CHAPTER 10

482 13 0
                                    

"Anong nangyari sa nakabangga sa kaniya?" papa asked the police who was standing beside us.

Napatigil ako sa paghaplos ng mukha ni mama. Nabagok ang ulo niya. The doctors said na hindi nila alam kung kailan magigising si mama. Ngunit sinabi rin naman nilang hindi malala ang kalagayan niya. Malayo na siya sa kapahamakan.

I wiped the tears that flowed. Ayokong maging mahina. Gagaling siya. Gigising siya. Malakas si mama eh.

"It was a hit and run accident," the police explained. Hindi pa raw nila nahuhuli ang gumawa pero hanggang ngayon ay hindi pa naman sila sumusuko.

Mas lumala ang iyak ni ate sa narinig. "K-kasalanan ko lahat, eh," her voice broked.

I caressed her shoulders."Walang may kasalanan nito,ate. Walang may gusto ng lahat." Walang dapat sisihin.

I was busy caressing my mother's cheek when someone popped into my mind.

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa napagtanto.

Si Lachlan. Hindi ko siya sinipot.

Inilabas ko ang aking cellphone at umawang ang aking labi nang makita ang mga text niya. Hindi ko man lang nabigyang pansin ang mga messages niya.

6:05 am.
Boss:
Wake up.

9:15 am.
Boss:
Where are you?

10:36 am
Boss:
I'm waiting.

3:00 pm.
Boss:
Still waiting.

6:54 pm
Boss:
I'm still here. Are you coming?

Nanubig ang aking mata habang binabasa ang mga message niya. Dali dali akong nagpaalam kina ate at umalis .

Paulit ulit akong lumunok habang nakasakay sa taxi papunta sa simbahang tinutukoy niya.

Ipinagdadasal ko na sana ay hindi talaga siya naghintay. Ayoko. Ayokong maulit na naman ang nakaraan. Sana hindi na niya ako hinintay.

I cursed when a heavy rain poured. Nang huminto ang sasakyan ay hindi na ako nag-abalang mag payong.

Tinakbo ko ang daan patungo sa simbahan. May mahabang steps pa bago makarating sa simbahan. I was already soaking wet when I stopped.

Hinahabol ko ang aking paghinga. Papasok na sana ako sa loob ngunit bigla akong napatigil.

In my peripheral vision, I saw someone.

Dahan-dahan akong lumingon doon.

My eyes watered as I watched Lachlan Reid Allejo, soaking wet while patiently waiting for me.

Nakatingin na siya sa direksiyon ko. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.

Dalawang metro lang ang layo niya mula sa akin.

"L-lachlan," nanginig pa ang boses ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig o sa ibang bagay.

He chuckled. But it was a painful one.

He shook his head and laughed at himself like he was a fool.

"History repeats itself," he mumbled.

"I-I'm sorry.." nanginig ang boses ko. "Something came up," I bit my lower lip.

Ilang oras ba siyang naghintay sa akin? Bakit hindi nalang siya pumasok sa loob ng simbahan at pinili pang magpabasa?

I expected him to shout at me,but it was the opposite.

"Let's go inside," malamig niyang saad.

Hindi na ako makahinga so sobrang sakit at takot. Hindi ko alam kung paano ko ba sisimulang ipaliwanag sa kaniya.

Bakit hindi niya nalang ako sigawan?

Lumapit ako sa kaniya at umambang hahawakan ang kamay niya ngunit umatras siya.

Basang basa na rin siya. Tumutulo ang tubig sa kaniyang mukha. Hindi ko malaman kung dahil ba iyon sa ulan o sa kaniyang luha.

Hindi siya nagsalita. Tahimik siyang pumasok sa simbahan na siyang sinundan ko. Umupo siya sa pinakadulo.

Nag-aalangan pa ako kung tatabi ba ako pero sa huli ay tumabi rin ako. May isang metrong layo nga lang.

"I'm sorry," panimula ko.

Nanatiling blanko ang mukha niya. Diretso ang tingin niya sa altar.

"Bakit hindi ka sumipot?" mahinahon niyang tanong ngunit malamig na malamig ang boses niya.

"Naaksidente si mama," maikling paliwanag ko.

Sandali siyang naitigilan bago muling magsalita.

"Bakit hindi ka sumipot noon?" he asked, pertaining to what happened 2 years ago.

Ito na. I'll finally be able to tell him my side.

"Alam mong umalis na kami sa dating bahay , right? Yung bahay mo na ngayon," paninimula ko.

"That day, I was about to go back. But someone framed me.." I said. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri.

Tapos na e. Tapos na 'yun. Matagal na yun. Pero yung sakit, nandito pa rin.

"Gumising na lang akong walang kamalay-malay. Ang tanging nadatnan ko lang ay ang malamig na bangkay ng kaibigan ko," nanginig ang boses ko.

Dinig ko ang bigat ng paghinga niya.

"I was the main suspect, but luckily, not guilty ang hatol sa akin dahil walang sapat na ebidensya. But even though, me and my family suffered the consequences," hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking luha.

I cleared my throat. "I'm sorry," ulit ko. Hinding hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa kaniya.

"Two years ago and now, I'm very sorry," my voice cracked.

Nabigla nalang ako nang may humawak sa baba ko. Iniangat niya ang aking mukha upang magpantay ang titig namin.

Nakaluhod ang isa niyang paa sa harapan ko.

He looked at me with so much gentleness.

"It wasn't your fault," he whispered. "Pero tatandaan mo na kahit anong mangyari, patuloy akong maghihintay kahit walang kasiguraduhan na babalik ka."

I held on to my chest. Ang lakas ng tibok ng puso ko at natatakot akong baka marinig niya iyon.

Tumayo siya, bahagyang yumuko at pinunasan ang luhang nanatili sa aking pisngi.

And before I knew it, his lips immediately landed n mine.

Nawala ako sa sarili at nanghina sa halik niya, kaya napakapit ako sa kaniyang braso.

Tumigil siya sa paghalik. Nagkatinginan kami. My heart pounded loud and fast.

Then, he aggressively kissed me again. Ngayon , sa mas malalim na paraan.

Huminto siya at ipinagdikit niya ang aming noo.

Problemado siyang bumuntong hininga.

"Kahit anong gawin ko, hindi ko kayang magalit sa'yo," he mumbled.

"Anong ginawa mo sa akin, Satchel? Even though I couldn't see yourself, I am fucking in love with you," he confessed.

"S-sir.." I couldn't catch my breath. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Dalawang taon na ang nakakalipas pero mahal na mahal pa rin kita," bulong niya.

Allejo Series 3 | Remember Me, LachlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon