CHAPTER 4

25 2 0
                                    


UNIVERSITY OF CC
SCHOOL FOOTBALL COURT 7:30AM
FEB 13.

Amy's POV:

Papunta Kami ni Kai sa Football court at nakita namin sina BARK, VEIN, at LANZ na nag-lalaro ng Football, (Mga kaibigan ni Kai).

"Kai my friend, Hi Amy! grabe ka bago nanaman sapatos mo, Sige Amy una na kami sa court mag-sisimula na kasi yung game!"

"Wag ka ng manood baka maboring ka lang dun"     Sabi ni Kai sa akin at pumunta na sa Court iniwan akong mag-isa. Bigla kung naisip na may Meeting pala kami ngayon sa Music Club.



SCHOOL FOOTBALL COURT
7:33AM
FEB 13.


"Binili nanaman ni Ame yan no?" Tanong nila kay Kai.

"Itong sapatos ko ba ang tinutukoy niyo? Oo naman binili niya to kasi pinabili ko sakanya!" Sabi ni Kai habang ipinagyayabang ang kanyang bagong sapatos.

"Hindi ka padin nagbago Kai!" Sabi ni Bark at tumawa kasama sina Vein at Lanz.

"Tumahimik nga kayo, alam niyo gutom lang kayo ehh" Sabi ni Kai sakanila.

"Oo gutom talaga ako pre" Sabi ni Lanz at Vein.

"Sige kain tayo mamaya sa labas" Sabi ni Kai sakanila.

"Libre mo kami?" Tanong nila kay Kai.

"Basta!" Sabi ni Kai sakanila at naglakad kasama ang mga kaibigan niya papunta sa labas ng School.

SCHOOL MUSIC CLUB
7:40AM
FEB 13.

Amy's POV:

Papunta ako sa Music Club, kasi sabi ng president namin na may Meeting daw kami para sa OPEN HOUSE PROGRAM namin.

"Parang masyado ata akong maaga?" Sabi ko sa sarili ko habang nakatayo sa harap ng nakaLock na pintuan ng Club.

"Ang aga natin Ate Amy no?" Lumingon ako at may biglang tumabi saakin na lalake.

"Halahh Woon?!! Oh my god kamusta kana?! payakap ka nga namiss kita!! tyaka antangkad mo na ahh" Sabi ko kay Woon. Siya nga pala si Woon kapatid ni Maya, Nakababatang kapatid ni Maya. Grade 7 na siya ngayon.

"Talaga Ate Amy matangkad na ako?" Tanong ni Woon saakin.

"Oo antangkad mo na, binata kana ahh! dati sinisipun ka lang na palakad lakad sa kalsada hahaha!" Sabi ko sakanya at tumawa.

"Ate naman!!" Nagtatampong sabi ni Woon sa akin ng biglang dumating yung Music Club President namin.

Excuse me, Bubuksan ko lang yung pintuan, Ang aga niyo naman? Very good!"

"Thank you!" Sabay naming nasabi ni Woon ang Thank you.

"Kapatid mo siya Amy?" Tanong ng Music Club President sabay turo saaming dalawa.

"Kapatid po ng Bestfriend ko, Siya nga po pala si Woon" Sabi ko sa President.

"Para kayong magkapatid hahaha"

Nagtinginan lang kami ni Woon at tapatawa nalang sa sinabi ng president. At pumasok na kami sa room ng Music Club.

"Maupo na kayong dalawa dyan" Sabi ng President.

Umupo na kami ni Woon.

"Wait niyo lang ako dito may kukunin lang ako sa Faculty Room" Sabi ng president.

"Sige" Sabi ko.

"Ok" Sabi ni Woon.

"Drummer parin ba ang hilig mo Woon?" Tanong ko.

"Syempre naman ate, Hire me as you Drummer!"

"Naks naman! hahahaha!" Sabi ko kay woon sabay tawa.

SCHOOL CANTEEN
11:22AM
FEB 13.

Kai's POV:

"Akala ko sa labas tayo kakain yun pala dito lang sa Canteen!" Sabi ni Lanz sa akin.

"Kai!" Sigaw ni Amy saakin at lumapit ito papunta sa Canteen.

"Ohh anong ginagawa mo dito?!" Sabi ko kay Amy.

"Amy sabay kana saamin, uuwi na kami diba half day tayo ngayon?" Sabi ni Vein kay Amy.

"Wag na ka ng sumabay Amy diba may Meeting kayo sa Music Club?" Tanong ko kay Amy.

"Tapos na yung meeting kanina pa!" Sabi ni Amy sa akin.

"Kai ano ka ba!, wag ka ngang ganyan kay Amy! Hayaan mo na yan si Kai" Sabi ni Bark kay Ame.

"Hindi na guys kayo nalang, may klase pala ako sa TLE room muntik ko ng nakalimutan, Una na ako!" Sabi ni Amy at tumakbo na siya papunta sa TLE room.

"Kai ba't mo naman ginawa yun? tyaka bakit siya may klase diba half day tayo ngayon?" Sabi ni Vein.

"Hayaan niyo na yun" Sabi ko sakanila.

Nagtinginan nalang silang tatlo sa ginawa ni Kai kay Amy.

"Amy! Anong ginagawa mo dito sa TLE Room?" Tanong ng Classmate ni Amy.

"May naiwan lang ako!"

"Case Clo$e"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon