CHAPTER 11

482 12 0
                                    

Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib. My heart was beating crazily! Baka nga naririnig niya iyon sa sobrang lapit niya.

Hinila niya ako patayo kaya wala na akong nagawa dahil sa sobrang panghihina ko. Hinila niya ako papunta sa harap ng altar.

"Anong gagawin natin dito?" wala sa sariling tanong ko.

We were holding each other's hand as we stand in front of the altar. Itinaas niya ang kamay naming magkahawak.

Hinaplos niya ang daliri ko.

"Sa susunod na ihaharap kita sa altar, lalagyan ko 'to ng singsing," sambit niya.

I gulped. Seryoso ba siya? Kakahalik lang namin tapos kasal agad ang nasa isipan niya? Hindi ba siya natatakot na magpadalos dalos.

Mahina siyang tumawa sa reaksiyon ko.

"It can take time," he mumbled.

KINABUKASAN, maaga akong gumising. Pupuntahan ko pa si mama sa ospital. Baka gising na siya o hindi pa. Hindi pa kasi nagtetext si papa.

Nagluto muna ako ng breakfast para sa aming lahat. Hindi pa umuuwi ang mga 'yon kaya tiyak hindi pa sila nakakakain.

Nagulat pa nga ako nang lumabas ako ay natagpuan ko ang taong hindi ko inaasahang makita.

Lachlan Reid Allejo was leaning on his expensive BMW car. Nakasuot siya ng khaki shirts at puting short. Pinaresan pa niya ito ng sunglasses na mas nakadagdag sa kagwapuhan niya.

"Anong ginagawa mo dito...sir?" Nag-aalangan kong tanong.

Kumunot ang kaniyang noo na para bang may napakalaki akong kasalanan.

"Sir?" he asked. Tila nainsulto sa sinabi ko.

"Yes, sir?" Ha?

"We're not at work, why are you still calling me sir?" masungit niyang tanong.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi, dahilan para mapapikit siya ng mariin.

"Nasanay na kasi ako, sir," I replied.

Hindi niya ako pinansin at naunang pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Pinag-iisipan ko pa kung papasok rin ako. Sa huli ay sumunod ako.

Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan. Hindi na ako nag-abalang magsalita dahil patungong ospital ang daang tinatahak namin.

Sumulyap ako sa kaniya. Masama ang timpla ng kaniyang mukha. Parang kanina lang ay maayos naman siya ah?

"Galit ka,sir?" tanong ko.

Ngunit agad ring nagsisi dahil mas nagalit pa siya. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Wala sa sariling napakapit ako sa seatbelt, pinagdadasal na hindi pa ako mamatay.

Parang nabunutan ako ng tinik nang makarating na kami sa ospital. Lumabas siya kaya tahimik akong sumunod, hawak hawak ang tupperwares.

Sasama ba siya?

"Sir pa nga," aniya at naunang naglakad.

Ngumuso ako at tahimik na sumunod sa kaniya. Ano bang ikinagagalit niya? Anong mali sa sir?

Pumasok kaming dalawa sa loob nang walang nagsasalita. Bahagyang nagulat pa sina papa at ate nang makita kung sino ang kasama ko.

"Ah, boss ko," I introduced him to them.

"Boss.."pag-uulit niya na para bang hindi niya iyon matanggap.

Ngumiti at tumango lamang si papa. Kinuha ni ate ang tupperware mula sa kamay ko. Wala na silang sinayang na oras at nagsimulang kumain. Marahil ay gutom na gutom na sila.

"Kamusta si mama?" Umupo ako malapit kay mama, tumabi naman ang kasama ko.

"Hindi ko na alam, anak," bumuntong hininga si papa.

I fought the urge to cry.

Kailan ka ba gigising, mama?

"I'll recommend her to an expert doctor," biglaang sabi ni Mr. Allejo.

"Masyadong mahal.." wala sa sariling sambit ko.

Papa and ate nodded. Wala kaming malaking pera para kumuha ng ekspertong doktor na mag-aalaga sa kaniya.

"Ako na ang bahala."

Wala pa ni isang segundo ay lumingon na ako kay Mr. Allejo.

"What?Wag na, hindi mo naman kami respon-"

"Ako na," putol niya. Desisyon ka beh?

Lumunok ako. Kailangan kong isantabi ang pride ko para sa kalagayan ni mama.

Kumunot ang noo ko nang makita ang ngisi niya. Sabi ko na nga ba eh, may kondisyon na naman.

"Just call me by my name," dugtong niya.

"Huh?" Anong klaseng kondisyon iyon? 'Yon talaga?

I was about to say something when he cut me off.

"Later," he whispered.

I shivered when I saw his evil smile. Para bang may gagawin siyang hindi maganda.

Paulit-ulit na nagpasalamat sina papa at ate sa kaniya bago kami umalis. Buti nalang ay wala akong trabaho ngayon.

Nang sumakay ako sa sasakyan niya ay saka lang ako may mapagtanto. Tumigil ang kamay ko sa paglalagay ng seatbelt. Bakit ako sumama sa kaniya?

Tumigil rin siya at bumaling sa akin.

"S-saan tayo pupunta?" I asked.

Hindi pa pala namin napag-uusapan ang tungkol sa amin. He drove me home after that scene last night. Masyado na kasi kaming nilalamig.

"Pangasinan," tipid niyang sagot at pinaandar ang sasakyan.

"Ha? Anong gagawin natin doon? Baka gabihin tayo!" agad na protesta ko.

"Hindi," he shortly answered. Nakatingin lang siya sa labas habang nagmamaneho.

Tumingin ako sa labas mula sa bintana. What if tumalon ako dito? Mamamatay kaya ako?

"Don't do it," nagulat ako sa sinabi niya.

Nababasa ba niya ang utak ko?

Inirapan ko na lamang siya at sumandal sa upuan. Hindi ko namalayang dinalaw na ako ng antok.

"Satchel."

"Wake up,Satchel."

Unti-unti kong ipinikit ang aking mata. Ang gwapong mukha ng boss ko ang unang bumungad sa akin.

Wala sa sariling napapunas ako sa bibig. Baka tulo laway na pala ako. Nakakahiya. Baka maturn off siya sa akin.

Luminga linga ako sa paligid. I yawned. He just watched me as my eyes adjusted to the surroundings.

Nasa Pangasinan na pala kami. But what amazed me was the view.

Cape Bolinao Lighthouse.

Hindi pa man nakakapagpaalam ay magiliw akong lumabas. Tinanaw ko ang napakataas na lighthouse.

May tao kaya? Sinilip ko ang pintuan at nakabukas naman.

Agad akong tumakbo pataas patungo sa tuktok.

"Careful!" my boss shouted. I even heard his chuckle.

I spread my arms to feel the wind when I reached the summit. Ah. Ang sarap sa pakiramdam.

Halos tumalon na ako nang maramdamn ang mainit na brasong yumakap sa akin mula sa aking likod.

He rested his chin on my shoulder as we both stared at the sky.

"Call me by my name now," he whispered. Nakakakiliti ang kaniyang hininga.

And it feels like I was hypnotized because I immediately obeyed.

"Lachlan..." I unconsciously said.

He chuckled. "Good girl."

Allejo Series 3 | Remember Me, LachlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon