Kabanata 15

749 22 9
                                    

Via Zenith

"U-Uhhh..." Lahat sila ay napabaling sa akin. "F-Felix, you're already here." Litanya ko kay Felix. Nakita ang matatalim na tingin ni Zachary habang umiigting ang panga. 
 
"Hmm... Nadala ko na sa presinto yung magnanakaw. Ayos ka lang?" Marahan akong tumango. "Pasensya ka na kung umalis na lang ako bigla. Hindi ko lang talaga mapipigilan ang mga tao na gumawa ng kasalanan." Dugtong niya pa na tila pinapagaan ang hangin dito sa apat ng sulok ng kwarto.
 
"Hindi, ayos lang. Naiintindihan ko naman. Ikaw? Wala bang nangyari sayo?" Ngumiti siya at tumango lang sa akin. 
 
Bumaling siya kay Achie. "Kamusta siya?" Akmang lalapit sa akin ng unahan siya ni Zachary bago hinawakan ako sa bewang. Ang isa naman ay hindi na nagtuloy.
 
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. 
 
"She's very fine. Very. Very. Fine." Mariing ani Zachary. 
 
"How's she, Doc Achie?" Hindi pinansin ni Felix si Zachary. Naramdaman ko namang kumuyom ang kamao ni Zachary sa aking kaliwang bewang. 
 
"W-Well—"
 
"I already said that she's fine. Are you deaf?"
 
Gosh. 
 
Marahas na napalingon si Felix kay Zachary. "Can you please shut your fuc—"
 
Umalis ako sa pagkakahawak ni Zachary at gumitna. Paharap kay Felix. "Ayos lang ako Felix. Sabi ni Achie ay anim na buwan at kalahati na akong buntis. Healthy rin daw ang bata." I smiled. Lumamlam naman ang mata niyang kanina ay galit na galit. Pero naging malamig ng makitang pumulupot ang dalawang braso ni Zachary sa aking tiyan. Pinatong pa nito ang ulo sa kaliwa kong balikat. 
 
"That's good to hear." Hirap man ay sabi nito. "Well, I think you don't need my accompany anymore. Atsaka kailangan ko pang bumalik sa presinto para ayusin ang ilang bagay. So I better leave. Take care, Via."
 
"B-Bu—" Aapila pa sana ako ay hindi ko na nagawa dahil nakalabas na sya ng pintuan. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong hininga. 
 
Pilit kong inalis ang kamay ni Zachary sa aking bewang. Ng magtagumpay ako ay dali dali kong kinuha ang bag at tumingin sa kaniya. 
 
"I think I should leave too now, I'm already done with my business here." Tumingin ako kay Achie at ngumiti ng matamis. "Thank you, Doc. Babalik, na lang ako for my next appointment." Saad ko at dali-daling lumabas ng pinto nagbabakasakaling maabutan si Felix. Medyo binilisan ko pa ang paglalakad, ngunit may malaking kamay ang pumigil sa aking kanang braso. 
 
Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino iyon, dahil base pa lamang sa kabog ng aking dibdib at init na nararamdaman ko mula sa kaniya ay kilala ko na kung sino. Lalo na ang boses niyang, tila nagbabanta ngunit puno ng lambing. 
 
"Be careful." Napabuntong hininga ako. Hinarap siya, napakunot ang noo ko. 
 
"Ano bang kailangan mo?" Matigas na tanong ko, pilit na tinatago ang kabang namumutawi sa aking puso dahil sa malapit siya sa akin. "Akala ko ba ay umalis ka na at wala ng balak pang bumalik?" Bahagya ng nabahidan ng inis ang bawat salitang aking binibitawan. 
 
"I won't leave you, like what you did to me." Saad niya. "And I really said what I want. I want to give my child the complete family that he deserves." Nakataas kilay na dugtong niya pa. 
 
Napapapikit ako ng mariin sa sinagot nya. "Hindi mo ba naiintindihan Zachary? Ayoko. Akin lang ang anak ko." Mariin na ani ako, na para bang doon pa lang ay mapapasunod ko siya. 
 
"Anak natin. Natin, Zenith. Hindi lang sa'yo. Tayo ang gumawa." Naiigting ang panga at blanko ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. "You can maybe use your hand to make your own cum, but you can't make a baby with it. So stop being hardheaded and think about what I'm trying to say." Walang prenong sabi niya. Para namang sumakit ang ulo ko dahil doon. 
 
"Ano ba kasing mapapala mo? Bakit ba hindi ka na lang bumalik sa asawa mo at sa kaniya bumuo ng pamilya? Huwag ka ngang manggulo sa buhay ko." Naiinis kong ani at lumakad ng muli, pero hindi pa ako nakakalayo ay hinila na naman niya ako, wala akong nagawa ng mag-landing ang mukha ko sa matigas at malapad niyang dibdib. 
 
Tiningala ko siya at sinamaan ng tingin. Naramdaman kong pumulupot ang kaniyang matitigas na braso sa aking bewang, pinilit ko naman siyang itulak dahil baka may makakita sa amin dito sa gitna ng hallway, at isa pa hindi ako komportable na sobrang lapit namin sa isa't isa. 
 
Hindi komportable! Eh halos humilig ka na nga sa kaniya eh at ibigay ang buong bigat mo! Bulong ng aking isip. 
 
Hindi kaya! 
 
Masisiraan na ata ako ng ulo. 
 
Pumalag ako sa kaniya ngunit, hindi man lang siya natinag. "Ano ba Zachary?! Bumitaw ka nga!" Saway ko sa kaniya, ngunit wala akong ibang narinig kundi ang malalim niyang pag buntong hininga. Bahagya pa akong natakot dahil baka marinig niya ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Ramdam na ramdam ko rin ang mainit niyang katawan na nagbibigay sa akin ng ibang pakiramdam. 
 
"Zenith, I don't know what you did to me. I don't know why I would like to get you and live with me even if you don't want to. I don't know why I hate that Felix fuckin' guy. I really don't know why I'm still here following and claiming you with my child even though you are not my responsibility anymore. I don't know. My mind is full of questions. I'm confused." Saglit siyang huminto at naramdaman kong gumalaw ang kaniyang dibdib, bumuntong hininga. "But I'm not here for me to get the answer. I really meant it when I say that I want to give my child a complete family. Think about it, Zenith. I'm not doing this for me, for you, not for anyone, but for our child. The best thing that we can give to him is a family that he can be proud of. That he can cherish. A family that can give a love that he deserves. I don't want my child to feel that he's illegitimate and alone. And I don't want him to hate me forever because I didn't take the responsibility and leave you both without even thinking."
 
Para akong napipi sa sinabi niya. Nanglambot ang tuhod ng mapag-isip ang nais niyang iparating. Bumaba ang aking mga mata sa kaniyang suot na itim na polo. 
 
Bakit hindi ko nga ba naisip iyon? Bakit hindi ko naalala ang puno't dulo ng lahat ng ito? 
 
I did this to experience the love that I want. Pero siguro nga napakasakim ko na. Kaya ko ginawa ang lahat ng ito dahil hindi ako nagawang mahalin ng mga magulang ko, meron nga akong masasabing magulang, pero hindi ko naramdamang buo kami at puno ng pagmamahal. Hinangad kong magkaroon ng anak para may makasama at mahalin habang buhay, pero parang hindi naman tama dahil ipaparanas ko ang pakiramdam na 'kulang' sa anak ko. Ipaparamdam ko sa kaniya ang lahat ng sakit na naranasan ko. Ganoon ba ang gusto ko talaga? 
 
Kahit sabihin kong kaya ko siyang mahalin ng totoo ay hindi ko maibibigay ang pagmamahal na buo na dapat niyang maranasan. Alam kong pag dating ng panahon ay hahanapin niya ang pagmamahal na mula sa kaniyang ama, at gugustuhing magkaroon ng kumpletong pamilya. 
 
Bakit hindi ko nga ba naisip ito bago gawin ang lahat? Ganoon na ba talaga kakitid ang utak ko? 
 
"So let me, Zenith. Don't be too selfish and make everything right." Anas niya pa. Nangingilid ang luha sa aking mga mata. 
 
Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. Lalo na sa ipinapakita ni Zachary. Bakit niya kinukuha ang responsibilidad na hindi dapat sa kaniya? Hindi ba't may asawa siya? Napakaganda nito, mabait, at maaalalahanin, kaya't bakit siya mag aaksaya ng oras para sa akin? Sa amin? 
 
Tumunghay ako sa mukha niya at nakitang matamang nakatingin ang kaniyang mapupungay na mga mata sa akin. Bahagya ko pang nakita ang aking repleksiyon dito. 
 
Sandali kaming nagtitigan. 
 
"H-Hindi ko alam." Nauutal na saad ko. "Baka nabibigla ka lang. Pag isipan mo muna. Hindi mo naman kailangang gawin ito. Hindi mo kami responsibilidad." Unti-unting humina ang bawat salitang aking binibitawan dahil sa mariin na tingin niya sa akin, lalo na sa aking labi na tila pinapanood niya ang bawat pag buka nito. 
 
"I already think of this, a million times." 
 
"But—" naputol ang nais ko dapat sabihin ng yumukod siya at dampian ako ng halik sa aking labi. Nanlaki ang aking mga mata sa ginawa niya. 
 
"No more buts. And remember our agreement? You still have to pay for what you have done." Mapaglarong aniya, habang may maliit na ngisi sa labi dahil sa naging reaksyon ko. "I'm not forcing you, but I'm pushing you. Think Zenith. I need your answer right away."
 
Lihim akong napalunok. Hindi ko maiwasang makagat ang aking ibabang labi. Tumingala ako sa kaniya. 
 
Kung ano man ang magiging desisyon ko sana, hindi ko pag sisihan. Alam ko rin namang hindi para sa akin ang gagawin ko na ito. Alam kong para ito sa ikakabuti. Kahit na sa tingin ko ay maaari akong mahirapan, ayoko ng dagdagan pa ng pagkakamali ang isang pagkakamali. Kaya sana... Sana may patunguhan ang lahat ng ito. 
 
Mabagal akong tumango at nabakasan ko sa mukha niya ang pagtataka. Naghahanap ng kasagutan sa naging sagot ko. 
 
Huminga ako ng malalim. "O-Oo. Pumapayag na ako. Gawin nating tama ang lahat."
 
Sana lang talaga ay tama itong desisyon ko.

ErmisSan

Sinuous AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon