MAYA'S HOUSE
10:00PM
FEB 16.Amy's POV:
Pupunta ako kayla Maya ngayon dahil magpapatulong daw siya sa Project niya.
"Mama punta lang po ako saglit kayla Maya, May project mo kasi siya, nagpapatulong po kasi sa akin."
"Matagal ba yung project na yan?" Tanong ni Mama sa akin habang siya ay nanonood ng TV.
"Baka magagabihan ako Mama"
"Sige sige umalis ka na!" Sabi ni Mama sa akin.
"Mama yung kakainin mo nasa Ref na" Sabi ko kay Mama.
"Oo alam ko!" Sigaw ni Mama:
"Ma alis na ko"
Ipinagluto ko na si Mama bago ako umalis, Kasi magagalit si siya sa akin kapag tatamad tamad ako sa bahay.
"Miss tricycle!" Sabi ng Tricycle driver sa akin.
"Sige po kuya, Pupunta po ako sa Balinaaw Street!" Sabi ko sa Driver.
"Sige iha sakay ka na!"
Sumakay na ako sa tricycle at bigla akong tinanong nung driver.
"Iha mag-iingat ka dyan sa Street ng Balinaw, Balita ko may bastos daw na lalake dyan, Palakad lakad lang sa daan, Wala daw siyang Damit at salawal, naka jacket lang daw siya ng mahaba.
"May bastos daw na lalake sa Balinaw? kuya?!" Tanong ko sa Driver.
"Oo iha, Kapag may natipuan daw siyang babae tatanggalin niya daw yung Jacket niya!, Kaya iha magiingat ka dyan!"
"Sige po kuya! Salamag at sinabi mo!"
Ilang minuto lang binaba na ako ng Driver sa balinaw street.
"Iha ingat dyan sa daan huh?" Sabi sa akin ng driver.
"Sige po"
Umalis na yung Tricycle na sinakyan ko at ako nalang mag-isa sa daan. Habang naglalakad ako papunta sa bahay nila Maya, napansin kung parang may sumusunod sa akin.
"Ito na ba yung sinasabi ni kiyang Driver kanina?!" Sabi ko sa aking sarili.
May sumusunod talaga sa akin kaya binilisan ko na ang lakad ko, at bigla niyang hinila ang buhok ko.
"Bitawan mo ako!!!" Sigaw ko at itinulak so siya.
Itinulak ko yung sumusunod sa akin, at nung aking tignan.
"Prank lang Amy!! hahahaha!" Sabi ni Maya sa akin.
"Maya naman! Tinakot mo ako!" Sabi ko kay Maya.
"Sorry na frenny!, Sinundo kita kasi baka ikaw ang kunin nung lalakeng Bastos dito!" Sabi ni Maya sa akin habang naglalakad kami papunta sa bahay nila.
Ilang minuto lang nasa bahay na kami nila Maya.
"Oh Amy hello iha!" Sabi sa akin ng Mama ni Maya at niyakap ako.
"Hello po tita!"
"Ma punta muna kami sa taas, tutulungan kasi ako ni Amy sa project ko!" Sabi ni Maya kay Mama niya.
Gusto ko sanang sabihin kay Maya na ako ang nakuhang magpeperform para sa Open House Program namin sa School, kaso nahihiya ako.
"Amy upo ka muna dyan, kukunin ko lang yung project na gagawin natin" Sabi ni Maya.
"Amy! Amy!" Sigaw sa akin ni Maya.
"Huh! may sinasabi ka ba?" Tanong ko kay Maya.
"Bakit ka tulala ka dyan?! kanina ko pa napapansin?, Sabihin mo mga sa akin, may problema ka ba?!" Tanong ni Maya sa akin at umupo siya sa tabi ko.
"Wala akong problema ano ka ba!"
"Hindi ka ganyan Amy! Kialala kita" Sabi ni Maya sa akin.
"Ohh sige na nga sasabihin ko na!, Ako kasi ang piniling kakanta sa Open house program namin, sabi ng Music Club president namin!"
"Ano namang masama dun?! matutupad na yung pangarap mong kumanta sa harap ng maraming tao?!"
"Oo pangarap ko yun! pero bakit nung ako ang pinili nung president, bigla akong nahiya?!" Sabi ko kay Maya.
"Nako nako nako!!!! Pangarap mo yan Amy kaya mo yan! ang kilala kong Amy ay hindi mahiyain!" Sabi sa akin ni Maya at niyakap niya ako.
"Thank you frenny!"

BINABASA MO ANG
"Case Clo$e"
FanfictionTungkol sa Isang babae na College Student at Working student, na nagngangalang Amy. Matalino, Magaling kumanta, Marunong gumamit ng Gitara, Ngunit pag-dating sa Love life hindi siya magaling dun. May boyfriend siya na sobra ang pagka-babaero nito. A...