CHAPTER 14

449 12 0
                                    

Ilang ulit akong tumingin sa salamin ng sasakyan ni Lachlan.Hindi kasi ako makampante sa itsura ko.

Magugustuhan ba ako ng mga magulang niya? Ilan ba silang magkakapatid?

Napatawa si Lachlan nang mapansin ang nag-aalalang mukha ko. He was driving us to their house.

Pinanood ko ang paraan ng pagmamaneho niya. Napakagat ako sa labi habang minamasdan ang mga ugat sa kaniyang kamay habang nagmamaneho.

"You're good at driving.." I said.

"Ako pa," he smirked.

Tila nagmamayabang.Tinanggal niya pa ang isang kamay mula sa manibela. Ngayon ay isang kamay nalang ang nagmamaneho. Yabang.

"Driving me crazy," dugtong ko.

"What the.."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang pumreno. Mabuti nalang at naka seatbelt kami! Kung hindi ay baka nauntog na ako!

"Lachlan!" I hissed.

Problemado siyang lumingon sa akin.

"What the fuck was that?!" he scolded me.

I rolled my eyes. He just sighed and continued to drive. Bahagya pang namumula ang tenga kaya palihim akong ngumisi.

Magsasalita na sana ako nang bigla akong matigil sa sunod niyang ginawa.

Lachlan's hand rested on my thigh. Naestatwa ako nang maramdaman iyon. Sinubukan kong ilayo iyon sa kaniya pero mas hinapit niya ako palapit.

Ilang minuto rin ay nakarating na kami sa aming paroroonan.I held on to my chest. Sobra ang kabog ng dibdib ko habang papasok kami sa malawak gate.

It was a European style mansion. Malawak ang bakuran. Sa gitna ay may fountain, habang sa gilid naman ay naroon ang iba't ibang klase ng mamahaling sasakyan.

He parked his Bugatti and we went out.

I cleared my throat. Hindi ko alam na ganito sila karangya.

Para kaming langit at lupa. Ang hirap niya palang abutin.

"What's wrong?" Lachlan asked when he noticed my face.

He snaked his arms around my waist as he stared at me intently.

"Wala," sagot ko.

Sabay kaming pumasok sa loob.Masyadong tahimik. Tanging tunog ng heels ko ang gumagawa ng ingay.

Ni wala akong panahong bigyan ng atensyon ang paligid dahil sa sobrang kaba.

Nagdiretso agad kami sa dinig room. Nanatiling nakapulupot sa bewang ko ang braso ni Lachlan.

I stopped when we entered at the dining room.

I gulped the lump in my throat. Pakiramdam ko ay nanuyo bigla ang lalamunan ko.

They're..Ang dami nila.

In a huge rectangle table, is a family who was laughing loudly.

Sabay silang nag-angat ng tingin sa amin nang mapansin ang aming presensya.

Silence.

Masyadong tahimik na halos marinig ko na ang kuliglig.

I took the chance to scan them one by one.

The parents were both serious. I assumed that the other ten people sitting, plus Lachlan, were their children. Karamihan sa kanila ay seryoso. Sabi ko na nga ba eh.

Ang nakaagaw lang ng pansin ko ay ang lalakeng nakangisi. Oh,I know him! Death?

"Stop smirking, fucker," Lachlan said irritatedly.

Allejo Series 3 | Remember Me, LachlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon