CHAPTER 31

15 2 2
                                    

LIZZY POV

"I HAVE A GOOD NEWS FOR YOU LIZZY"
Nakaupo ako sa harap niya at walang ka-expression² ang mukha.

Nagluluksa parin ako at napilitan lang ako na harapin siya. Kanina pa tumatawag sa phone sina Mama at Lanna pero hindi ko muna sila sinagot.

"Makakalaya kana...Inurong na nila ang kaso"
Hindi ko nalang siya sinagot. Mababaliw na ako sa mga nangyayari sakin sa loob ng kulungan at ngayon lang nila ako naisipan ilabas?

"Hindi ka ba masaya na makakalabas ka na dito?"
Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

Natapos na sana ang paghihirap ko nung hindi dumating si Joih sa may Tulay. Sinisi ko rin siya dahil sa ginawa niya. Edi sana natahimik na ako.

"Bakit ako matutuwa? May anak pa ba akong makikita? May Anak pa ba akong aalagaan? May naghihintay pa ba sakin sa labas? Ano pa ang silbi ko kong makalaya na ako? Wala naman ng taong gusto akong makita. Ayoko narin namang mabuhay."
Sagot ko.

"Huwag mong sasabihin yan.. kahit May mga maling nagawa yung pamilya mo sayo...Mahal ka nila. At isa pa matutuwa si Tiara kong malalaman niyang nakalaya na ang Mama niya diba? Kahit huli na ang lahat hindi mo ba bibigyan ng oras para dalawin manlang ang puntod ng Anak mo?"

Napaisip ako sa sinabi niya.

"Lizzy...alam kong matapang ka pero mas tapangan mo ngayon. Gusto mo bang malungkot si Tiara dahil sa ginagawa mo?
Tama na.... naniniwala ako na hindi pa ito ang huli at wakas.
Hawak niya ang kamay ko at ngumiti ito sakin.




7 YEARS'.....

"TAXI!!
Taranta akong pumara sa taxi at nagmadaling sumakay.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang mapa ka pamilyar na mukha ng lalaki.

"MANONG!!
Bulalas ko ng makita ko ulit si Manong Robin. Ilang taon narin at ang saya ko ng makita ko ulit siya.

Wait... driver parin siya?

Yung taxi driver na na sasakyan ko. Naalala niyo parin ba siya?.

"Sino ka?"
Napakamot nalang ako. Matanda na nga siya at mukhang hindi niya na ako naalala.

"Manong ako po yung maganda at special mong pasahero. Remember me?! Ani ko at simangot siya.

"Hindi eh...lahat ng mga sakay ko magaganda ikaw lang yung masyadong hindi"

Ang sakit naman..

"Grabi ka naman Manong!
Inis ko at sumakay nalang sa loob.

"Naalala kita...ikaw yung baliw diba?"
Natigil ako sa sinabi niya.

"Baliw talaga?
Muntikan lang naman pero hindi naman ako natuluyan..

Nakita ko siyang napangiti. Alam kong naalala niya pa ako.

"Kamusta ka naman iha?"
Tanong niya.

"Ok lang naman po ako...ito masaya naman po na medyo stress dahil sa work.
Sagot ko. At tumango siya.

"Kamusta na yung lalaki?" Tanong niya at hindi ko na ikinabigla pa.

"Y-yung lalaki? M-masaya na po siya at May sarili na po siyang pamilya."
Sagot ko.

"Ikaw masaya ka ba?"
Ngumiti ako ng malapad sa kanya.

"Opo.. masaya po!
Ilang taon narin ang lumipas at tanggap ko na ang lahat. Tama si Joih ilang taon narin akong nakakulong at hindi ko na dapat hayaan ang sarili ko na makulong pa ulit sa kalungkutan.

"Hindi ko nakikita sa mukha mo ang sayang sinasabi mo!
Sagot niya sakin.

Siguro nga.. pero unti-unti ng nawawala sakin ang kalungkutan nayon. Kailangan ko rin palayain at alagaan ang sarili ko.

"Saan ba ang trabaho mo?"

Actually nag-a-apply palang ako ng trabaho sa "L. CONCEPCION" building...mga designer kinukuha nila at mga model.
Masasabi kong pwede ako maging designer doon kasi magaling naman ako mag design ng mga pang fashion na damit. At dahil sabi nila maganda naman ako, malay mo maging model pa ako. Edi ang swerte ko naman haha.

"L. CONCEPCION?"
Ani ni manong Robin. Tsaka ako tumango sa kanya.

"Yes po"
Agad kong sagot.

"Balita ko binili raw yang ng isang bilyonaryong tao para sa isang tao. Ang kaso ang nagpapatakbo lang sa kumpanyang yan eh yung mga nagtatrabaho doon. At wala pa silang ipinapakilala kong sino talaga ang may-ari ng kumpanya. Kaya marami ang nagtataka kong sino ba ang nagmamay-ari ng building nayan.

"Baka po patay na ang may-ari!
sagot ko.

"Ewan... hindi niya siguro gusto!
Sabi pa nito.

"Grabi naman Manong nuh? Bilyonaryo yung tao tapos yan ang regalo sayo. Ang swerte naman niya. Pero bakit naman mukhang pinabayaan ng binigyan? Kung ako ni-regaluhan ng ganyan. Talagang diyan na ako titira.

L. CONCEPCION ang pangalan ng sikat at subrang laki na gusaling ito. Subrang laki raw kasi ng mga Investors dito. At maraming mga sikat na model at endorser sa kompanya na yun. At hawak rin daw ng L. CONCEPCION yung mga subrang sikat at mayayaman na mga personalidad sa ibat-ibang bansa.

Grabe talaga...sana makapasok ako diyan kahit katulong manlang.

At isa pa sa mga napansin ko eh yung pangalan ng kumpanya nila ay kapangalan ko. Feeling ko ang gaan ng pakiramdam ko sa building nayan.

CHASED BY A GANGSTER TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon