Kabanata 25

486 7 0
                                    

Via Zenith

"ARAY NAMAN!" Pag daing ko sa biglang hinampas ni El ang braso ko. 

"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?!" Naiiritang hiyaw niya sa harap ko. Kinunutan ko siya ng noo. 

"Paano ko sasabihin sa'yo? Umalis ako 'di ba? Mabilis makalimot bhe?" Hinihimas ang braso na sagot ko. Inirapan niya naman ako bilang tugon. 

She diverted her gaze to the wide, deep ocean. 

"Aishhh! Nakakainis ka naman kasing talaga! Pati yung bagay na yun sinekreto mo pa! Kaibigan mo 'ko bhe, hindi poste lang sa gilid na pwedeng sandalan, I have ears and mouth too! Kahit mukhang hindi ako, marunong naman akong makinig at mag advice!" Himutok niya pa, she glared at me.

I sighed. We are currently here on the seashore, sitting in the sun lounger. Tumila na ang malakas na ulan kahapon at ang kapalit naman ngayon ay maliwanag na sikat ng araw. Nagpunta sila dito nina Warren to pay a visit. Mamaya ay aalis na rin sila papuntang Manila para ayusin ang kung ano mang importanteng bagay doon. At ngayon, habang hindi pa sila umaalis nagkaroon kami ng tyansang makapag usap ni El. Sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa mga magulang ko.

"Sorry na nga eh, 'di ba?"

"Akala ko pa naman ako lang ang may sikreto, ikaw din pala!" Malakas ang boses na untag niya. 

"Can you please lower your voice?" Pananaway ko sa kaniya, para siyang bata kung umasta. Although ganito na naman siya since then, hindi pa rin ako masanay sanay.

Humarap siya sa aking muli. "Eh, ano na ngayong plano mo?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

I lay on my sun lounger and stared at her.

"Edi hanapin ang totoong Nanay ko. That's why I want to ask you a favor." Turan ko.

"What favor?"

"I want you to go to my dad's house and ask for Manang Delen. I want to talk to her about my mother's whereabouts. Alam mo namang, I still don't want to go there because of everything that happened. Mainit ang dugo sa akin palagi ni Mama." 

Pinag-isipan ko na ito. Matagal na si Manang Delen sa amin at baka meron siyang alam tungkol sa totoo kong Nanay. I don't know what Angeles's name is on Facebook. I tried her name and anything that's related to her, but I always ended up finding nothing.

"I know it's a little bit of  a hassle, El. But I hope you'll still grant my favor. Gusto ko lang namang makausap si Manang Delen."

"Para namang may karapatan akong tumanggi. Malakas ka kaya sa akin." She smiled, which made me smile too, but biglang naging kyuryoso ang tingin niya sa akin. "But wait. You have a husband, right? Why don't you ask for help from him? Sigurado naman akong malaki ang social capital ni Zach, kaya baka matulungan ka niya."

"He's not my husband, at ayoko ding bigyan siya ng isipin. Hindi ako kargado ni Zach." Pahayag ko. 

Inayos ko ang buhok ko na pinayid ng hangin. 

"Hindi daw! Kaya pala blooming na blooming ka! Nakailan ba kayo kagabi? Ouch!" Nahampas ko siya sa hita sa kaniyang tanong. 

"Mga tanong mo El, hindi ko nagugustuhan."

"Hala! Meron ngang nangyari! Tunog in denial ka eh! At namumula ka pa!" Tinuro niya ang mukha ko. I touch my cheeks, which are slowly heating up. 

Tuwing naalala ko ang nangyari kahapon ay hindi ko maiwasang pamulahan. Nakakahiya. 

"Nag iilusyon ka lang! Lagi naman akong blooming. Lagi akong maganda. Baka epekto yan ng matagal mong hindi pag kakita sa akin." Palusot ko pa pero mukha pa rin siyang hindi naniniwala.

Sinuous AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon