CHAPTER 16

12 3 0
                                    


LIZZY POV

Sandali at nagpaalam muna ako sa kanya para bumili ng mga prutas. Masaya ako at sa wakas ay nagising narin siya.

Hindi ko akalain na kaya niyang gawin yun sa sarili niya.
Akala ko walang lalaki na makakagawa sakin ng bagay na yun.
Pero iba siya. Kaya niyang isakripisyo ang buhay niya para sakin.
Kinabahan ako akala ko hindi ko na siya muli pang makikita pero salamat at imnanan siya.

Saktong palabas na ako ng hospital ng may nakasalubong akong isang matandang babae. Puno ng alahas ang katawan niya tsaka hawak nito ay isang mamahaling bag.
Sa balat at mukha nito halatang mayaman at sikat.

Nakataas kilay itong nakatingin sa mga taong nasa paligid nito at pinagtitinginan rin siya. Atsaka Nakakatakot rin ang bawat titig nito na para bang lalamunin ka ng buo.

Bakit ba ako naii-Starstruck sa mayamang matanda nayun?.
Mukhang nasa 70's na ito ngunit ang kinis parin ng balat nito kahit kulubot na.

Napabuntonghininga nalang ako at binaliwala kong ano man ang meron sa matandang yun kahit sa totoo lang kinakabahan ako sa Aura nun.

Naalala ko kailangan ko palang bilhan ng makakain si Tyron at malamang maghihintay pa iyon sakin.

Masaya ako at ligtas na ngayon si Tyron babantayan ko nalang siya hanggang sa makauwi na kami.

_____________________

Ilang oras at Nakabalik ako sa hospital at natigil ng makarinig ng usapan sa loob nito.

"Sa tingin mo ba matutuwa ako sa mga nangyayari sayo dito?"
Rinig ko ang isang boses nang nagsesermon na babae. Dahil sa pagtataka ko ay sinilip ko kung sino man ang babaeng yun. At doon ko nalaman na yung matandang babae pala na sosyalin yung kausap niya. Tahimik naman at nakahiga parin si Tyron sa higaan nito at hinahayaan lang pagalitan siya nang babae.

"Excuse me Miss!
Nagulat ako sa isang Nurse na pinatabi ako sa labas para makapasok siya. At nang dahil doon napansin na ako ng matanda at ganun nalang tapang nito lumapit sakin.

"Who the hell are you?"
Nakakatakot na tanong nito kaya naman hindi ko talaga alam kong ano isasagot ko.
Basta kinakabahan talaga ako kanina pa sa matandang babae na'to. Kong ganun lola pala siya ni Tyron. Hindi na nakakapagtaka na sosyalin at nanggaling talaga itong si Tyron sa mayaman na pamilya.

"Lizzy?"
Sambit sa pangalan ko ni Tyron, habang tinitingnan lang ako ng masama ng kanyang lola. tsaka ako nito tinaasan ng kilay.

"Ohh, you must be Lizzy right?"
Ma-Awtoridad na tanong nito. Nnginginig akong napatango sa kanya. kaya naman ay nagulat ako ng malakas ako nitong sinampal.

"Lola!!
Sigaw ni Tyron at pinigilan siya ng Nurse ng sinubukan niyang tumayo para lapitan ako.

Napahawak ako sa pisngi ko ng ginawa niyang pagsampal sakin.
Tumulo bigla yung luha ko.

Masakit OYYY ang sakit pala masampal ng hindi mo kilala.

"Nilalandi mo ang Apo ko!! kaya naman pala ayaw niyang umuwi sa California dahil sa'yong malandi ka!
Napapunas ako ng luha habang hindi parin makapaniwala sa ginawa nito sa mukha ko.

"H-hindi ko po--

"Liar!!
Bulyaw niya sakin kaya naman napaatras ako.

"Stop it grandma!
Awat ni Tyron habang nagpupumiglas sa Nurse na pinapigilan ito.

"Layuan mo ang Apo ko...Ikaw ang dahilan kong bakit muntikan na siyang mamatay!"
Anang niya pa.

"Hindi ko po gagawin yun! Mahal ko po si Tyron!
Sigaw ko na ikinagulat nilang lahat.

"Hindi ko po lalayuan si Tyron mahal ko po siya!
Sabi ko pa kaya naman sasampalin ulit sana ako ng biglang natigil kami dahil sa biglang pagsigaw ni Tyron at biglang napahawak ito sa dibdib niya at para bang nahihirapan huminga.

"Tyron Apo! Lumapit siya kay Tyron at lalapit sana ako ng bigla ako nitong tinulak. Ang sama ng ugali nitong matanda na'to.

"Don't you dare... katulad ka ng ina mong haliparot..."
Sabi pa nito at binalaan ako.

Paano niya nadamay dito ang Ina ko? Sumusubra na siya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at ayaw ko na siya patulan.

"Parehong-pareho kayong dalawa ng ina mo! Sinisira niyo ang buhay ng taong inaabuso niyo.
Giit pa nito at hindi ko alam kong ano ang tinutukoy niya.

Kilala niya ba si Mama at ganyan siya mag-akusa? Pasalamat lang talaga siya mahina na ang tuhod niya!
Nakakainis na kasi talaga siya!

"You both stop it...paano gagaling ang pasyente kong dumadagdag pa kayo sa sakit na nararamdaman niya? kailangan ng pasyente niyo ang magpahinga!!
Awat ng doctor samin at pinatayo ako.

Sarap magturo kong sino ang nauna samin manakit.

Kalmado na si Tyron at hawak ng malditang matanda yung kamay niya. habang nakapikit ang mga mata ni Tyron, dahil sa pananakit ng katawan niya.

"Miss it would be better kong umalis ka muna"
Ani ng lalaking doctor sakin. Kaya naman umiyak nalang din ako. Ito ba talaga ang tadhana naming dalawa ni Tyron? Nakakainis yung matanda na yun pasalamat siya mahal ko Apo niya.

Pinagmasdan ko nalang si Tyron at hindi na ito nakatingin sakin. At nakatulog na dahil sa itinurok na gamot sa kanya ng Doctor.

Huwag kang mag-aalala Tyron babalik ako. Ano man ang pananakot gawin nila sa atin hindi kita iiwan kaya ko rin sumugal katulad ng ginawa mo. Asawa ko.

Hindi ko alam kong ano ang totoong pagmamahal noon pero ngayon naiintindihan ko na. Ang pagmamahal ay hindi ka laging magtatagumpay makamit agad ang kasiyahan na ito. At ang pagmamahal ay hindi laging patuloy ka sa daan ng walang mga humaharang sayo.

Kilala niya si Mama ko bakit pa ako nagulat? Naging personal chef nila Tyron yung Mama ko na kalaunan ay naging asawa ng uncle niya.
Huwag niyang sabihin na sinisisi parin ng pamilya ni Tyron ang pagkamatay ng pamilya ni Tyron samin?.

Ngunit alam kong hindi hahayaan ni Tyron na sirain nila ang relasyon namin. May tiwala ako sa kanya na kahit anong mangyari hindi niya ako magagawang iwan at ipagpalit.

________________________________________

CHASED BY A GANGSTER TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon