Chapter XXIV

1.5K 27 0
                                    

Third Person Point Of View

Sa malaking event na dinaraos ng isang sikat na iskuwelahan ay may dalawang puros itim ang nagmamadaling lumabas sa pinakalikod ng school,Habang buhat buhat nito ang walang malay na babae.

"Paniguradong tuwang tuwa satin si boss nito.."aniya ng nakangising lalaki habang buhat ang walang malay na si kia.

Sumang-ayon naman ang kasama nito habang may nakakalokong ngisi parin bago sumakay sa itim na van ng matagumpay silang makalabas. Isinakay naman ng lalaking nagbuhat kay kia sa sasakyan bago pumasok sa loob at pinaandar na paalis ang sasakyan.

Sa kabilang banda naman ay hindi na mapakali ang kaibigan ni kia nasi diane dahil magkakalahating oras na itong nagpaalam na pupunta lang ng CR.

"Girl's pupuntahan ko lang si kia girl sa women restroom baka napaano na iyon doon.."aniya ni diane na hindi maitago ang pagaalala sa mukha.

Nagkatinginan naman ang dalawa nitong kaibigan sa isa't isa.

"Oo nga. Hanggang ngayon wala parin. Baka naman na-stock na sa CR. My gosh let's go.."naghihisterikal naman na aniya ni biena kaya naman nakatanggap siya ng batok kay rian."Aray mapanakit kang bruha ka.."singhal nito na sinamaan lang ng tingin ni rian.

"Masiyado ka kasing OA kaya nababagay lang sayong batukan para matauhan ka naman.."mataray na aniya ni rian dito na dinilaan lang naman ni biena.

Magsisimula na sana magaway ang dalawa ng bigla sumingit sa gitna nila si diane na seryoso ang mukha.

"Can you just stop fighting right now. Hindi nga natin alam ang nangyari sa kaibigan natin ngayon nagaaway pa kayo.."sermon nito."kaysa magumpisa kayong magaway diyan ay samahan niyo nalang akong hanapin si kia dahil kanina pa ako kinakabahan dito sa tagal niyang bumalik.."dagdag pa muli ni diane at iniwan silang dalawa.

Kaya naman napabuga ng hangin ang dalawa at nagkatinginan bago sinundan na ang kaibigan. Dahil kapag nag-seryoso ito ay hindi na talaga ito mabibiro pa.

Kilalang kilala nila ito dahil bata palang sila magkakaibigan na silang lima. At isa sa nakakatakot magalit ay si diane dahil hindi mo ito mapipigilan.

Maybe she's a noisy woman and bubbly,but ones na sumeryoso na yan. Talagang hindi mona mabibiro pa.

Nagsimula na silang tahakin ang patungong women restroom at nang makarating ay ang dalawang si diane at rian nalang ang pumasok dahil bawal si biena dahil lalaki parin ito.

Nang makapasok sila ay agad nilang ginalugad ang bawat cubicle pero kahit isa walang bakas ni kia. Kaya naman mas lalo kinabahan ang dalawa at matamlay na lalabas na sana ng CR ng may makita siyang bracelet na pamilyar sa tabi ng pinto ng CR.

Agad naman itong pinulot ni rian at napalaki pa ang kanyang mata ng malaman kung sino ang may-ari nito.

"Kay kia to ah?.."sambit nito kaya naman napalapit narin si diane.

"My gosh sa kanya nga yan. Anong gagawin natin mukhang may nangyari sa kanya.."naiiyak ng aniya ni diane kaya naman niyakap siya ni rian at inakay palabas ng restroom.

Napalapit naman si biena sa dalawa ng makalabas ito. At napakunot at pagkalito ang namuo sa kanyang isip ng makitang umiiyak si diane na lumabas ng restroom habang inaalo naman siya ni rian.

"What happened? Nasaan si kia?.."sunod sunod nitong tanong sa dalawa.

"Wala siya sa loob at tanging ito lang ang nakita namin.."paliwanag ni rian at ipinakita ang bracelet.

"And to my instinct mukhang may kumuha sa kanya.."aniya naman ng umiiyak na si diane.

Sa kabilang banda naman sa UG ng kinatatakutang organisasyon ay nagre-ready na ang bawat tauhan para sa pupuntahan nilang laban. Lahat ay seryoso at tanging mga tunog ng kasa ng baril at bagay ang naririnig dahil sa paghahanda.

Accidentally Married To Mafia Boss?(Mafia Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon