CHAPTER 15

1 0 0
                                    


VILLANUEVA COMPANY BULDING
1:00PM
FEB 18.

Bumaba ako sa kotse at nakita ko si Mommy na nakatayo sa labas ng Company namin.

"Isham my son! how's your day?"     Tanong ni Mommy sa akin.

"Ok lang naman Mom"

"Nakahanap ka na ba ng bagong Vocalists?"    Tanong si Mommy sa akin.

"Naghahanap palang Mom, pero makakahanap din ako don't worry!"    Sabi ko kay Mommy na medyo kinakabahan ako.

"Isham! I told you to find a new Vocalist pero anong ginawa mo?!"     Sigaw ni Mommy sa akin.

"Mommy.........!"      Hindi ko natapos ang sinabi ko dahil sumakay na si Mommy sa Kotse.

"Ipopostponed ko muna yung song na ire released mo, Pero after 3 Days dapat nakahanap ka na ng bagong Vocalist!"     Sabi sa akin ni Mommy at pinatakbo na nila ang kotse.

Parati nalang di pinapatapos ni Mommy ang sasabihin ko, Ni minsan hindi siya nakinig sa'kin.


AMY'S HOUSE
7:00PM
FEB 18.

Amy's POV:

Bumbaba ako galing sa kwarto ko at nakita ko si Mama na Nanonood ng TV.

"Ma pwede ko po ba kayong makausap?"    Tanong ko kay Mama.

"Ano yun?"    Sabi ni Mama.

"Parang may mood ngayon si Mama"    Sabi ko sa aking sarili.

"Ma may program kasi kami sa School, tapos kailangan daw nila ng kakanta, Ummm...ako kasi ang pinili nila"     Sabi ko kay Mama, Medyo kinakabahan ako kasi baka uminit nanaman ulo niya.

"Ohhh maganda yun diba pangarap mo yun?!"      Sabi ni Mama sa akin.

"Gusto ko po sanang manood ka, pwede po ba?"     Tanong ko kay Mama.

"Kailan ba yang program niyo na yan?"    Tanong ni Mama sa akin.

"Sa february 23 po Ma"

"Sige Manonood ako!"     Sabi ni Mama.

"Talaga Mama?! Thank you po!!"    Sabi ko kay Mama at niyakap ko siya dahil masaya ako na may time siyang panoorin ako.

"Mama ako na po ang magluluto ng ulam natin ngayon!"    Sabi ko kay Mama.

"Ako na ang magluluto baka hindi mo alam yan!"   Sabi sa akin ni Mama.

"Mama ako na po, Relax lang kayo diyan ako na po bahala dito ok?!"    Sabi ko kay mama at nginitian ko siya.

"Sige sige dapat masarap yan!"    Sabi sa akin ni Mama.

"Oo Ma!"

Pupunta na ako sa kusina para magluto at  nakita ko si Mama na nakangiti. Ngayon lang ulit ngumiti si Mana ng ganyan. Kapag masaya siya mas lalong mas masaya ako.

Habang nagluluto ako, nakita ko yung resibo ng kuryente dito sa bahay. 1,500 ang kuryente tapos yung upa dito sa bahay 3,000

"3,500 lahat ang bayarin, Kailangan ko talagang magtrabaho!"    Sabi ko sa aking sarili.

..............................
FLASHBACK

SCHOOL CANTEEN
12:00PM LUNCHTIME
FEB 18.

Amy's POV:

Pumipila ako sa Canteen para kunin yung lunch ko, ng bigla akong nilapitan ni Isham.

"Bus Stop girl! Ano payag ka na?!"    Tanong ko kay Amy.

END OF FLASHBACKS
..............................

"Mag-trabaho nalang kaya ako dun?"     Sabi ko sa aking sarili.

"Mama may kukunin lang ako kayla Maya! promise sandali lang yun!"     Sigaw ko kay Mama at umalis na ako sa bahay.

"Amy pano na yung lulutuin mo?!!"    Sigaw ng Mama ni Amy ngunit hindi narinig ni Amy.

Habang ako'y pasakay sa Tricycle biglang may nag message sa number ko.

"Ano Bus Stop girl payag ka na? Kung payag ka na punta ka lang dito sa VILLANUEVA BUILDING - Isham"   Message sa akin ni Isham.

"Manong driver VILLANUEVA BUILDING po"    Sabi ko sa Driver.

At Ilang minuto lang nakarating na ako sa VILLANUEVA COMPANY.

"Wow ang laki naman ng building na to, nakakalula!"    Sabi ko sa aking sarili habang nakatingin at nakatayo sa harap ng building.

"Ma'am excuse me, Ano pong kailangan nila?"    Tanong sa akin ng babae na galing sa loob ng Building.

"Hi ako nga pala si Amy, Meron ba si Isham dyan?"    Tanong ko sakanya.

"Anong kailangan mo kay Isham? Ako pala ang My love ni Isham, my name is Tina!"   Sabi niya sa akin at nginitian ako.

"Nice to meet you po Tina, Nandito po ako para kausapin si Isham may sasabihin po kasi akong importante!"    Sabi ko kay Tina.

"Stay there, Tatawagin ko lang si Sir Isham,"   Sabi niya sa akin at pumasok na sa loob para tawagin si Isham.

ISHAM'S OFFICE
7:30PM
FEB 18.

"Good evening my love!"    Sabi ng Stuff ni Isham.

"Can you please stop calling me like that?!"   Sigaw ko kay Tina.

"Sorry sir! ikaw naman hindi ka mabiro, Sir may naghahanap po sayo sa labas Amy daw pangalan!"

"Amy?!!"   Sigaw ko kay Tina at napatayu akonsa upuan ko.

"Oo sir"

"Nasaan siya?! papasukin mo dito, bilis!!"  Sigaw ko kay Tina.

"Sige Sir!"

"Case Clo$e"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon