Chapter VI

2.2K 36 0
                                    

Pagkahinto ng jeep sa tapat ng FEU ay agad na akong bumaba bago nagtatakbo patungo sa pasarang gate ng school. Agad ko naman pinakita agad ang ID ko sa security guard para hindi na ako tanungin bago nagtatakbo muli na pumasok sa loob.

Patuloy lamang ako sa pagtakbo hanggang sa tuluyan makarating sa mahabang hagdanan na tanging ako nalang ang makikitang nagdadaan dahil nagsisimula na nga ang klase. Nagpatuloy ako sa pagakyat ng hagdan hanggang sa tuluyan makaakyat at mabilis na tinungo ang classroom ko sa first class ko.

Siyado narin ang kabog ng dibdib ko sa kabang bumabalot sakin dahil wala akong nakakasalubong manlang na kapwa ko istudyante. Kaya patay ako nito.

Nakakahiya rin para sakin dahil second year collage na ako. Eh nali late pa ako at gingaya ko ang aking sarili sa isang highschool lamang. Y*wa!

Simula talaga'ng dumating sa buhay ko ya'ng si mukong. Nagkanda l*tse na ang buhay ko. Ang dating ako na hindi kailanman nalate ngayon heto late na habang tumatakbo sa unang klase ko. B*set na yan!

Nang tuluyan makarating sa tapat ng classroom ay hinihingal pa akong napahawak sa magkabilang tuhod ko habang naghahabol ng hininga bago tumayo at katokin ang pintong nakasara na.

'Mag ready kana kiara! Ito na ang mouth armalite ng prof mo..'aniya ko sa aking isipan bago tuluyan bumakas ang pinto.

Bumungad naman sakin ang nakataas ang isang kilay na si Mrs Deguzman at masama akong nitong tinignan kaya naman nanlamig bigla ang kamay ko at napalunok.

"WHY ARE YOU LATE MS SANDOVAL?.."sigaw nito na siyang kinatalon ko sa aking kinatatayuan.

Daig niya pa si mama magalit noong bata pa ako ng mahuli ako nitong pinapakain ng asukal ang langgam na namumugad sa bahay namin. Y*wa na yan!.Nagsimula na itong manermon na pinakinggan ko lang.

"Sorry mrs de guzman for being late now may aberya lang po kasing nangyari sa bahay kaya pasensya na po hindi na po mauulit sa susunod.."magalang kong aniya ng magkaroon ng lakas para magsalita.

"Wala ng susunod Ms Sandoval dahil hindi na kita papasukin sa klase ko. So, go to your sit before i change my mind at palabasin nalang kita.."masungit nitong aniya na agad ko naman ikinataranta at agad na nagtungo sa upuan ko.

Nang makarating sa upuan ko ay kita ko pa ang ngisi ng dalawang sila diane and biena kaya sinamaan ko ang mga ito ng tingin bago naupo sa upuan ko.

"Besh bakit ka nalate ngayon?.."rinig kong tanong ni biena.

Hindi ko siya sinagot at tumingin nalang sa harap pero dahil sadyang makulit talaga ang mga kaibigan ko kaya napilitan akong sabihin sa kanila maging kung bakit din ako nawala kahapon. Pero yong dalawang mga walang hiya kinilig pa dahil meet the parent na daw ako at may nameet pa daw akong anim pa na hotty. Jusko! Ang sarap nilang pagsisipain sa tabi ko papalabas ng classroom na ito kung hindi lang andito ang prof namin na istrikta.

Hanggang sa natapos ang klase namin sa unang schedule namin at lumipat naman kami sa kabila bago dumating ang break time kaya naman nagsimula na kaming magligpit ng mga gamit namin.

"Besh pwede ba kaming bumisita sa bahay ng asawa mo minsan? Para naman makilala rin namin yang anim na hotty.."aniya ni biena na ikinatingin ko dito habang nakataas ang isang kilay. Umandar na naman kasi ang kalandian ng baklang ito. My god!!

"Ewan. Sasabihin ko muna kay mukong kong pwede, dahil siya ang may-ari ng bahay no!.."mataray kong aniya."Oh siya, Tara na. pumunta na tayong canteen gutom na ako.."parang batang dugtong kopa sabay himas sa tiyan ko.

"Ako rin,gutom narin ako.."parang bata rin na aniya ni diane at hinimas din ang impis nitong tiyan.

Kaya nagkatinginan naman kami at sabay na natawa sa kalokohan namin. Kaya naisipan na namin lumabas na ng matapos magligpit habang nagkukwentuhan at nagtatawanan.

Accidentally Married To Mafia Boss?(Mafia Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon