na sa loob!! halika na!"       Sabi ni Maya saakin at itinayo ako sa gitna ng kalsada.

"Maya!! Iniwan na ako ni Kai! Niloko niya ako!"      Sabi ko kay Maya habang umiiyak at nakasandal ang ulo ko sakayang balikat.

"Tara na Amy pasok na tayo sa loob!"     Itinayo ako ni Maya at pumasok na kami sa Convenience Store.

"Case Clo$e"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon