Mabalik nga tayo sa nakaraan bahagi,natanaw nga ni haruko na may kayakap na babae si Hanamichi Sakuragi kaya naman hindi niya ito tinawag dahil sa kanyang nakita.
Tumalikod na nga ito si Haruko sakto naman at naka salubong niya si Ayako.
"Ui haruko nakita mo naba si Hanamichi"Tanong ni ayako kay haruko
"Uo eh pero may kayakap na babae kaya hindi kuna nilapitan"Malungkot na saad ni Haruko.
"Babae sino naman yon nakilala mo ba" wika ulit ni ayako.
"Hindi ko kilala ang babae na yon pero namumukhaan ko siya dati hindi ko lang sure kung saan ko siya nakita"wika ni haruko
Agad naman pumasok sa loob si ayako na kasama si haruko. Nakapag enrol na rin ito sa college kaya masaya siya dahil makakasama niya ulit si Hanamichi. Ngayon nag balik na ito dito sa kanagawa.
"Siya nga pala haruko bukas may practice ang team natin laban sa Ryonan"Sabi ni ayako
"Talaga kasama ba si Hanamichi sa practice game"Tanong ni haruko
"Uo naman haruko sympre hindi papayag yon na hindi makakasali lalot hindi pa siya nakakabawi kay sendoh"Ngiting sabi ni ayako
"Mabuti naman at makakasali siya ang tagal niya rin hindi naglaro at ni isa satin ay walang alam sa ngyari sa kanya pagka tapos niya ma injured sa huling laban sa sannoh"Wika ni Haruko
"Uo nga eh pero may kakaiba kay Hanamichi ngayon lalong naging madaldal at pumupogi lalo hehehe"Sabi ni Ayako na kinikilig ng kunti
"Ui ayako tumigil ka may miyagi kana baka pag narinig ka nun lagot ka" Ngiting sabi ni Haruko.
"Biro lang ito naman bakit crush mo naba si Hanamichi ha haruko"Wika ni Ayako
Bigla naman namula ang mukha ni haruko dahil sa sinabi ni ayako..
"Umhh paano kung may girlfriend na pala si Sakuragi. alam mo ayako namimiss ko siya ng subra at ngayon na bumalik na siya dito sa kanagawa pwede na seguro maging kame kaya lang baka may mahal na siya iba dahil sa nakita ko subrang sweet niya dun sa babae" Saad ni haruko na malungkot ang mukha.
Maymaya pa ay agad naman nakita nila si Mitsui at Miyagi na magkasama.
"Ui Haruko ng dito ka pala naabutan mo si Sakuragi kababalik niya lang dito sa shohuko college"Sabi ni Miyagi
"Uo Ryota nakita ko siya doon sa labas at may kayakap na babae" Tugon ni haruko na may lungkot sa mukha
"Abah baka syota yon ni Sakuragi tingnan mo nga naman kababalik lang dito at nagka jowa na agad iba rin ang gonggong na yon"asar na wika ni Mitsui
"Ui Mitsui hindi pa tayo nakakasegurado kung girlfriend ba talaga ni Hanamichi yon. wag muna tayo manghusga sa tao tsaka ano naman kung nagka syota yon mind your own business Mitsui hahaha"Pang aasar ni Ayako.
"Aba ayako balibhasa Kase may boyfriend ka sana oil" Wika ni Mitsui
"Anyway bukas ng umaga doon na tayo magkita kita sa gym ng ryonan dahil doon ang practice natin" Saad ni Ayako tumango naman sila Mitsui at Miyagi pati na rin si Haruko dahil assistant manager din ito sa team ng shohuko college kaya kasama din siya sa practice ng kanilang team
Samantala matapos mag usap sila ni Hanamichi at Yuko ay agad na ito nagpaalam dahil bukas ng umaga ay practice game nila sa Ryonan.
Napapaisip naman ito si Hanamichi kung bakit biglaan ang pag transfer ni yuko dito sa shohuko college.
"Ano kaya ngyari sa dalawa bakit bigla hiniwalayan ni oda si yuko,naalala ko pa noon noong nasa grade school kami ito ang unang babae niligawan ko pero hindi ko akalain na ito rin pala ang unang babae mang basted sakin subrang sakit nun halos ikakamatay ko. mabuti na lang ng dyan sila Yohie at ang mga kaibigan ko. Seguro kung wala sila hindi ko alam kung ano ang magawa ko sa buhay ko. Pero kung ano man ung pinag dadaanan nila buhay nila yan ang mahalaga ngayon ay pag bubutihin ko ang pag lalaro ko para hindi masayang yong training na ginugol ko halos isang taon din un at subrang hirap na pinagdaanan ko sa loob ng isang taon. Kaya ngayon humanda ka sendoh matatapatan kuna ang galing mo sayang at wala si Rukawa di bali magkikita din kame nun sa tamang panahon."Saad ni Hanamichi sa kanyang Sarili
*KINABUKASAN SA RYONAN HIGH*
Naka handa na nga ang team ng ryonan para sa practice na magaganap ngayon araw..
"Aba captain ang aga mo ata ngayon himala ah"Asar na sabi ni Hikoichi
"Sympre naman excited na ako maka laban uli ang shohuko team"Sagot ni Sendoh
Mayamaya pa ay nag si datingan naman ang kainan college at shoyo college dahil gusto ulit nila mapanuod ang practice game ng ryonan college at shohuko college
"Aba tagal ko rin hindi nakakabalik dito at nakakamis manuod at mag laro ng basketball"saad naman ni Kyota
"Balita ko wala si Rukawa dahil nagtungo ito sa US para doon mag training sino kaya ang makakasama ng shohuko"Wika naman ni Maki
Ang hindi nila alam na nag balik na ito si Hanamichi Sakuragi sa kanagawa at kasama nga ito sa practice na magaganap ngayon dito sa ryonan
"Basta ako excited na ulit mapanuod mag laro itong si Sendoh"Saad naman ni Jin
"Oh siya umupo muna tayo hihintayin na lang natin ang pag dating ng shohuko team"Sabi ni Maki at tumango naman ang dalawa si Kyota at Jin.
Mayamaya ay nagsi pasokan naman ang team ng Shoyo college at agad nila nilapitan si Sendoh
"Ui Sendoh mabuti naman at inimbitahan mo kame tamang tama hindi kame busy at gusto ka rin namen mapanuod"Wika ni Fujima
"Salamat Kenji at pina unlakan niyo ang invitation ko hehehe"Ngiti sabi ni Sendoh
"Cge sendoh ma upo muna kame hihintayin namen ang pag dating ng shohuko team"Sabi naman ni Hanagata
Agad na sila nag tungo sa bench katabi nila ang kainan high agad naman binati ni Maki itong si fujima at ang iba pa nito kasamahan..
"Mabuti naman at ng dito rin kayo Maki akala ko kame lang ang dadalo sa practice nila ni Sendoh"wika ni Fujima
"Aba sympre naman hindi naman mawawala ang suporta namen dito sa ryonan hehehe" sabat na sabi ni Kyota
Agad na sila nag si upo sa bench mayamaya pa ay dumating na nga ang team ng shohuko. Agad naman napansin ni Sendoh si coach anzai kasama si ayako at haruko agad niya ito nilapitan.
"Maraming salamat po dahil pumayag kayo maglalaro laban ng team niyo" Sabi ni Sendoh kay coach anzai
"Huhuhu walang anuman yon sendoh ikaw paba hindi kita ma hindian dahil hanga ako sa galing mo"wika saad ni coach anzai kay sendoh
Samantala agad nag si datingan sila Mitsui at Miyagi agad ito lumapit sa pwesto nila ayako.
"Babe kanina paba kayo dumating"Tanong ni Ryota
"Kadadating lang din namen Ryota tika asan si Hanamichi bakit hindi niyo kasama" Wika ni Ayako
Palinga linga naman si haruko dahil hindi pa niya nakikita si Hanamichi makalipas ang 2 minuto bago mag simula ang practice ay agad na dumating si Hanamichi at kasama nito si Yuko.
"Pasensya na medjo na huli ako hehehe hinihintay ko pa kase itong si Yuko"Saad ni Hanamichi habang nagkakamot sa kanyang ulo.
Sa team naman ng ryonan ay nagulat sila dahil hindi nila akalain na nag balik na pala itong si Hanamichi at ngayon kasama siya sa practice.
"Unbelievable nag balik na ang pulang buhok ayos mapapanuod ko ulit ang rebound niya"Sabi naman ni Hicoichi.
Sa kabilang bench naman kung saan naroon sila Maki at ang team ng Shoyo,hindi rin mawala ang pagka gulat sa kanilang mukha dahil nakita ulit nila si Hanamichi Sakuragi..
"Akalain mo nga naman ng didito na ulit si Hanamichi paano yan wala si rukawa ang rookie player nila matatapatan kaya nila si sendoh"Saad ni Maki.
"Hindi lang naman si rukawa ang magaling pati yan si Mitsui at ryota kaya panuorin na lng natin kung paano sila ilampaso ng ryonan"wikang saad ni Jin.
Abangan ang tapatan ng dalawang koponan SA SHOHUKO TEAM AT RYONAN TEAM.
BINABASA MO ANG
LEGENDARY KING OF SLAMDUNK SEASON 2-(ON GOING)
Fiksi PenggemarAng pagbabalik ni Hanamichi Sakuragi sa shohuko college matapos ma injured ay nagpapagaling ito at nag laho na lang bigla.Pati mga kaibigan nito sa kanawaga ay walang alam sa tunay na dahilan ni sakuragi kung bakit nag laho siya bigla. Pero may isa...