CHAPTER 7

476 12 0
                                    

Tahimik kami habang nagdadrive si Mr. Allejo pabalik sa hotel. Gusto ko siyang kausapin ngunit wala namang lumalabas sa bibig ko kaya pinili ko nalamng ang matahimik.

Pagkatapos kunin ang mga gamit namin doon ay pumunta na kami sa airport. Iniwan niya ang Bugatti at tinawagan ang taong may ari.

"S-sir," tawag ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakaupo habang hinihintay namin ang flight. Diretso lang ang tingin niya.

Sobra siyang tahimik. Kahit nang maupo kami sa airplane ay tahimik pa rin siya.

Nasa bandang window ako habang katabi ko siya. Tahimik kong pinagmasdan ang mga ulap.

Pagod siyang sumandal sa upuan at ipinikit ang mga mata. Kahit pa nakapikit ay nakakunot pa rin ang kaniyang noo.

"I'm sorry," I said after a long silence.

Hindi siya sumagot. Nanatiling nakapikit ang kaniyang mata ngunit alam kong nakikinig siya.

"Something happened that day."

"How important is it that you broke your promise?" tanong niya, nakapikit pa rin ang mga mata.

I smiled, remembering what happened that day. It waa so chaotic. Pakiramdama ko nga ay mahahatulan akong guilty at makukulong pero laking pasasalamat ko na hindi ganoon ang nangyari.

Naaalala ko pa kung paano umiyak si mama nang nilisan namin ang dating bahay. We started again from the scratch. Unti-unti nga kaming nakakahon ngunit naging ganoon naman ang kondisyon ni mama.

I sighed. Hindi na ako sumagot.

Hindi ko alam kung paano ba ako magpapaliwanag o kung may karapatan ba akong magpaliwanag. Hindi ko alam kung pakikinggan niya ba ako.

I just have to accept na hanggang dito na lang ang lahat.

Hindi ko na siya kinausap kahit nang makarating kami sa Pilipinas. Nagpaalam ako sa kaniyang uuwi na ako. Hindi pa man siya nakakasagot ay iniwan ko na siya sa airport.

Nang makarating sa bahay ay nadatnan ko ang pamilya kong kumakain. Nagkuwekuwentuhan sila pero biglang napatigil nang pumasok ako.

Magsasalita na sana si papa ngunit dire diretso ang lakad ko papunta sa aking kwarto. Ayoko sanang maging bastos ngunit masyadong masama ang pakiramdam ko.

Agad kong isinara ang pintuan at tumalon sa kama. I buried my face on the pillow. Hindi ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko.

There are so many fucking what if's in my mind. What if I didn't go go that party? What if I came back for him?

We could have been so good together if I came back that day.

If only I came back that day, what would have happened to the two of us?

GUMISING ako na namumugto ang mga mata. Tahimik lang akong nakisalo sa pagkain. Tahimik rin lang ang pamilya ko.

Marahil alam nilang ayaw kong pag-usapan kung anong problema ko kaya pinili nalang nilang manahimik.

Nagsuot lang ako ng slacks at puting polo na may ribbon pa. Pagkatapos ay nagpaalam na ako.

"Good morning, Satchel!" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Mr. Salazar sa harapan ko.

Wow, first name basis na ah.

"Good morning," tipid akong ngumiti at nagpatuloy sa paglalakad.

He followed me and groaned. "Bakit ba bad mood kayong dalawa ni boss? Pinag-initan pa ako ng ulo kanina," reklamo niya kahit wala naman akong kaalam-alam.

Allejo Series 3 | Remember Me, LachlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon