Chapter I

3.5K 63 2
                                    

Kiara Pov's

Nang imulat ko aking mga mata ay hindi pamilyar na silid ang aking nabungaran. Malawak ito at kulay abo at puti ang kulay ng interior ng silid. Inilibot ko ang aking paningin, pero hindi ko talaga alam kung nasaan na ako.

Kanino bang silid ito? Nasaan na ba ako? Ang natatandaan ko lang ay pinilit ako ng tatlo sumama sa bar. SA BAR!! TAMA! Nasa bar ako. Pero teka paano nga ba ako dito napadpad at kanino to?

Dahil sa maraming katanungan sa aking isip ay sumakit tuloy ang ulo ko, sumama pa ang hang-over kaya naman doble ang sakit.

Napaupo tuloy ako at napasapo ng ulo, at saktong ganong posisyon ko bumukas ang pinto. Napatingin tuloy ako dito na hawak parin ng kanang kamay ko ang aking ulo. Parang nagising ako sa aking nabungaran.

Anghel ba to? Bat ang guwapo?

Pair deep black eyes na kapag nasinagan ng araw ay nagiging kulay abo. Pointed nose and a perfect lips na masarap halikan--,

"Finally your awake."

Nagising ako sa pagpapantasya sa kaharap ko ng magsalita ito. Napakurap-kurap pa ako para makabawi.

"Teka, nasaan ako?."naitanong ko, para bawas pahiya naman. Baka isipin pa nito pinagpapantasyahan kona siya--na totoo naman.

Imbis na sumagot ang guwapong nasa harap ko ay humakbang lang ito papalapit sakin kaya naman nataranta ako. Teka anong gagawin sakin nito.

Itinaas ko ang aking isang kamay para pahintuin siya sabay sabing

"Diyan ka lang hangga't hindi mo sinasabi sakin kung nasaan ako."nagpapanic kong aniya dito na kinahinto naman nito sa paghakbang at napakunot ang noo.

"In my house."matipid na sagot nito at blangko ang mata ako nitong tinitigan.

Napatango-tango naman ako, kaya nasagi ng paningin ko ang aking suot. Teka bakit nag-iba ang suot ko? Hindi kaya? Hindi kaya pinagsamantalahan niya ang walang malay kong katawan? Noooo!!! Kaya naman napataas ang tingin ko at masamang tingin ang pinukol ko dito.

"Walang hiya ka! Pinagsamantalahan mo ako,huhuhu."akusa ko dito na parang naiiyak na at napatakip ng dalawang braso sa aking dibdib.

"Relax miss hindi kita pinagsamantalahan, your not even my type."aniya nito na napailing-iling pa habang may amuse na kislap sa mga mata nito.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nito, pero napakunot noo ng ma-realize ang huling sinabi nito. Di hindi niya lang type. Bakit type ko rin ba siya,tsk! Kaya naman pala walang masakit na parte sa katawan ko dahil wala naman palang ginawa. Mabuti naman.

Pero teka bakit iba ang suot ko ngayon?

Kaya naman napatingin muli ako dito na may naniningkit na mga mata na ikinakunot ng noo nitong muli.

"E bakit iba ang suot ko?! Wag mong sabihin na--"hindi kona natapos ang sinasabi ko ng sumabat na ito.

"Tss. Si Manang Lisa ang nagpalit ng damit mo dahil nasukahan mo kagabi."sagot nito sa tanong ko.

"And get up there and take a bath because you smell awful. Kung hinahanap mo ang damit mo, nasa loob ng kabinet at pinalaba kona kagabi para may ipangpalit ka ngayon."dagdag pa nito bago ako tinalikuran na may binubulong sa sarili at niluluwagan ang neck tie nito na lumabas na ng silid.

Na stress na ata sakin. Pero ang bastos na lalaki, hindi man lang ako pinagsalita at lumabas agad. Kaya napaismid nalang ako at naisipang amuyin ang sarili dahil sa sinabi nito. Napangiwi ako ng matapos kong amuyin ang aking sarili, ang baho ko, amoy akong vomit.

Accidentally Married To Mafia Boss?(Mafia Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon