Epilogue

2.1K 35 0
                                    

Lumipas ang tatlong taon mula ng mangyari ang trahedyang iyon samin. At ngayon ay araw na ng pinakahinhintay namin tatlo. Ang graduation day.

"Kia girl tara na sa upuan natin sa harap.baka magsimula na.."aniya ni diane.

Wala parin ipinagbago katulad parin ng dati. Andito kasi kami sa papasok ng quadriangle para hintayin si xie. Hanggang ngayon kasi ay wala parin. Kanina ko pa siya tini-text ayaw naman mag reply kahit sa tawag ko ayaw sagutin.

Naiinis na nga ako. Graduation ko pa naman ngayon siyaka pa siya naging ganon. Andito na ang parents ko at kasama ang parents ng tatlo kung kaibigan.

At sa nagdaan na tatlong taon ay napakilala kona rin si xie sa mga magulang ko. Sobrang hirap nga ng pinagdaanan ng mokong na yon kay papa para magustuhan siya. Pero buti nalang matiyaga talaga ang mokong. Baliw na baliw yata sakin.hehe.

"Okay.."tipid ko nalang na tugon bago tumingin tingin at sumama na sa tatlo patungo sa upuan namin.

Nang makarating sa upuan ay nakabusangot akong umupo kaya naman panay ang tanong ni diane sakin. Na hindi kona nalang pinansin at nanahimik nalang sa kinauupuan.

Nag-simula na ang seremonya at hanggang sa natapos pero wala paring xie na dumating.

"Hindi kaba masaya kia girl na suma cum laude ka?.."tanong na naman muli ni diane sa tabi ko.

Oo suma cumlaude ako. Hindi ko nga ini-expect. Siguro sa pagsiya siyaga at pagsisipag mag-aral kaya nakamit ko yon.

Umalis naman ang dalawa at nagtungo sa mga parents nila kaya kami nalang ni diane ang magkasama dahil nagchi-chikahan pa naman ang parents namin.

"Masaya.."tipid ko lang na tugon kaya hinawakan nito ang balikat ko.

"Wag kang magalala baka may importante lang ginawa si lexus kaya hindi nakapunta sa graduation mo.."pagpapagaan nito.

Kaya napabuga ako ng hangin. Inaya naman ako nito sa hindi ko alam kung saan. Pumayag nalang ako dahil nalulungkot parin ako na hindi siya nakapunta.

Nang makarating kami sa labas ng Quadriangle ay napakunot ang noo ko dahil may nagkukumpulan malapit sa soccer field. Hindi pa nga ako nakakareact ay hinila na ako palapit doon ni diane.

Hanggang sa makalapit kami. Magtatanong na sana ako kay diane kung bakit kami lumapit dito ay wala na siya sa tabi ko.

Napabaling lang ulit ang tingin ko sa harap ng biglang gumilid ang mga istudyante para makita ko ang pinagkukumpulan nila. And there nakita ko ang lalaking kanina ko pa gustong makita.

Napaluha ako ng makita ko itong may hawak na gitara habang may mike naman sa tapat niya habang nakaupo sa isang upuan. Patingin tingin ito sa paligid na parang may hinahanap hanggang sa dumapo ang paningin niya sakin.

Lumiwanag ang mukha nito at ngumiti sakin ng matamis. Kaya naman ngumiti rin ako sa kanya pabalik.Nag-simula na itong mag-strump ng gitara habang nakatingin sakin.

" I wanna know
Who ever told you
I was letting go
The only joy
That i have ever known
Girl, they were lying.."

Hindi ko naman mapigilan mapaluha sa saya ng mag-umpisa na siyang kumanta. Malamig ang boses niya at maganda pwede na nga siyang maging singer.

" Just look around
And all of the people
That we used to know
Have just given up
They wanna let it go
But we're still trying.."

"So you should know
This love we share
Was never made to die.."

Tumayo ito sa kinauupuan habang hawak ang mike niya at ibinigay nito ang gitara kay mark na ngayon ko lang nakita bago maglakad sakin. Naghiyawan naman ang mga istudyante.

Accidentally Married To Mafia Boss?(Mafia Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon