CHAPTER 20

544 12 0
                                    

I slowly opened my eyes when I felt someone massaging my feet. I took time, adjusting to my surroundings.

That's when I realized I'm still in Lachlan's car.

Agad akong napaayos ng upo at napalingon sa katabi ko.My eyes widened when I realized he was massaging my feet.

Alanganin siya tumingin sa akin.

He smiled and continued massaging my feet.

"Feeling good?" he asked softly.

"Okay na," I said urging him to stop.

Binitawan niya rin ang paa ko. Inayos niya ang jacket sa balikat ko.

Ngayon ko lang napansing nasa harap ng bahay na pala kami.

"A-alis na'ko, salamat sa paghatid," binuksan ko ang pintuan at akmang lalabas nang magsalita siya.

"Come back to our company," he said. "Don't run away again," he said before I closed the door.

"Oh,saan ka galing?"

Agad akong napahawak sa dibdib nang bumungad si papa sa sala. Akala ko naman kung sino!

Tumawa siya sa reaksiyon ko.

"Nakita kong hintaid ka ng batang Allejo. Nagkabalikan na ba kayo?" he asked.

Ay, chismoso.

"Pa, hinatid niya lang ako," I defended.

He eyed me suspicious, hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Totoo nga! At tsaka, hindi siya bata. Gurang na yan," I said as I went to my room.

                               * * *

"Ano, maayos ba?" I asked Vyu as I stood in front of her.

Nasapo niya ang noo. "Pang-ilang beses mo nang natanong yan. Maayos nga! Now, go inside the car, "he commanded.

Napangiwi ako at pumasok sa loob.

Stress ang mama niyo.

Ngayong araw ay pupunta ulit ako sa kompanyang iyon. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko pero bahala na nga, wala namang mawawala sa akin.

Besides, maganda ang benefits doon.

I was wearing a yellow checkered dress from Channel. I partnered it with a yellow heels. Inilugay ko rin ang buhok ko at ginawang hairband ang sunglass.

And lastly, I put the bracelet that Lachlan gave me.

I smiled at the employees and greeted them.Nang sabihin ko kung sino ang pinunta ko ay sinabi ng isang staff na puntahan ko nalang ang office niya sa 6th floor. Ganoon nga ang ginawa ko.

I took a deep breath before I knock. Pero naiwan sa ere ang kamay ko nang makarinig nang sigawan.

I turned my back, ready to go but I heard my name, which made me more curious. Thus, I stayed and listened to theur conversation, even though I know that it was so wrong.

"Nakikipagkita ka na naman ba sa babaeng iyon?! What did I told you? Sinabi ko namang huwag ka nang babalik sa kaniya ,hindi ba?" I heard a voice of a woman.

"Ma." So it was his mother. "Alam ko kung anong ginagawa ko," I heard Lachlan's voice.

"Alam mo?!" his mom ther shouted. "Kung alam mo sa una palang, sana hindi mo 'yan ginawa sa sarili mo. Don't meet with her again. Alam mo naman ang nangyari noon , diba? Hindi ka pa ba natututo?! her voice cracked.

"Y-you ..you fucking ruined yourself because of her. M-muntik mo nang tapusin ang buhay mo dahil sa kaniya. Naaalala mo pa ba kung paano ka umiyak gabi-gabi. You lost yourself!I almost lost you." Later on, I heard her sobs.

"Ma, maayos na ako. Right? You know that I consulted a psychiatrist, ma. Maayos na ako," Lachlan spoke.

"Pero...p-pero paano kung maulit na naman..."

"M-mahal na mahal ko siya, ma.. I am willing to lost myself again for her..."

Maya't maya pa ay narinig ko ang tunog ng heels. Aalis na sana ako ngunit huli na. Lachlan's mother opened the door and was a bit shocked when she saw me.

Lachlan gulped when he saw me outside. Hindi ako pinansin ng mama niya at nilampasan niya lang ako.

Hesitant at first, I went inside. Wala sa sariling pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa aking pisngi. I didn't even notice that I was crying.

Lachlan smiled like nothing happened. "Let's start the discussion?" Tumalikod siya at hahakbang sana papunta sa sofa nang yakapin ko siya mula sa likod.

Isinubsob ko ang aking mukha sa likod niya at patuloy na umiyak. Mula sa mahihinang iyak ay naging malakas ang iyak ko.

I'm sure, basa na ang damit niya dahil sa akin. I hugged him tighter, not wanting to let him go.

"Satchel..."

"Why did you have to do that to yourself?" my voice cracked. "Bakit mo hinayaang magkaganiyan ka? I'm not even worth it of your pain."

"You are worth it, Satchel," he replied.

Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya. I bet he can't even breathe right now.

"H-how have you been?" For the first time, I asked him that question.

"Good," tipid niyang sagot. "I've manage to control my anger now. Though, I still have prosopognasia. It's good that you have the bracelet. "

Suminghot ako. "I'm sorry. I'm sorry if I've been selfish. Patawrin mo ako dahil napagod ako sayo. I'm sorry if I gave up on you."

He smiled. "Maybe you were right, I am the only one who can fix myself. Hindi lahat ng pagkakataon ay magkasama tayong bubuuin ang sarili. We separated for good. We separated to grow. "

"But still," I cried again.

"Shh," inangat niya ang ulo ko.

"I missed you. Don't you miss me?" he asked.Marahan niyang hinahaplos ang aking pinsgi.

He stared at me with so much longingness.

"Someone told me that in Japan, they don't say I love you, instead they say, 'the moon is beautiful isn't it?'And if the other person feel the same way, he or she will say, 'I will die happy'."

Tumango ako. How beautiful and poetic.

"Satchel.."

"Hmm?"

"The moon is beautiful,  isn't it?" He stared at me for a long time, waiting for my response.

Unti-unti ay nararamdaman ko ang namumuong luha sa aking mata. It was not because of pain, but beacuse of joy.

"I can die happy," I murmured.

And without a warning, he cupped my cheeks and we closed our eyes as our lips meet, after a long time.

Allejo Series 3 | Remember Me, LachlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon