Chapter IX

1.8K 31 0
                                    

Nang matapos kaming kumain ay napahimas nalang ako sa tiyan ko.Sobrang nabusog ako sa masarap na luto ni kev.

"Thank you sa lunch sobrang nabusog talaga ako.."nakangiting sambit ko.Napatingin naman ito sakin at ngumiti.

"As long as na busog ka i happy with that.."simpleng sambit nito.

Tinulungan ko na rin siya magligpit ng kinainan namin at nilagay sa malaking paper bag.Nang matapos naman ay namahinga muna kami at nagkuwentuhan na rin.

Malapit lapit na pala ang birthday party niya at malaking salo salo daw ang magaganap.Ilang minuto pa kami nag stay sa garden. Bago bumalik sa classroom ko ay hinatid pa ako nito sa classroom ko.

Pagkapasok ko ay bumungad agad sakin ang tatlo na nakangisi. Panay ang tanong ng tatlo habang kinikilig pa,pero hindi kona ito pinansin at nagdiritso sa upuan ko.

Pagkatapos ng klase ay lumabas na kami ng sabay sabay. Hindi naman sumabay samin maglakad palabas si kev,dahil kanina pa ito umuwi at emergency daw.

Pagkalabas namin ay nagulat pa ako ng andiyan na naman ang naka men in black na naghatid sakin kanina.

Hay hindi na talaga ako makakapag-trabaho niyan kainis.

Lumapit naman samin ang isang naka men in black. Nagtataka naman ang tatlo sa tabi ko.

"Señorita tara na po.."sambit nito.

Napatili naman ang tatlo at tinudyo tudyo pa ako.

Tumango naman ako dito at nagpaalam na sa tatlo. Pagdating sa white van ay pinagbuksan pa ako nito ng pinto.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa mansyon ni mukong. Lumapit naman sakin ang mayordoma ng bahay at may inabot na credit card.

"Pinabibigay po pala ni señorito lexus señorita.."sambit at abot nito sakin ng credit card, nangunot naman ang noo ko.

Aahin ko naman ang pera niyang ito. Siguro hindi niya na ako pinagtatrabaho dahil siya ang magbibigay sakin. Hays ano ba yan mas masarap gastusin kapag galing sa pinagpaguran mo parin. Kainis naman kasi ang mukong na yon buyset.

Ngumiti naman ako dito at tumango.

Naglakad na ako patungo sa elevator at pumasok na. Wala dito ang mukong dahil nasa work ito. Mamayang 6pm pa ang uwi nito or minsan mas ginagabi pa..pero I don't care.

Nang makarating sa taas ay lumabas na ako at naglakad papunta sa kwarto ko. Nang makapasok sa kwarto ko ay ni-lock ko ito at inilagay ang bag ko sa reading table.

Tinanggal kona ang sapatos ko at medyas bago nagtungo sa walk in closet. Kumuha lang ako ng pajama at t-shirt bago nagtungo sa banyo.

Katapos maghalfbath at magtoothbrush ay sinuot kona ang mga damit ko.

Pagkalabas ay nagtungo na ako sa reading table at nagsimula ng gawin ang presentation ko bukas.

Maya maya lang ay may kumakatok sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Kia nakahain na ang pagkain sa hapag halika na at kakain na.."sigaw nito sa labas.

Pinatunog ko naman ang mga kamay at leeg ko bago maglakad papunta sa pinto.Pagkabukas ko ay tumambad sakin manang lisa.

"Sige manang lisa susunod nalang po ako.."sambit ko.

"Oh siya sumunod ka at baka lumamig ang pagkain.."sambit nito at umalis na.

Inayos ko mona ang gamit ko sa reading table bago lumabas ng kwarto. Sumakay ulit ako ng elevator pababa. Pagkababa nagtungo na ako sa dinning area. As usual marami na namang pagkain.

Accidentally Married To Mafia Boss?(Mafia Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon