CHAPTER 28

6 2 0
                                    

LIZZY POV

Hindi ko alam pero kong ano ang tunay na kaligayahan. But, ang mag karon ng Anak ang nag-iisang biyaya na meron ako ngayon at dahilang kong bakit nagpapakatatag ako. At hindi nawawalan ng pag-asa.

Ilang araw narin at nasa loob ulit ako ng kulungan.
Matapos ng mga nangyari ay iniba nila ako ng kulungan. Ngayon ay mga mababait na ang mga kasama ko. At tinutulungan nila ako.
Nakakagulat rin ang pagbabago na nangyayari sakin dito sa loob.

Ang ibig kong sabihin ay iba na yung pagkaing pinapakain nila sakin.
At kong paano nila ako inaalagaan. Malamang alam nila ang kundisyon ko.
Alam nila ang totoong lagay ko kaya naman hindi rin nila pinapabayaan ang pagbubuntis ko.

Siyempre malulusog na pagkain ang pinapakain nila sakin.

Si Joih naman kahit abala ay hindi parin ako pinapabayaan at inaalam lagi ang kalagayan ko.

Ang swerte ko talaga na makilala siya.
Noon hanggang ngayon nanatili siyang Savior ko.

Kung alam rin kaya ni Tyron na buntis ako
Babalik kaya siya at ilalabas niya ako dito?.

Hayst. Hanggang ngayon siya parin ang iniisip ko. Ilang buwan narin ng maghiwalay kami at hanggang sa ngayon isa nalang akong masamang ala-ala sa kanya kong kaya hindi na siya bumalik.

Mahal ko parin yung Ex ko. Sa ngayon hindi ko muna iisipin yung lovelife ko at pagtuunan ng pansin ang pagbubuntis ko.

Ngunit nakakalungkot lang at hindi ko maaaring sabihin sa kanya na buntis ako.
Break na kami ni Tyron at alam niyang nasa kulungan ako, kaya naman, natatakot ako na kunin niya sakin si baby. Wala na akong pag-asa makalabas dito ngunit gusto ko sina Mama ang pansamantalang mag-aalaga sa Anak ko.

Delikado ang pamilyang meron si Tyron at ayaw kong mapahamak ang ang Anak ko sa kanila.
Ayaw kong mawala siya sakin. At ayaw kong kunin siya ni Tyron at ilayo sakin.
Mag vi-video call nalang kami habang andito ako sa kulungan.

Yun lang magagawa ko para makita ko parin siya kong lumabas at lumaki na siya.

Excited ako habang unti-unting makikita siyang lumalaki sa tiyan ko.

"Lizzy!!
Napatingin ako sa direksyon ni Joih.
Lumapit ako sa may selda at hinarap siya.

"May tawag ka!
Nakangiti ito sa harap ko kaya naman na-excite agad ako kong sino man ang tumatawag sakin.

Pinalabas ako ng isang pulis atsaka dumiretso sa telepono.

"Bebs!
Ini-layo ko sa tenga ko yung telepono ng marinig ko ang bulalas ni Bien.
Ngayon ko lang ulit narinig ang na ka ka-bwiset niyang boses.

"Ok kalang ba diyan? Pinapakain ka ba nila diyan?"
Napabuntonghininga nalang ako.

"Alangan naman hindi nila ako papakainin."
Inis ko at rinig ko siyang nag palakpak.

"Anyare sayo?"
Taka ko at rinig ko ulit siyang tumawa.

"Ikakasal na kami ni Liam"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ikakasal ka na kay Liam?"
Ulit ko pa. Hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya ilang buwan palang ako sa kulungan marami na palang nangyari sa kanya.

"Paano?"
Tumawa ulit siya sa tanong ko.

"Anong paano? We love each other naman"
Paliwanag nito.

We love each other? Eh diba lagi lang naman sila nagtatalo?

"Totoo? Akala ko ba si Joih ang gusto mo?..."

"Tumigil ka na...ok? Hayst sana naman makalabas ka na diyan para maabutan mo ang kasal namin. Btw, huwag mo na babanggitin sakin yang si Joih. Narealize ko na mas gwapo si Liam sa kanya at isa pa tinapon niya lang yung bigay kong regalo sa kanya. Which is very wrong and very bad.
Paliwanag niya pa.

"Ganun rin namn ang tingin mo kay Liam ah?! Ani ko.

"Nagbago na ang lahat Lizzy.."
Sabi niya.

(Nagbago na nga)

Napayuko nalang ako. Masaya ako at nahanap niya na ang lalaking para sa kanya.

"Bebs dumadalaw ba diyan si Tyron?" Nabigla ako sa tanong niya. Bakit niya pa binabanggit sakin ang pangalan ng taong yun?.

"H-hindi"
Sagot ko kaya na may halong lungkot.
Wala na siyang Balak balikan ako at ok na yun sakin. Kailanman hindi nag k-kaabot ang buwan at araw.

Tama si Tyron bata lang ang naniniwala na pwede silang magsama.

Ok lang ako, lumalaki na ang baby sa tiyan ko kaya naman siya nalang ang dapat pagtuunan ko nang pansin. At isa pa ayaw ko ng i-stress ang utak ko sa taong hindi naman na i-stress isipin ako.

Siguro ganun talaga ang buhay at tanggap ko na iyon. Sinasabi ko simula ng bata pa ako hindi ko na naranasan ang totoong kasiyahan. Pero, dumating ang batang na sa loob na sinapupunan ko. Siya ang biyayang hindi ipinagkait sakin ng Diyos. Subrang saya ko na ibinigay siya sakin at hindi ko hahayaang mawala pa siya.

Gusto ko ng makalaya dito at maging matagumpay para sa Anak ko. Ang Anak ko nalang ang meron ako ngayon.

"P-pasensya na Bebs. Huwag mo na siyang isipin...Ayoko sana sabihin sayo to pero ikakasal na sila. Kaya naman huwag ka ng umasa babalik pa siya para sayo."
Hindi ko na ikinabigla yun.

Ikakasal palang? Akala ko ikinasal na siya dun sa magiging fiance niya?

Ngumiti ako ng pilit sa sinabi niya. Ikakasal na siya sana naman maging masaya siya. Magkakaroon narin siya ng pamilya at Anak. Napahawak ako sa tiyan ko.

Anak ang Papa mo...huwag mo narin sanang aasahan na masisilayan at aalagaan ka niya.
Bulong ko sa isip ko habang hinihimas ang tiyan.

Ilang buwan na akong nakakulong dito at napagod na akong umiyak.

(Ayaw na ni Mama umiyak)

"Huwag kang magalala Lizzy, dadalawin kita diyan kong maikasal na ako kay Liam. Kailangan ko kasi muna yung wedding preparations namin.

"Naiintindihan ko... hihintayin kita dito kahit maputi na ang buhok ko!
Ani ko sa kanya na I-kina-tawa ko. Alam kong matagal niya pa akong madadalaw dito.

"Oy! Dadalawin rin naman kita ah!
Protesta nito na lalo ko pang I-kina-tawa.

"Mag-iingat ka diyan Bebs...miss na kita. Sorry at wala ako sa tabi nung mga kailangan mo ako. Alam kong hirap na hirap ka na pero still lumalaban ka parin. Alam kong marami ka na siyang gustong gawin at gusto mo ng lumaya. Namiss ko yung highschool days natin pero ako lang yung naka graduate.

Patawarin mo ako sa mga kasinungalingan nagawa ko noon at pakiramdam ko wala akong silbing kaibigan.

Nahihiya ako sayo. Naghihirap at natitiis ka dyan. habang wala akong ginagawa para matulungan man lang kita.
Pag nakalaya kana ililibre kong saan mo gusto.. magiging alipin ako at susundin ko lahat ng ipag-uutos mo. Magiging caretaker ako ng Anak mo kahit may Anak na ako."

Walang hinto-ang sabi nito kaya naman tumawa nalang ako.

"Malaki na tayo pareho. Pero para ka parin bata mag i-sip!
Saad ko at rinig kong humihikbi siya.

"Huwag ka ng umiyak. Ok na ako dito mababait ang mga kasama ko ngayon at isa pa parang pamilya narin ang turing nila sakin.
Paliwanag ko.

Gusto ko ang mga bago kong kasama kaya minsan naiisip ko rin na gusto ko lang sila kasama at parang ayoko ng lumabas.

Pero namimiss ko ang lahat sa labas. Si Mama si Lanna si Arvin na dumadalaw rin kong minsan at yung pagiging top student ko at pagiging student president council.
Nakakamiss pumatong ulit sa stage.

Nakakamiss ang lahat ng nasa classroom at yung mga araw na buo ang araw ko ng dahil sa lalaking pula ang buhok.

Hmmm, wala talaga siyang ginawa kundi pa-sakitin lagi ang ulo ko.

CHASED BY A GANGSTER TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon