CHAPTER 9

11 2 0
                                    


VILLANUEVA COMPANY BUILDING
FEB 16.
8:00AM

Isham's POV:

Pumasok ang isang Stuff sa Opisina ni Isham.

"Sir tungkol po dun sa mga flyers. Wala po kasing tumanggap nung Flyers na ginawa namin, Ayaw daw po nilang magAudition Tyaka pinapatawag po kayo ng Father ni Trisha yung dati nating Vocalist.

"Bakit niya ko pinapatawag?!"       Tanong ko sa Stuff.

"May sasabihin daw pong importante sainyo, Tumawag kanina sa telepono."

"Saan daw kami magkikita?!"       Tanong ko sa Stuff.

"So makikipagkita kayo sa Father ni Trisha sir?!"

"Ang sabi ko saan kami magkikita!"      Sigaw ni Isham.

"Sabi niya po magkita daw kayo sa University of CC!"

SCHOOL MUSIC CLUB
8:50AM
FEB 16.

Amy's POV:

Nakita ko si Woon na papunta sa Music Club kaya sumabay na ako sakanya.


"Malapit na Ang Open House Program natin at kailangan ko ng marunong mag Gitara at syempre marunong kumanta"        Sabi ng Music Club President.

Gusto ko sanang I volunteer ang aking sarili ko kaso naunahan ako ng hiya.

"Ate Amy diba marunong kang kumanta at mag Gitara? Gusto mo I Volunteer kita?!"  Bulong sa akin ni woon.

"Ayoko Woon! nahihiya ako!"     Bulong ko kay Woon.

Tumayo si Woon sakanyang upuan.

"President! may alam po akong marunong mag gitara at marunong kumanta!!"       Sigaw ni Woon sa President.

"Sino?!"        Tanong ni President kay Woon.

"Si ate Amy po!"      Sabi ni Woon sa President sabay tingin sa akin at ngumiti.

"Si Amy?! Marunong bang kumanta yan?!"  Sabi ng Classmate ko na si Ryza. Ang malditang classmate ko.

"Hindi pa nga natin naririnig ang boses niya hinuhusgahan mo na!"      Sabi ni President kay Ryza.

"Baka inggit lang si Ryza! hahahaha!"      Sabi ng mga Classmate ko kay Music Club President namin. Natahimik na lamang si Ryza sakanyang upuan at nakabisangot.

"Guys silent silent!, Amy patingin nga ng talent mo? dali halika dito!"    Sabi sa akin ng President at pinapunta ako sa Harapan gusto akong pakantahin, at biglang pinahiram ni president ang Gitara ng School.

"Go ate Amy!!!"      Sigaw ni Woon.

At nagsimula na nga akong kumanta at ang kinanta ko ay ( Can't Take My Eyes Off You ) Ang paborito naming kantahin ni Papa noon.

SCHOOL FACULTY ROOM
8:50AM
FEB 16.

Isham's POV:

Tinupad ni Isham ang sinabi ng Father ni Trisha, na mag-usap sila sa University of Cc.

"Isham sorry kung naabala kita! Nasabi ko na mana lahat ang sasabihin ko sayo pwede ka ng umuwi Isham"     Sabi ng Daddy ni Trisha ang dating Vicalist ni Isham.

"Ok Sir Mauna na ako"       Sabi ko at lumabas na ako sa room, Habang naglalakad ako papunta sa Parking Lot ng School, Bigla akong napalingon sa Isang Room na malapit sa Parking Lot, Napalingon ako dahil may naririnig akong kumakanta na babae at parang sumasabay ang mga estudyante sa kanyang pagkanta. Kaya sinilip ko dahil ang kanilang kinakanta ay ang aking paboritong kanta, At nung aking tignan, Nakita ko sa loob si Bus Stop Girl, hawak-hawak ang gitara habang kumakanta ito sa harap ng mga estudyante.

"Wow ang galing mo naman Amy!Palakpakan niyo naman si Amy!"      Sigaw ng isang lalake na parang Club president nila.

Pumalakpak din ako habang nakatayo sa may pintuan.

"Sir may kailangan po ba kayo?!"     Sabi ng Club President sa akin.

"Isham?!! Anong ginagawa mo dito?!!!"       Sigaw sa akin ni Amy nung nakita niya akong nakatayo sa pintuan.

"Case Clo$e"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon