Prologue

5.7K 71 0
                                    

   

Kasalukuyan kaming nasa bar, dahil nagkayayaan--este pinilit lang pala ako ng mga baliw kong kaibigan pumunta dito. Mabuti nalang at linggo ngayon at day-off ko rin sa pinapasukan kong trabaho, kaya sumama na ako sa makukulit.

Kanina parin kami nandito at marami na akong nainom, kaya medyo nahihilo na rin ako. Siyaka first time ko lang din tumikim ng alak at uminom sa buong buhay ko.

"Maglaro tayo ng truth or dare mga besh."biglang ani ni biena.

"Sige."masayang pag-sang-ayon agad naman ni Diane.

"Game."aniya rin ng isang busy sa pagkalikot ng cellphone na si Rian.

"Ikaw kia?."biglang baling sakin ni biena ng hindi ako sumagot sa kanya.

"Okay..sige."aniya ko nalang. No choice eh.

Habang nakaupo kami at nakapaikot sa round table ay agad inilagay ni Diane ang bote ng naubos na namin na alak sa ibabaw ng lamesa at sinimulan ng paikutin nito.

Nagsimula naman ng umikot ang bote, hanggang huminto na ito ng tuluyan. Nagulat pa ako ng sa harap ko mismo pa ito huminto. Pero sa huli ay napabuntong hininga nalang ng makabawi ng gulat. Ang swerte ko naman talaga. Aish!

"Truth or dare."agad na pagtanong agad sakin ni biena na may ngisi sa labi.

Napairap nalang ako bago sumagot ng"Dare."ng mabilis.

Mas lalo naman lumawak ang ngisi sa labi nito dahil sa naging sagot ko. Kinabahan tuloy ako. Wrong choice pa yata, nyeta! Paniguradong masama ang ipapagawa nito sakin, I swear. Wag naman sana.

"Oh bat ganyan ka makangiti?."hindi ko ng napigilang puna dito na mas lalong nagpalawak pa lalo ng ngisi nito.

"Chill besh. Okay, here's your dare..kung sinong unang pumasok na lalaki sa intrance ay--"Pinutol pa nito ang kanyang sinasabi na siyang kinamuo ng munting inis ko.

"Ano?."di konang napigilang tanong.

"Haha,chill."aniya nito at nagtaas pa ng kamay na tila sumusuko. Tsk!

"Sabihin mo na."naiinis kong aniya.

"Kung sinong unang pumasok na lalaki sa intrance ay yayayain mong magpakasal."may ngisi sa labing sambit nito at tumawa pa sa huli.

Namilog naman ang mga mata ko at malakas na napasinghap sa sinabi nito.

"ANO??."malakas na react ko.

What the heck! Sigurado ba siya don. Mabuti nalang at malakas ang music dito sa bar kundi narinig na ang boses ko ng mga ibang tao dito.

"Pwede bang iba nalang?."aniya ko at nagpaawa effect pa sa kanya na ikinailing lang nito.

"Sorry besh, but that's my final decision. Kung hindi mo naman gagawin ang dare ay ililibre mo kami ng isang taon."mahabang lintanya nito na siyang ikinabagsak ng magkabila kong balikat."Okay ba yon sayo besh?."nakangising dagdag pa nito.

Wala na akong choice, Huhuhu!

"Okay gagawin ko na."pagsuko ko na siyang ikinahiyaw ng tatlo sa huli.

As if naman kasi na may choice ako. Dahil kapag hindi ko ginawa ang dare ay paniguradong mamumulubi ako ng isang taon sa tatlong baliw na ito. Kay Diane pa nga lang ay akala mong sampung tao ang kumakain, dadagdag pa ang dalawa, kawawa naman ako non. Bakit ba kasi nauso ang larong to. Sinusumpa ko na talaga to, I swear. Huhu!

Nagsimula na kaming maghintay ng papasok sa intrance, hanggang sa maya-maya ay may pumapasok na at halos magbunyi ako sa tuwa ng babae ang pumasok. Yehey! Ligtas ako.

"Paano yan babae ang pumasok, di hindi na tuloy ang dare."malawak ang ngiti na aniya ko sa tatlo.

"Tuloy parin kaya maghihintay pa tayo."aniya ni biena na ikinapawi ng ngiti sa labi ko at ikinabagsak ng magkabilang balikat ko. Wala na talaga akong ligtas ngayon.

"May pumapasok na."

Naagaw ng pansin ko ang malakas na boses ni Rian, kaya naman napabalik ang tingin ko sa intrance ng bar. And there I saw a man, a tall and fine man, wearing an office suit or formal attire. Hindi ko masiyadong tanaw ang mukha nito dahil malayo siya saming puwesto.

"Swerte mo girl ang hot ng pumasok."

Natigil lang ang tingin ko sa pumasok ng marinig ang tila kinikilig na boses ni biena. Sapakin ko kaya ang mukong na baklang to. Tch!

"Kaya mo yan kia girl!"biglang pag-cheer naman ni Diane. Isa pa to eh.

"Go kia!."aniya pa ng isang si Rian. Sumama pa to. Sarap talagang pag-uuntugin nitong tatlo, isa-isa eh.

Sinamaan ko nalang sila ng tingin at tumayo na sa aking kinauupuan, bago mabilis na dinampot ang basong may lamang alak sa ibabaw ng lamesa nasa harapan ko at walang sire-siremonyang nilagok ito. Lihim naman akong napapikit at napangiwi sa anghang at pait na lasa nito, maging sa init na gumuhit sa aking lalamunan. Hindi ko na nga rin alam kung pang ilan shot ko na yon. Tuloy nahihilo ako lalo ngayon, shit!

Huminga nalang ako ng malalim at hindi na ininda ang hilong nararamdaman, siyaka tumingin ng diretso sa target ko. Here i come man. Nagsimula na akong maglakad palapit dito na siyang ikinahiyaw naman ng tatlo kong kasama. Hanggang sa tuluyan na nga akong nakalapit.

"Hi Mr. Pogi, pakasalan mo ako."bungad na bati ko dito, kaya naman kita ko ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha nito.

"What do you think your doing woman."aniya nito sa malamig na boses habang blangko ang mga matang nakatutok sakin.

"Pakashalan mo ako."ulit ko at halos matakpan ko pa ang bibig  ko sa pagkabulol nito. Lasing na nga talaga ako.

"Your obviously drunk kaya hindi mo alam ang ginagawa at sinasabi mo babae."He seriously said while grabbing my both hand dahil naglulumikot na ito sa damit niya.

"Alam ko ang ginagawa ko kaya pakasalan mo na ako."pagpupumilit ko pa na may halong inis na sa tono ng boses ko, kaya kita ko ang pag-iling nito, pero hindi nagtagal ay kumurba pataas ang gilid ng labi nito.

"As you wish woman. Let's go."aniya nito bago ako hinawakan sa kamay at hinila papalabas nitong bar.

****

Short prologue, serry!! Don't expect na walang wrong grammar and typos dito, dahil talagang meron ito.

Copyrights reserved
©2018

Accidentally Married To Mafia Boss?(Mafia Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon