Chapter V

2.3K 43 0
                                    



Mabilis kong inalis ang tingin sa kanya at ibinalik sa nakabukas na TV. Pakialam ko naman kasi kung saan pupunta ang mukong na iyon.

'Asawa ka niya kaya may pakialam ka.'aniya ng maliit kong utak.

Itinuon ko nalang muli sa panonood ang aking atensyon hanggang sa natapos ang pinapanood kong palabas kaya napagpasyahan ko nalang na patayin dahil tinatamad na akong manood. Naalala ko naman na may swimming pool pala dito kaya yon ang tinungo ko.Marami pa akong pasikot sikot na nilakad hanggang sa marating ito.

Hindi ko maiwasan na matuwa at mamangha sa nakikitang swimming pool dahil sa linaw ng tubig at mukhang araw araw na pinapalitan. Mayaman eh! aniya muli ng maliit kong utak na ikinailing ko na lamang bago naupo sa gilid at ilublob ang aking paa sa tubig.

Nang magsawa sa paglublob ng paa sa tubig ay naisipan ko ng mag swimming hindi naman kasi masiyadong malamig ang tubig at parang inaakit ako kaya tumayo na ako at agad na hinubad ang suot kong tshirt at pajama at itinira ang brasiere ko at underware. Siyaka tuluyan tumalon sa tubig at mag-umpisang maglangoy langoy hanggang sa nagsawa ako at naisipan ng umahon.

May tuwa sa mukha na umahon ako sa tubig at pinasadahan ng daliri ang hibla ng aking buhok na mahaba. Napatingin lang ako sa harapan ko ng may maramdaman akong mga matang kanina pang nakatingin sakin at halos atakihin naman ako sa gulat at unti unting nanlalaki ang aking mata ng masalubong ng aking paningin ang anim na lalaking nakatayo habang nasa akin ang kanilang paningin.

Kita sa kanila ang pagkagulat sa pagkakita sakin. Nakipagtitigan ako sa kanila hanggang sa umalingawngaw ang isang pamilyar na baritonong boses na nasa kanilang likuran.

"DONT STARE AT HER YOU ALL MOTHER F*CKER IF YOU WANT TO STAY ALIVE.."

Kaya mabilis naman na iniwas nila ang kanilang paningin sakin at nagsipagtabi upang makita ko ng tuluyan ang nasa likod ng anim. Madilim ang mukha nito at may bahid sa mukha ang inis habang matatalim ang tingin sa anim at halos mapatalon pa ako sa aking kinatatayuan ng sakin mabaling ang masama nitong tingin.

Nagsimula itong humakbang palapit sakin habang ako naman ay napapalunok dahil sa paraan nito ng tingin sakin. Parang kakain niya kasi ako ng buhay,para akong prey na nilalapitan na ng mabangis na lion ngayon. Bawat paghakbang nito ay parang sobrang bigat dahil sa atmosphere na nararamdaman ko hanggang sa tuluyan itong makalapit.

"Why are you wearing like that?.."masama ang tingin na sambit nito sakin at mabilis na napaiwas ng tingin ng mapababa ang tingin nito sa katawan ko."Go inside and change.."dagdag pa nito ng hindi makatingin sakin.

Kaya napatingin naman ako sa sarili ko at para akong pinagsakluban ng lupa ng makita kong ano lang ang suot ko. Kaya agad na umakyat ang dugo ko sa mukha ko dahil sa hiyang nararamdaman ngayon.

"S-syempre nagswimming kaya ganito a-ang suot ko.."nagkandautal utal na sagot ko kahit sobrang nagiinit na ang mukha ko sa hiya.

"Tsk, go change at your self.."mariin nitong aniya.sakto naman ng sinabi niya yon ay ang dating ni nanay lisa na may dalang roba at mabilis na sinuot sakin.

"Anong nangyayari señorito lexus?.."agad na tanong nito kay mukong.

"Bring her to here room.."tanging aniya lang nito at hindi sinagot si nanay kaya agad naman akong inalalayan ni nanay lisa papasok sa loob ng bahay.

Bago pa kami makapasok ay dinig ko pa ang malamig at maawtoridad na boses ni mukong na mukhang sine-sermonan ang mga kaibigan nito. Napailing nalang ako at tuluyan nalang sumunod kay nanay lisa.

'Grabe ganon ba sila katakot kay mukong?hmp? Naku-curious tuloy ako..But infernes protective si mukong ngayon ah! Ano kayang nalanghap na hangin sa labas non para ipalanghap ko nalang sa kanya palagi para maging mabait naman.

Sumunod lang ako sa tinatahak na daan ni nanay lisa hanggang sa makalampas kami ng hagdanan kaya napakunot noo ako. Saan kaya kami dadaan para makaakyat sa fourth floor niyan? Kaya hindi kona napigilan ang magtanong.

"Nanay lisa,saan po tayo pupunta?.."nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko pala nasasabi sayo,may elevator paakyat papunta sa itaas kaya doon tayo pupunta ngayon.."aniya nito na siyang ikinalaglag panga ko. What the f?

May elivator naman pala pero pinahirapan nila pa ako kakaakyat baba ng p*steng hagdanan na yon. Ang sasama nila ha!

Nang tuluyan na kami makarating sa sinasabi ni nanay lisa na elevator ay agad kaming sumakay dito. Nahilo pa nga ako kakasunod kay nanay dahil sa pasikot sikot papunta dito dahil tagong tago talaga naman kasi itong elevator.

Habang nasa loob ng elivator ay biglang pumasok sa isip ko yung kanina. Kasi diba, hagdanan naman ang ginamit ni mukong umakyat baba kanina. Ano yon gusto niya talaga mahirapan?ganon? Aish ewan!

Nang tuluyan bumakas ang elivator ay nakasunod lang ako kay nay lisa hindi kasi siya pala salita kaya tahimik nalang din ako. Nang tuluyan makarating sa tapat ng kwarto ko ay nagpaalam agad sakin si nay lisa dahil tutulong daw siya sa paglilinis sa kusina.

Kaya pumasok na ako sa loob at agad na nagtungo sa banyo para magbanlaw na. Nang natapos ay nakaroba na lumabas at nagtungo sa walk in closet. May pa walk in closet pa ang kwarto na ito ha. Samantala sa bahay ni tita na tinitirahan ko ay kabinet lang ok na. Sosyal!

Isang pajama at isang plain na t-shirt na baby blue ang naisipan kong isuot bago patuyuin gamit ang blower ang aking buhok. Nang natapos ay lumabas na ako at agad na binagsak ang katawan sa kama. Alas otso na kasi ng gabi at magna nine na kaya kailangan ko ng matulog kong ayaw ko na naman ang malate sa pagpasok bukas.


Kinabukasan ay nagising na lamang ako sa sunod sunod na katok na nagmumula sa labas ng pinto ng aking kwarto.

"Señorita gising na po ba kayo?pinapatawag na po kasi kayo ng señorito Lexus sa ibaba para makapag umagahan na daw po kayo.."rinig kong malakas na boses na aniya ng hindi ko kilala sa labas ng pinto. Sa tingin ko ay isa itong maid dito.

Dahil sa malakas na aniya nito sa labas ay napapakusot mata akong bumangon sa pagkakahiga."Sabihin mo na bababa nalang ako kapag tapos na kamo ako.."aniya ko at bumangon na sa higaan at sinimulan ng ligpitin ang hinigaan ko.

Habang patuloy sa pagliligpit ng aking hinigaan ay bigla ko naman naalala na may pasok pala ako. Kaya agad kong hinanap kong saan nakasabit ang wall clock at agad naman rumehistro sa mukha ko ang gulat ng makita ang oras. 7:05 am for christ sake. Alas 8 ang simula ng klase ko. Mali late na naman ako ngayon.

Kaya ng natapos ligpitin ang aking hinigaan ay nagkakanda dapa pa ako sa pagtakbo patungong banyo. Hanggang sa makapasok sa loob ay madalian ang ginawa kong paliligo kahit nga sa paghihilod sobrang diin at mabilis para mapadali. Kaya panigurado namumula ang katawan ko ngayon sa ginawa kong paghihilod.

Nang natapos ay nagtungo agad ako sa walk in closet para magbihis na. Pagkapasok ko naman ay bigla kong naalala na wala akong dalang uniform kaya agad akong binalot ng pagpapanik. Ano ng susuotin ko ngayon?

Habang palakad lakad ako ay agad naman akong nakarinig ng sunod sunod na katok sa labas ng pinto ng kwarto kaya agad akong nagtatakbo palabas ng walk in closet at nagtungo sa pinto para pagbuksan ang kumakatok. Nang tuluyan mabuksan ay bumungad sakin si nanay lisa at may bitbit itong dalawang paper bag. Naguluhan pa ako ng iabot nito sakin ang paper bag kaya agad ko naman itong tinanggap.

"Pinabibigay yan sayo kia ni señorito lexus,andiyan daw ang uniform mo at bilisan mo na daw baka malate kana daw sa pagpasok.."aniya nito kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Save by the mukong ako ngayon.


Napatango lang ako dito bilang tugon bago ito umalis na kaya agad naman akong nagmadaling nagtungo sa walk in closet para magbihis. Nang makarating ay agad kong nilabas ang laman ng dalawang paper bag na napagalaman kong ang isang laman ng paper bag ay dalawang uniform ng FEU at ang isa naman ay may takong na dalawang inch na sapatos ng FEU. Hindi kona kinilatis pa ito ng matagal at agad na nagbihis dahil late na ako.

Nang natapos ay agad ko ng naisipan lumabas ng kwarto habang bitbit ang bag ko. Agad akong nagtungo kong nasaan ang elivator at agad na pinindot ang button para bumukas. Nang tuluyan bumukas ay agad akong pumasok sa loob at agad pinindot ang ibaba.

Nang bumukas ay agad akong lumabas at nagtungo sa dining at pagkapasok ay bumungad sakin ang pitong lalaki na nakaupo sa mahabang dining area kasama na si mukong. Nagsimula na akong humakbang palapit sa kanila kaya naman ay napatingin sakin ang anim pero agad din bumalik ang dalawa sa kanilang ginagawa habang ang apat ay napaiwas ng tingin ng may tumikhim kaya naman napabaling ang tingin ko dito. Si mukong lang pala.

"Your waiting us here in 30 minutes Kiara.."malamig nitong aniya habang halata ang irita sa mukha nito."Sit down and lets start to eat.."dagdag pa nito habang binababa ang binasang magazine or ewan kong ano yon?

Agad naman akong naghanap ng uupuan at isa nalang ang bakante ang upuan malapit sa kulay abo ang buhok habang asul naman ang mga mata nito. Naupo naman ako dito habang ramdam ko ang tingin ng iba sakin kaya naman napatingin ako sa mga ito at matamis na ngumiti.

"Hi guys?.."may pagaalinlangan kong bati sa mga ito na siya naman nilang ikinagulat pero sa huli ay ngumiti ang iba.

"Hi.."aniya naman ng apat sa kanila sakin.Ma Attitude din kasi ang dalawa kagaya ni mukong kaya hindi manlang bumati pabalik.

"Ano mga pangalan niyo?.."nakangiti kong tanong sa mga ito kaya nagkatinginan pa ito bago ako sinagot nila isa isa.

'Syempre magiging feeling close lang muna tayo hehe'

"I am Mark Castro.."pakikilala ng lalaking nakapula ang buhok.

"Hi, i am David Buenaventura Mrs. Ford.."nakangiting pakikilala naman ng lalaking kulay brown ang buhok. Napangiwi naman ako sa huli nitong sinabi kaya agad akong bumaling sa iba ng tingin. Hindi ko kasi matake yong sinabi niya.

"I am Xander Lee binibini.."nakangiting pakilala naman ng kulay abo ang buhok na katabi ko lang. Akward naman akong napangiti dito dahil siya yung napagkamalan kong manyak kagabi sa pool. He's childish pala.

"Lance Davis.."tipid naman na pakikilala ng may hawak na libro habang may sout na salamin. Mukha siyang nerd but gwapo na nerd.

"I am zake collins.."aniya naman ng yelo ang buhok at kita ko pa ang paglabas ng isang dimple nito sa kaliwang pisnge niya ng ngumiti ito kaya naman ay napatulala ako.

Natauhan lang ako ng may nagsalita pa kaya napalingon ako dito. Ang two version ni mukong na isa rin na yelo ang bumungad sakin. Tumingin lang sakin ito ng malamig na siyang ikinalunok ko.

"Vein Monteverde.."malamig nitong aniya bago iniwas sa akin ang paningin at sa binabasa ibinalik.

Kaya yon lang ako nakahinga at napatingin lang sa iba ng tumikhim ang katabi ko."You?.."tanong nito kaya naman ay ibinalik ko muli ang ngiti ko.

"I am Kiara Alexa Sandoval but you can call me kia for short. Nice too meet you all.."malapad ang ngiting pakilala ko sa kanila at napawi lang yon ng may malamig na boses ang sumabat. Wala ng iba kundi si mukong.

"You finish talking to them and introducing your self? Then lets start to eat because your getting late to your school.."kahit malamig ang boses nito ay ramdam mo ang sarkastiko sa sinabi nito.

Kaya lihim naman akong napairap pero ng marealize kong ano ang sinabi niya sa huli ay agad nanlaki ang mata ko at nagsimulang magsandok ng pagkain kahit ramdam ko pa ang tingin nila sakin.

Wala na akong pakialam sa sasabihin nila dahil late na ako.

Nang maubos ko ang pagkain ko sa plato ko ay agad akong uminom ng gatas na nasa harap ko at agad na tumayo ng natapos. Kita ko pa ang tingin ng iba sakin na gulat na gulat dahil sa bilis kong kumain. Well namana ko ito sa matakaw kong kaibigan kaya wag na silang magtaka na kahit gaano karami ang kainin ko ay mabilis ko lang naubos.

"Sige boy's alis na ako.."walang lingon lingon na paalam ko sa kanila ng maisuot ang aking bag at magsisimula na sanang tumakbo ng may pumigil sakin na boses.

"Wait. I drive you to your school.."aniya ni mukong kaya napalingon ako dito at mataray siyang tinignan.

"Wag na magjejeep nalang ako kesa sumakay sa kotse mo mukong dahil impiyerno ang magiging bagsak ko.."mataray kong aniya at pairap na iniwas ang tingin sa kaniya at agad nagtatakbo papalabas.

My gosh mali late na ako.

Nang tuluyan makalabas ay agad akong nagtatakbo patungo sa malayong gate at hinihingal pa akong nakalapit at agad na pinabuksan sa mga nagbabantay dito. Binati pa ako ng mga ito kaya bumati rin ako pabalik bago nagmamadaling lumabas.

Nang tuluyan makalabas ay agad akong nagtatakbo palabas ng village para makarating sa kalsada na kung saan dumadaan ang mga jeep na sasakyan. Natuwa naman ako ng may dadaan kaya agad ko itong pinara at ng huminto ay sumakay agad ako at nagbayad bago nakaupo.

Napatingin pa ako sa wrist watch ko at nanlumo ako ng makitang 7:40 na.
Nakipag daldalan pa kasi ako sa anim na mukong kaya tuloy late na naman akong papasok.

Kaya ihahanda kona rin ang tenga ko sa madiwara at istrikta kong prof mamaya dahil sa pagka-late ko. Kainis.

Accidentally Married To Mafia Boss?(Mafia Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon