Chapter XXII

1.5K 30 0
                                    


Kinabukasan ay maaga palang ay nakabihis na ako. Nakasuot ako ngayon ng itim na legings at sweater na dark blue. Ang araw kasi na ito ay sasama ako kay papa sa plantation para tumulong sa pagaani ng mga pananim na mga prutas at iba pa sa plantation.

Sobrang na-miss ko kasi gawin ang mga bagay na yon. Dati-rati kasi ay tuwing walang pasok o di kaya linggo ay nasa plantation ako para tumulong sa mga naghaharvest at nagtatanim.

"Ano handa kana ba anak?aalis na tayo.."tanong ni mama sa labas ng aking kwarto kaya mabilis akong lumapit sa pinto at pinagbuksan ito.

"Yes ma reading ready.."nakangiti kong aniya na ikinangiti rin ni mama at napapailing pa.

"Tara na. Naghihintay na satin sa ibaba ang iyong ama.."aniya nito na ikinatango ko at isinara ang pinto bago sabay kaming bumaba.

Nang makababa ay nakita na namin si papa na naghihintay samin habang may bitbit na dalawang basket sa kaniyang dalawang kamay. Napalingon ito samin at matamis na ngumiti.

"Ready naba ang magina ko?.."aniya nito na ikinatawa naman ni mama at naglakad palapit sa kaniya at hinalikan namin siya sa magkabilang pisngi ni mama.

"Opo pa,ako paba.."mayabang kong aniya ng matapos kong halikan si papa sa pisngi kaya natatawa itong napailing iling at inaya na kaming lumabas ng bahay.

Kinuha ko naman kay papa yung isang basket kahit binabawal pa ako nito pero sa huli ay ako parin ang nagwagi kaya hinayaan nalang ako ni papa.

Sumakay pa muna kami sa maliit na sasakyan ni papa at inilagay namin ang dalawang basket sa likod ng sasakyan bago pumasok. Napuno ng saya ang byahe patungong plantation dahil sa aming pagkukwentuhan pamilya.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating din kami kaya inihinto ni papa ang kanyang sasakyan sa lilim ng maraming puno bago kami bumaba. Nang makababa ay sumalubong na sakin ang sariwang simoy ng hangin sa paligid kaya hindi ko maiwasan langhapin. Iba parin pala talaga ang hangin ng probinsiya keysa sa siyudad.

Nagsimula na kaming maglakad habang bitbit ko ang isang basket sa aking kamay na naglalaman ng aming pagkain. Nauuna sila mama at papa at nasa likod lamang nila ako na nililibot ang tingin sa paligid. Wala parin ipinagbago at ganon parin ang plantation.

Napapangiti pa ako sa bawat na dadaanan dahil sa iba't ibang bumabati sakin na nagtatrabaho dito. Huminto lang kami ng makarating sa isang tree house. Kaya mas lalo akong napangiti at naunang umakyat. Ngayon nalang muli ako nakadalaw sa tree house na ito. Nung huling kong punta dito ay kasama ko ang apat na sila kev dahil sumama rin sila sakin dito para bumisita sa plantation.

Inilibot ko pa ang aking paningin sa loob ng tree house ng makaakyat at wala parin ipinagbago. Napatigil lang ako sa pagikot ng tingin sa tree house ng tinawag na ako ng aking magulang para kumain.

Kaya lumapit na ako sa kanila at tinulungan silang ilabas ang pagkain sa isang malaking basket. May nagsi-akyatan din na mga trabahador dito sa tree house na mga kakilala ko at may mga bitbit silang mga bilao at basket na may mga lamang pagkain. Kaya hindi ko maiwasan mamilog ang mata. Mukhang mapaparami ang kain ko ngayong umaga.

Naging masaya at napuno ang tawanan ang almusal namin dahil sa masasayang kasama namin dito sa plantation. Sobra rin ang pagka-miss ko sa ganito.

Nang matapos ang masayang almusalan ay naggayak na kami at nagsimula ng libutin ang plantation. Iniwan ko na lamang sila mama at papa sa tree house at ako nalamang magisa ang bumaba para tumulong sa paghaharvest ng aanihin ngayon. Nagsuot lamang ako ng Nipa na sombrero at nagbitbit ng isang basket para magsimula mag-ani ng strawberry. May favorite!.

Accidentally Married To Mafia Boss?(Mafia Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon