Kabanata 4

792 17 0
                                    

Via Zenith

"P-Pero Teacher Via, love ka naman po namin ehh. 'Wag ka na lang umalis. Sige ka hindi ako mag-stop mag cry." biglang umiyak si Cleo na ikinasimangot ko rin. Pumunta ako sa likod at nilapitan siya, saka lumuhod sa harapan niya para mag pantay kami. 
 
"Cleo, hindi kasi pwede. Marami pang gagawin si Teacher. Babalik naman ako, bibisitahin ko naman kayo kaya 'wag ka ng umiyak, sige ka malulungkot si Teacher kapag hindi ka tumahan." Tinakpan ko yung mukha ko na kunwari'y umiiyak.
 
"Yan Cleo pinapaiyak mo si teacher ang bad mo!" muntik na akong mapangiti dahil sa sinabi ni Lila.
 
Sinilip ko siya, sinamaan muna niya ng tingin si Lila bago dali-dali niyang pinunasan ang mukha. 
 
"Teacher! Tahan ka na, hindi na ako mag-cry!" natatarantang aniya at niyakap niya ako. I hug him too.
 
"Teacher, can we join?" I look at my back. Lahat ng mga bata ay naroon. Pumalibot sila sa amin ni Cleo.
 
"Yes, come here! Let's have a group hug!" 
 
"Group hug!" tugon nila saka kami nagyakapan. 
 
Naiintindihan ko ang mga batang ito kung bakit ganito sila sa akin. I'm too close to them. Kapag break time, kasi pag katapos kong kumain at pag katapos rin nila, nag lalaro kami sa may garden ng school. And after that, before they go home, I kiss their temple. Sabi ko kasi para mas maramdaman ng isang tao na mahalaga sa iyo ang pag aalala at pag aalaga, bukod sa yakap ay hahalikan mo rin sila sa noo. Natutuwa nga ako sa mga batang ito dahil kapag nalulungkot ako niyayakap nila ako tapos hinahalikan sa noo. I feel they care and love me. Nakakatuwa.
 
"Teacher Via babalik ka po sa amin ha?" ani ni Diana. I nodded. "Babalik ako sa inyo." I smiled.
 
"Pinky swear?" dugtong naman ni Lira habang inilalahad ang kanyang cute na hinliliit. "Pinky swear. Kaya 'wag na kayong iiyak ha. I love you, mga baby ko." I hug and kiss their temples one by one.
 
Sana makatagpo pa rin ako ng ganitong klase ng pagpapahalaga kung saang lupalop man ako mapapunta, at kung mang yayari iyon ay lubhang ikakasaya ko.
 
Napuno ng saya ang buong mag hapon ko and after my class I've decided to go somewhere important. I drove until I stopped in front of the place that I was used to go. I look outside of my car before I fix myself and go out. 
 
I slowly walk and roam my eyes around. Namiss ko ba ito?
 
"No, I will never miss this hell. This hell that gives me pain and makes me suffer." I smiled bitterly.
 
Malabong hahanap hanapin ko ang lugar na ito. Itong isang lugar na nagpahirap sa pamumuhay ko sa mundo. This suffocating place became my world when I was young. Ang isang lugar na nakakita ng pag durusa ko.
 
Pumasok na ako sa loob. I saw Manang Delen, who's sweeping the floor. She looked at me when my stiletto created a sound.
 
"Bia? Bia ikaw ba yan?!" shock was all over her face. Nakaawang ang mga labi at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Tatakbo sana siya palapit sa akin ng pigilan ko siya. "Manang 'wag po kayong tumakbo, baka madulas po kayo."
 
Naglakad siya ng marahan palapit sa akin. "Jusmiyo! Ikaw nga!" bakas ang galak sa kaniyang tinig dahil sa aking pagdating.
 
I smiled sweetly. "Yes, Manang, ako nga ito."
 
She immediately came closer to me at dinamba ako ng yakap. I hugged her tight too because of that. I miss her so much. I miss my Manang who has become my second mother.
 
"Anak, bakit ngayon ka lang nakabalik dito ha? Bakit ngayon ka lang umuwi?" lumayo siya sa akin at sinapo ang aking mukha tila pinag aaralan ito. "Lalo kang gumanda."
 
I smirk, "Syempre Nang, ikaw ba namang makaiwas sa stress at lungkot. Dagdag pa yung beauty products ko na hinahanap hanap mo." tugon ko, hindi sinasagot ang tanong niya sa akin.
 
"Naku nga namang bata ka! Talagang ayos na iyang negosyo mo ah! Alam mo anak? Ako rin gumagamit din ako ng pang pagandang itinitinda mo. Tingnan ko ang mukha makinis, nawala yung tuldok tuldok na itim dahil doon. Atsaka grabe anak, maganda iyong produktong iyon. Nakikihati pa nga sa akin si Ange dahil maganda raw gamitin, natural lang siya at hindi nakakapamula ng mukha." lumawak lalo ang ngiti ko. 
 
Now, I'm feeling it again. Ang saya, ang sayang may taong proud sa kung ano ang nagawa mo. Nakakatuwang may mga taong nakaka appreciate sa bawat bagay na likha mo, na may natutulungan ka. Sobrang nakaka overwhelm ang ganoong pakiramdam.
 
"Mabuti naman po at ganoon ang reaksyon sa balat ni Angeles Manang. Nilikha talaga iyon para mas lalo kayong gumanda. Malay mo makakakita ka pa ng boy friend, 'di ba kapag ginamit mo pa iyon? Tapos foriegner pa! Naku tiba-tiba ka nun, Nang."
 
"Ayy juskoo! Wala na iyon sa isip ko, Bia! Itutuon ko na lang ang atensyon ko sa bahay na ito, sa iyo at kay Angeles kesa kumerengkeng!" parehas kaming natawa dahil sa ginamit niyang term. 
 
"I miss you, talaga po. Payakap nga ulit." I hug her again. "Ikaw talaga, magiging ayu—"
 
"Manang Delen! Sinong dumating?" naputol ang pagsasalita ni Manang ng tumawag ang boses, ang boses na matagal ko ng hindi naririnig.
 
Nakita ko siyang pababa na sa hagdan. She's wearing her usual aura. Ang aurang mapagmataas at mayaman. Nakapilantik pa ang daliri nito na wari'y kakatapos lamang mag palinis ng kuko sa kamay.
 
Tumingin siya sa amin. Nagulat siya ng mapadako ang tingin sa akin. Humiwalay si Manang sa akin at tumingin kay Mama.
 
I want to hug her. I want to hug my mother endlessly. I want to say sorry. I want to tell her who I am now. I want to tell you everything about me. I want to talk to her without hesitation if ever we're okay.
 
"Lore, si Bia. Kakarating lang niya." Pahayag ni Manang kay Mama. Saglit na kumunot ang noo nito saka bumaba ng hagdan. "Maiwan ko muna kayo, mag papaluto lang ako."
 
I nod, "Sige po Manang." Tinanguan niya lang din ako saka si Mama. Bago siya naglakad palayo. 
 
"So what are you doing here?" tumingin ako kay Mama. Itinatago ang sakit na nararamdaman. 
 
Anong ginagawa ko dito? 'Yan ang agad ang tanong niya sa akin. Hindi niya man lang ba ako kakamustahin? Hindi man lang niya ba ako papaupuin? Tatanong kung anong ganap sa buhay ko? Kung anong nagyari sa akin sa nakalipas na limang taon?
 
Pero ano pa bang aasahan ko sa kaniya? Wala naman siyang pakealam sa nararamdaman ng iba, miski sa nararamdaman ng sariling anak niya.
 
Huminga ako ng malalim, "I just want to say good-bye, Ma." 
 
Itinaas niya ang isa niyang kilay. "Last time I checked, I don't have a daughter. Simula ng may isang babaeng nakatira dito ang umalis at hindi nag paalam ay nawalan na ako ng anak," she said, which really stabbed my heart. 
 
Hindi na niya ako anak ngayon? Porket umalis ako dito? That's so unfair, because until now I treated her as my mother.
 
"Ma, I'm not here to argue with you. Gusto ko lang mag paalam." mahinahong ani ko. Iniiwasang mapaiyak sa harap niya.
 
"Bakit ka ba nag papaalam sa akin? Mahilig ka namang umalis ng walang pasabi 'di ba? Bakit hindi ka na lang umalis at pumunta saang lupalop ka man paroroon ng hindi ginugulo ang buhay ko? Ang buhay namin ni Francisco?" tukoy niya kay Papa.
 
"Because you're my mother." Nabasag ang boses ko at nag babadya na ang aking luha na tumulo, pero pinigilan ko pa rin.
 
She walks gracefully. Inikutan niya ako. "Wala akong anak na low class, wala akong anak na mahina, wala akong anak na pariwara, at mas lalo akong walang anak na katulad mo." doon bumuhos ang luha ko. 
 
"Ma-"
 
"Huwag mo akong tawaging Mama, hindi kita anak. And can you please go out? Stop crying in front of me, you look so disgusting." nandidiri pang aniya.
 
I straightened my back and stepped backward. "Bakit ganiyan ka Ma-Lore? Bakit parang wala kang pakialam sa akin? Kayo ni Papa?" 
 
"Because you are a disgrace to the family! Isa kang salot!" gigil pang bunton niya. Galit na galit siya at parang gusto ng sumabog ng todo todo.
 
"How could I even be a disgrace, Ma?! Sarili mo akong anak! Sarili mong laman at dugo!" I burst out. Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin.
 
"How dare you say that you are my own blood and flesh? Walang ni katiting na bahid na dugo ko sa marumi mong pinagmulan!" I cried hard at what she said.
 
Ang sakit. Sobra. Parang sinasabi niyang hindi niya ako anak. Na isa lang akong sampid dito.
 
"Ma, you're my mother, bakit ganyan ka?"
 
"I'm already done pretending that we are okay, pretending as your mother even though I'm not! You're not my daughter for fuck sake! Why until now you can't get it?!" She shouted coldly.
 
Napakunot ang noo ko at hindi inalintanang punasan ang luha sa aking mga mata. "No! That's not true!"
 
"Hindi talaga kita anak, hindi ako ang nag luwal sa'yo." walang pasintabi niyang ani. Nanlumo ako sa bawat salitang pilit niyang isinisiksik sa utak ko.
 
"Ma, I know that you're mad at me, but please stop that. Ikaw lang ang mama ko, ikaw lang ang-"
 
"Stop that bullshit! Kahit kaylan hindi ako naging isang hardenera! Kahit kaylan hindi ako naging kabit! I'm not your mother, anak ka ng ama mo sa ibang babae. Anak ka ng isang disgrasyada at walang delekadesang babae. Anak ka ng isang malandi.". Natigilan lang ako sa aking kinatatayuan. She turned her back on me and never looked back. Nakita ko pa si Papa sa taas na malungkot na nakatingin sa akin ngunit ng mag tama ang aming mga mata tumalikod din siya at sinundan si Mama.

My heart is crying with so much pain. Fuck.

ErmisSan

Sinuous AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon