Kabanata 13

950 29 8
                                    

Via Zenith

I stared at the ceiling while my mind was full of thoughts.
 
I just woke up and saw myself lying in bed. Feeling tired of everything.
 
Napabuntong hininga ako at humarap sa aking kaliwa. Nakagat ko ang aking labi ng makita si Zachary na payapang natutulog at nakaharap sa direksyon ko. Minsan kumukunot ang kaniyang noo at bumabalik rin sa dati. Para bang nananaginip.
 
Napangiti ako. Ganito rin ba ang reaksyon ni Cassidy tuwing umaga kapag gumigising siyang katabi si Zachary? Nakangiti rin ba siya dahil nakikita niyang parang napakalambing ng asawa niya kapag natutulog? 
 
Tiningnan ko ang kamay niyang nakapulupot sa aking bewang. Hindi ko alam kung bakit ko siya pinapayagang yakap-yakapin ako. Wala naman kaming relasyon, hindi ko naman siya kaano-ano. Para bang may kung ano lang sa akin, nakapag may sinabi siya ay agad ko dapat susundin. Kahit na alam kong mali dahil may asawa na siya, at para kaming nagtataksil. 
 
Napasimangot ako. Hindi ko naman pinangarap maging kabit at panira ng relasyon, bakit ganito ang nangyayari?
 
Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata ng kumilos siya at yakapin pa ako ng mas mahigpit. Kumabog ng maigi ang aking puso. Wala na sa tama ang lagay nito, parang kaunti na lang ay kaya niya ng mawarak ang aking dibdib dahil sa lakas ng kaniyang puwersa. Kahit hindi na rin normal ang aking paghinga ay pinilit ko ang sariling kumalma.
 
"What are you doing?" nanigas ako sa aking puwesto ng marinig ang namamaos niyang boses. Marahan kong minulat ang aking kaliwang mata upang silipin siya. Para akong nakahinga ng maluwag ng makitang nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata.
 
"U-Uhh... W-Wala." Kinakabahang sagot ko. Sinagot niya lang ako ng ungot hanggang sa muling lumalim ang kaniyang paghinga.
 
Tinitigan ko na lamang ang kaniyang dibdib na gumagalaw. 
 
Alas dos palang ng madaling araw at heto ako ngayon gising na gising. Nagising kasi ako dahil sa yakap ni Zachary at dahil sa kagustuhang bumaba para kumuha ng siopao sa refrigerator. Binili iyon kahapon ni Tita Felisha para sa akin, kaso nga hindi ko na nakain dahil sa Zachary na ito. And yeah, I love cold siopao. Iyan ang pinaglilihian ko.
 
Napalunok ako ng laway ng maisip ang malamig na siopao. 
 
Shocks! My baby wants it!
 
Kanina ko pang sinusubukang umalis, pero lagi lang akong hinihigit ni Zachary palapit sa kaniya, o 'di kaya'y kinukulong niya ako sa mahaba niyang mga binti kaya hindi ako makatakas. Pero ngayon, susubukan ko ulit.
 
Kumilos ako patihaya at dinama kung magre-react ba siya sa kilos ko. Hindi siya kumilos. 
 
Marahan kong hinawakan ang kaniyang braso at saka inangat ito. Dahan dahan ko ring kinuha ang unan kong ginagamit para iyon ang ipayakap sa kaniya. Maingat akong umalis pagkakahiga at pigil hiningang inililipat ang kaniyang kamay sa unan.
 
Ng magtagumpay ako ay pinakititigan ko siya. Nakahinga ako maayos ng makitang mahimbing pa rin ang kaniyang pag tulog.
 
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago lumabas ng pinto. Hindi ko na ito sinarhan para hindi makalikha ng ingay.
 
Abot tainga ang aking ngiti ng makarating na ako sa pasilyo. Inayos ko ang aking maternity dress at bahagyang sinuklay ang aking buhok gamit ang daliri. Maingat din akong bumaba sa hagdan hanggang sa matagumpay na nakarating sa kusina. 
 
Inunat ko ang aking braso at puno ng galak na binuksan ang refregirator. 
 
I started looking for siopao.
 
"Siopao. Siopao. Siopao."
 
Tiningnan ko bawat sulok ng malaking ref ngunit wala ito doon, kahit sa freezer. Nanlulumo akong tumitig sa mga pagkain na naroon.
 
"Nasaan na ang siopao ko?" naitanong ko sa sarili. "Baka naman kinain na ni Fierr—"
 
"Are you looking for this?" halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita si Felix sa likod ko.
 
"Bakit mo ako ginulat?!" mariing bulong ko sabay hampas sa kaniyang braso.
 
"Sorry, hindi ko sinasadiya." hindi ko naiwasang ikutan siya ng mata. Sinarhan ko ang refrigerator at hinarap siya. "Siopao?" alok niya.
 
Dagli kong kinuha ang plastik sa kaniya at lumapit sa lamesa.
 
"Bakit na sa 'yo ang siopao ko?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
 
He just smiled. Umupo siya sa may harapan ko. "I'm just teasing you. Alam ko naman na gumigising ka ng ganitong oras para maghanap ng siopao. Tinitingnan ko lang kung ano ang magiging reaksiyon mo kung wala kang makita," he laughed.
 
I rolled my eyes again. "Baliw ka. Paano kung bigla akong umiyak dito kasi nalaman kong walang siopao dito sa refrigerator. Edi nagising ang mga tao dito sa bahay?"
 
Binuksan ko ang plastik at sinimulang lantakan ang pagkain. Napapikit pa ako ng humagod ang lamig sa aking dila at lalamunan.
 
"It's okay, they will understand you for sure." sumandal siya sa bangko. "Hindi ka ba sinasaktan ng tiyan sa kinakain mo? It's too early to eat cold foods. Wala pang kahit anong lumalapat sa tiyan mo na mainit. Dapat uminom ka muna ng kahit gatas man lang."
 
Napasimangot ako. "I don't feel like drinking milk. Gusto ko ito agad."
 
"I'll get milk for you. Would you drink it?" tinantiya ko ang sarili. Naisip ko ang lasa ng gatas. Parang gusto ko nga ng gatas.
 
"Sure." Ngumiti pa ako at kinuha pa ang isang siopao.
 
I looked at my body. I really gain weight dahil sa pagbubuntis ko, at bumagay naman iyon sa akin.
 
"Ito ba?" napatingin ako kay Felix na tinuturo yung box sa dulo ng cabinet. Tumango ako.
 
"Oo, ayan nga. Tat-"
 
"Dating this early inside the kitchen? How ironic." naibaling namin dalawa ni Felix ang atensiyon sa taong nasa pinto patungo dito sa kusina.
 
I saw Zachary standing there, full of pride, while his arm was crossed. Kita ko ang nakataas niyang kilay at mapanuyang tingin sa malamlam na ilaw dito sa kusina.
 
"Tsk." lumapit siya sa switch at pinalakasan ang liwanag. Napapikit pa ako saglit, sapagkat nasilaw sa biglaang pagliwanag ng paligid.
 
"Where not dating. Ipinagtitimpla niya lang ako ng gatas." sinamaan niya ng tingin ang likod ni Felix, at saka mapungay ang mga matang binalik ang tingin sa akin. 
 
Hinayaan ko lang siyang maglakad palapit habang nagpapatuloy ako sa pagkain. Napapiksi pa ako dahil sa pagyakap niya sa aking bewang, hinaplos niya ang aking tiyan.
 
"Why didn't you wake me up instead, hmm?" he softly asked before he put his face in the crooked part of my neck. He kissed it a little.
 
Nakita ko ang paglingon ni Felix dito sa amin at mabilis niya ring pag-iwas ng tingin. Bigla akong nahiya, kaya hinawakan ko ang braso ni Zachary para alisin, subalit mas humigpit lang ito.
 
"Zachary, ano ba?! Bumitaw ka nga!" pabulong kong saway sa kaniya. Hindi niya ako pinansin. Bagkus ay yumukod sa harap ko para kagatan ang siopao na kinakain ko. Laglag ang panga kong nakatingin sa kinakain ko, dahil sa laki ng kagat niya ay halos maubos ito. 
 
"It's too cold." komento pa niya. "Why you're eating that this early?" hindi ko pinansin ang tanong niya.
 
Nangilid ang aking luha. "You just woke up for this?" hindi ko pa rin siya sinagot kaya nilingon niya ako.
 
"Fuck! Why are you crying?!" natataranta niyang tanong at napalayo sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit.
 
Pati si Felix ay nag-aalala na lumapit sa amin at iniwan ang ginagawa niya. 
 
"Hey, Via. Anong nangyari? May masakit ba sa iyo?" 
 
"Wife, are you okay?" lalo akong naiyak. Lumapit muli sa akin si Zachary at hinaplos ang aking likod. "Hush now, wife."
 
"Vi-"
 
"Are you okay? Are you hurt? What do you feel?" sunod sunod na tanong niya kaagad, pinipigilan si Felix na magtanong. "What's your problem?" frustated na dugtong niya pa. 
 
"Bili mo ako ng bagong siopao. Yung malamig." pinalis ko ang luha at masama siyang tiningnan. "B-Bakit mo kasi kinain ang siopao ko?! It's mine!" napanganga siya sa problema ko.
 
"Oh, pregnant women!" namomroblemang reklamo niya. "Where can I find siopao this early?! Probably the stores were close!"
 
Tinaasan ko siya ng kilay. "Aba! Mag hanap ka! Hindi ko na problema iyon, kinain-kain mo iyong siopao ko eh kulang pa n-nga sa iyon sa akin." napasimangot akong muli at nagbabadiya na naman ang luha.
 
"Later, at least when the sun comes out," tuluyan na akong umiyak. "Okay, fine! For fuck sake!" he frustatedly combed his hair before leaning toward me and kissing my cheeks. Napatigil ako sa pagluha at napatingin sa kaniyang pagtalikod. Bumaling muna siya kay Felix at sinamaan ito ng tingin na para bang pinagbabantaan ito.
 
"The hell." Dinig ko pang nanggigil na saad niya bago tuluyang umalis.
 
"He's really in love with you." mahinang komento ni Felix.
 
Hinintay ko munang makaalis ng tuluyan si Zachary. Bigla akong natawa. Napatingin ako kay Felix na nagtatakang napatingin sa akin. Siguro ito na lang ang role niya, ang manood sa nangyayari sa paligid.
 
"What was that?" lalo akong natawa. I dried my tears smoothly.
 
"I just want him to leave." napangiwi siya. "He keeps bugging me. Feeling ko mapapaanak ako ng maaga dahil sa kaniya."
 
Hindi siya nagsalita. 
 
Napabuntong hininga ako ng hindi inaasahan. "I don't know what I should do now that he's here." Ani ko habang nililinis ko ang lamesa. Tinapon ko ang plastik sa basurahan. Bumalik ako sa pagkakaupo at hinintay si Felix matapos mag timpla ng gatas. "Gusto ko siyang takasan at iwasan na lang ng iwasan. Pero ang hirap lalo na't nandito siya at lagi kong nakakasama."
 
Nagkaroon ng katahimikan. Nilapag niya sa aking harapan ang baso ng gatas. "Salamat."
 
"He's your husband, right? Why don't you ask him about your setup?" tanong niya. I saw a glimpse of pain in his eyes. 
 
"We're not on good terms. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa." I sip in a glass of milk. Nilasahan ko pa ang lasa ng gatas na natira sa aking dila.
 
"But you're always together... I thought nagkasundo na kayo." yumuko ako para mag isip ng idadahilan kay Felix. 
 
Napakagat ako sa aking labi. "Hindi naman ganoon kadaling limutin ang lahat, lalo na ang mga nangyari sa nakalipas. Kaya nahihirapan akong tanggapin muli siya sa buhay ko. He's the Zachary that I know and he will always be." I sighed.
 
Me and my weaved lies.
 
I think I have to accept the fact that I'm just bound to be here in the world to lie. Just to be a sinful person who loves herself. A lost tigress in the middle of a kind creature. Doubting everything around her. She is scared to trust because of the thought that everybody will ruin her.
 
Haysst... How could I find my real self?
 
"Bakit ang aga niyong dalawa dito? 3:30 pa lang ah?" naibaling ko ang atensyon sa nagsalita. Tita Felisha is stretching her arms after a long yawn.
 
I smiled. "Good morning, Tita," pagbati ko. "Pumunta ako dito sa baba para kumain, then I saw Felix."
 
Tumango naman siya. "And Zachary? Narinig kong may umandar na sasakyan kaya sinilip ko at nalaman kong sa kaniya iyon. Saan siya pupunta?" nagtataka niya tanong bago lumapit sa counter.
 
"He will buy a siopao for me. Kinain niya kasi 'yung siopao ko." I flashed a dashing smile while thinking about him roaming around Batanes, just to find a siopao. 
 
"I doubt that. Wala pang bukas na tindahan ng siopao ng ganito kaaga. Kataasan naghahanda pa lang sila." 
 
"Ayus lang iyan Tita. He's rich after all, he can make a way." tumango si Tita. Napatingin ako kay Felix na tinutuktok ang lamesa ng walang tunog. He's staring intently at the mantel as if it's too interesting. 
 
Dineretso ko na ang inom sa gatas at nagpaalam na aakyat na muna ako sa itaas para tumulog muli.

ErmisSan

Sinuous AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon