LIZZY POV
"BYE!
paalam ko sa kanya tsaka na siya ngumiti at umalis, matapos niya na akong ihatid sa bahay.Wala man lang siyang nabanggit tungkol sa Vinesse nayun.
Basag ang balikat at malungkot akong pumasok ngunit wala rin namang tao ang sumalubong sakin sa loob.Pumasok ako sa kwarto at nag-isip-isip. Hindi parin nawawala sa utak ko yung Vinesse naiyon.
Magmukmok ako sa tabi at hindi mapigil ang pag-iyak.Hihintayin ko si Tyron na sabihin ang lahat.
Dahil wala na talaga ako magawa, bumaba nalang ako para hindi na malungkot. Binuksan ko ang tv at nanuod, saktong natigil ako ng makita ko ang matandang babae na lola ni Tyron at nasa balita siya. Ine- interview.
"The case about the death of my Son is Now over. And we found the suspect.
Ani nung lola ni Tyron. Ganun na ba talaga kasikatan nila? Kong ganun mapapahiya kong sino man ang babanggitin niya.Natatakot ako.... bakit kailangan dumating ang araw na'to?
May kabayaran ba talaga ang mga bagay na ginagawa mo sa kapwa mo?.
Yung Stepfather ko deserve nya ang pagbayaran lahat ng mga kasalanan na ginawa niya sakin. Deserve ko rin naman ipagtanggol ang sarili ko.. deserve kong maging malaya sa kanya, deserve kong mabuhay ng payapa ng wala siya. Bakit ko kailangang maghirap? Bakit ko kailangang pagbayaran ang lahat?
Kailan ako magiging masaya? Kailan ako makakalaya sa labis na paghihirap at pananakit na ginagawa nila?
Gusto ko rin pong maging masaya.
Hindi ko kailangan pagbayaran ang lahat....diba?
Ayaw ko ng ganito! Tigilan niyo na ako!!"Guilty?"
Napatingin ako sa likod ko ng marinig ang boses ni Lanna at nakataas pa ang kilay nitong nakaharap sakin."Ano?"
Taka ko at ngumiti siya na may halong pang-gigiit sakin."Gusto kong sabihin na sana makunsensiya manlang ang taong pum*tay sa Papa ko.
Natahimik ako doon. Tsaka umupo ito sa tabi ko."Nakakalungkot na nawalan ako ng Ama. Gusto ko pagbayaran niya yung ginawa niya. Ani nito kaya naman tinitigan ko lang siya at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Naawa rin ako sa kanya.. pero hindi ako na A-awa sa Ama niya.
Patawarin mo ako Lanna!
Criinngg!
Kinuha ko yung Cp ko sa bulsa baka si Tyron itong tumatawag.
Ngunit nakakapagtaka na tinawagan ako ni Bien. Siguro magtatanong naman siya sakin tungkol dun sa Assignments.
"Hello"
Taka ko."Bebs, gusto ko lang magsorry at hindi na ako nakapunta diyan para magpaalam"
Ani niya na ipinagtaka ko pa lalo."Anong ibig mong sabihin?"
"Nandito na kami sa Airport at paalis ng Pilipinas"
Napatayo ako sa gulat ng sinabi niya iyon.Nasa airport siya at aalis ng Pilipinas? Bakit biglaan? Tsaka iiwan niya ako dito.
"Teka, Bien, bakit biglaan? Anong gagawin niyo dyan? bakit kayo aalis?"
Takang tanong ko at hindi parin maalis sa mukha ko yung lungkot sa binalita niya."Pasensya kana talaga Lizzy, pati nga rin ako ay nagulat. May emergency'ng nangyari at na hospital si Dad sa Australia. We need to go there.
Pati sa boses ng pananalita niya halatang kabado kaya nanginginig ang boses niya at pati narin sa bilis nito na halatang nagmamadali nga sila.Kaya pala aalis siya bigla.
"Don't worry babalik rin naman ako"
Dagdag pa niya kaya naman naiintindihan ko iyon."Naiintindihan ko. Ipapanalangin ko na ligtas ang byahe niyo at gumaling na iyong Papa mo. Mag-iingat ka Bien at sabihin mo kay Tito na magpagaling siya agad.
Bilin ko sa kanya."Pasensya na talaga Lizzy, Salamat...bye! Sunod sunod na sabi nito tsaka ako binabaan ng phone.
Ngayon wala na si Bien. Wala na akong nakakausap at malalapitan dito.Umalis na si Bien at mag-isa nalang ako dito.
Mas lalo pa akong lumungkot dahil sa pag-alis niya.ANO BANG NANGYAYARI SAKIN?!
______________________________________
Ilang araw na ang lumipas. Naging tahimik ang paligid ko dahil sa pag-alis ni Bien. Iniiwasan ko narin si Arvin dahil baka magalit sakin si Tyron.
Hindi ko na alam kong ano ang nangyayari. Simula nung nalaman ko ang tungkol kay Vinesse hindi na naging ok ang lahat.
Nag-research ako tungkol sa Vinesse nayun nung isang araw at totoo nga yung sinabi niya sakin.
Fiance nga siya ni Tyron. Ang sakit lang malaman iyon pero alam mo kong ano yung pinakamasakit?.
Yung alam mo ng niluluko ka na ng taon mahal mo pero wala parin itong balak na umamin at tuloy parin sa pagtatago ng sikreto sayo.
Ngayon ay para akong tanga kakahintay kong kailan niya sasabihin ang lahat. Ayaw kong itanong sa kanya at ayaw kong magalit doon. Ayaw kong sirain ang relasyon namin dahil sa mga nalaman ko.
Sa ngayon ay nasa loob kami ng Classroom.
Katabi ko siya at ang tahimik kaming dalawa ni Tyron sa loob. Hindi ko alam kong anong meron ngunit nakakapanibago ang Aura nito.Kanina ko pa siya kinakausap pero hindi niya ako sinasagot. Nung mga nakaraang Araw ay napapansin kong unti-unti siyang nagbabago at nanlalamig sakin.
Siguro dahil yun sa panggigipit ng lolo at lola niya. O hindi naman kaya dahil iyon sa kay Vinesse.
"May problema ba?"
Tanong ko ulit. Kahit sa totoo lang alam kong meron talagang mali sa ginagawa niya."Wala"
Tipid nitong sagot at hindi ko gusto ang pagalit na boses nito."G-galit ka ba sakin?"
Tanong ko ulit pero hindi na siya nag salita.Inalog-alog ko siya para pansinin niya ako. Gusto ko kausapin niya ako. Ayaw ko ng katahimikan ngayon.
"Can you stop it Lizzy?!
Bulyaw niya sakin na ikinagulat ko. Actually ikinagulat naming lahat. Napatingin sa kinaroroonan namin yung mga kaklase namin at yung teacher na abala kanina sa pagsusulat sa board.
Napayuko ako sa pagkapahiya dahil sa ginawa niya. Parang gusto ko nalang umiyak.Ngayon niya lang ako sinigawan ng ganito at pakiramdam ko ang sakit ng ginawa niya.
Hindi ko alam bakit ganun at ang pangit ng mood niya.Siguro dahil masyado lang talaga ako makulit. O kaya naman dinidisturbo ko ang pakikinig niya sa guro.
Umangat tingin ulit ako. ngunit walang pinagbago ang expression ng mukha niya. Ganun parin ang itsura niyang galit na galit at kitang kita ko sa mga mata niya na hindi manlang siya nagsisisi na sinigawan niya ako.
Galit siya sakin.
Pinigilan ko lang maiyak. Bukod sa hindi niya pa sinasabi sakin kong sino si Vinesse pakiramdam ko wala na akong halaga sa kanya."What's happening there...Mr.Cy?"
Tanong ng guro namin.
Nagulat ang lahat at hinampas niya ang bag niya sa mesa at tumayo."It's none of your business"
Sagot nito na ikinagulat ko tsaka ito nagmadaling lumabas ng classroom.Hindi na nakapagsalita ang guro namin dahil sa sagot nito.
Ngayon ay nagsisibulungan na ang lahat at tinatanong ako kong nag-away ba kami.Ngayon ay nagbago na ang lahat.
Kasalanan ko ba yun? Masyado siguro akong makulit kanina.
______________________________________
BINABASA MO ANG
CHASED BY A GANGSTER TWO
Teen Fiction[SERIES ONE] This is the season two of Chased by a gangster. Maalala na kayang lahat ni Lizzy? Magkakasundo pa ba ulit sila ni Tyron na siyang nagplanong patay'n siya upang makaganti? Matatagpuan na ba ni Lizzy ang dahilan ng paghihrap niya? kailan...