Chapter XXIII

1.5K 26 0
                                    

Lumipas ang tatlong araw at sariwa parin sakin ang masakit na pangyayaring iyon. Bumalik narin ako sa dati kong tinutuluyan dito na bahay ng tita ko na nasa probinsya namin. Sa wala naman tumitira ay dito nalamang nila muna ako pinatira habang nagaaral ako dito.

Sa tatlong araw din na iyon ay palagi lamang ako nagmumukmok sa aking kwarto at paminsan minsan ay umiiyak. Wala eh hulog na ako sa kanya. At napakatanga ko sa part na iyon dahil wala manlang sasalo sakin.

Palagi rin andito ang tatlo sa bahay at binibisita ako. Kaya nababawasan ang kalungkutan ko. At alam kong kahit hindi sila nagtatanong sakin ay ramdam nila ang pinagdadaanan ko ngayon.

"Kia girl luto na ang binake kung cookies.."masayang aniya ni diane makalapit sakin dito sa sala bitbit ang tray na may lamang cookies.

Nasa sala kasi kami ngayon at nanonood ng movie na suggest niya. Siya lang ngayon ang bumisita dahil may importante pupuntahan ang dalawa. At bukas narin ang inaabanga'ng anniversary ng Ford East University at pang 87th anniversary na ito ng iskuwelahan.

Inilapag naman ni diane ang cookies na binake niya sa kusina at tumabi sakin bago prenteng sumandal sa upuan. Kaya napailing nalang ako at dumampot ng isang butter cookies na gawa niya. Napatango pa ako ng matikman dahil sa masarap nitong pagkakabake.

"Ano kia masarap ba pagkaka-bake ko?.."tanong nito na nasa tabi ko lang habang ang paningin ay nasa pinapanood.

"Oo,at wala parin ipinagbago.."aniya ko kaya natawa ito ng mahina.

Napabaling naman ang paningin ko sa tv na hindi ko dapat ginawa dahil sa aking napanood.

"Breaking news. The top 1 buseness man Xiexous Lexus Ford in asia was saw yesterday in the mall with a gorgeous girl. Marami nagtatanong kung ka ano-ano ba ito ng sikat na buseness--"

Agad kona ito pinalitan ng chanel para hindi kona marinig ang sasabihin pa ng newscaster. Bumalik din ang sakit na akala ko ay nawawala na.Damn! Kaya nawalan na ako ng ganang manood kaya umakyat nalamang ako sa itaas kahit narinig ko pa'ng tinawag ako ni diane.

Nang makarating sa itaas ay agad akong dumapa sa kama at isinubsob ang mukha sa aking unan. Bago tuluyan rumagasa na naman ang masasagana kong luha.

'Huling iyak kona ito sa maling tao at ipanangangako na bukas ibabalik kona ang dating kia.'Aniya ko sa aking isip bago dalawin ng dilim.

***
KINABUKASAN ay maaga palang gising na ako dahil ito na ang ang selebrasyon sa paaralan. Gusto ko sanang wag nalang pumunta pero nagtatalo ang isip ko. Pero sa huling banda ay napagpasyahan ko nalang din pumasok.

Isa rin kasi ako sa mga kasama sa pag-oorganize ng venue. Alas dos pa naman ng hapon ang start ng party pero kailangan kong pumasok ng maaga para tumulong.

Kaya sout ang fitted jeans na black at oversize tshirt na white na tinack-in paloob with pair of white rubber shoes ay naisipan ko ng pumasok. Hindi nalang ako kumain dahil wala naman akong gana. Nang makalabas ng bahay at ma-lock ang pinto ay naglakad na ako palabas ng maliit na gate bago maglakad sa station ng jeep.

Pagkarating ay agad akong nakasakay hindi naman masiyadong marami ang pasahero kaya nakaupo agad ako. Inilapag kona lang din ang aking bag sa ibabaw ng aking hita ng makaupo. Nang magsimula ng umandar ang sasakyan napabuga nalang ako ng malalim na hininga. Ilang minuto lang din ang naging biyahe bago makarating sa school dahil hindi naman masiyadong trapik.

Bago makababa ay nagbayad mona ako bago tuluyan bumaba. Inayos ko rin ang nagusot kong tshirt ng makababa bago tuluyan maglakad papasok ng school. Nahinto pa ako sa tapat ng gate dahil chineck pa ng guard ang aking id. Nang matapos siyaka lang ako nakapasok sa loob. Nang makapasok ay kaunti lamang ang nakita kong istudyante at kagaya ko lang din na tutulong sa pag-organize ng venue.

Accidentally Married To Mafia Boss?(Mafia Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon