Kabanata 26

417 8 0
                                    

Via Zenith

Mataman kong tinitingnan ang mga tao sa paglabas at pasok dito sa loob ng isang Filipino restaurant, wearing their different faces with different agendas. Makulimlim ang langit sa labas at tila nagbabadya ang ulan ngunit maalinsangan pa rin ang panahon. Buti na lang at kung sino man ang may ari ng restaurant na ito, even though it's a Filipino restaurant, ay na ipilit niyang mag palagay ng air conditioning. Not that I'm belittling those who offer Filipino dishes, yet we all know that in a city like this, most people here would rather choose foreign restaurants than local ones.
 
I arrive here at 10:30 AM at halos kalahating oras na ako sa pag hihintay sa taong kailangan kong kitain. Medyo nakakainip, pero ang kalakip naman ng pag hihintay, hiling ko sana ay may magandang maidudulot.
 
Biglang nag vibrate ang cellphone ko na nakakulong sa aking kamay na nasa ibabaw ng aking hita. I really expected who it was, and I'm right.
 
Zach: Are you done? 
 
He already texted me again for the tenth time before he left me here. I am a little regretful now that I gave my phone number to him.
 
Zach: Can I fetch you now? I already miss my baby :(
 
I almost giggled with it, especially with his emoticon, but when I eventually remembered that maybe he was talking about the baby in my womb, napangiwi ako.
 
Magtitipa sana ako ng reply ng naagaw ang atensyon ng isang babae sa tabi ng aking lamesa. She is wearing a school uniform, perhaps a college uniform? Her head is canted while her shoulders are shaking for one and only reason. She is crying endlessly. May tubig sa harap niya at gaya ko ang iba ay napapatingin sa kaniya ng puno ng awa. Walang sumubok na lumapit sa kaniya at hinayaan siyang tumangis. 
 
Sa kabila ng pag-luha niya ay hindi ko maiwasang humanga. A woman like her is brave enough to cry in the middle of the crowd, or maybe she finds comfort in the middle of unknown people? Meron naman kasing ganon. 
 
Tiningnan ko lang siya ng maigi. Lumipas ang ilang minuto at hindi pa din siya humihinto sa pag-iyak ngunit napunta ang aking mga mata sa may katandaang lalaki na lumapit sa kaniya. With the old man's crying face, he hugged the girl. Napatingin ang babae sa matanda at napatunayan ko ang aking konklusyon ng tawagin niya itong Papa.
 
Nakakakuha sila ng atensyon, pero walang nagpaalis sa kanila kahit ang staff ng resto, kasi hindi naman sila nakakaabala. 
 
I smiled weakly.
 
Paulit ulit na humingi ng sorry ang dalaga at tumatango lang ang kaniyang ama at mas nakapag pataba ng puso ang huli niyang sinabi bago sila umalis.
 
"A-Ayos lang, anak. Tumahan ka na. Hindi ako galit sa'yo. Nag tatampo, oo, pero hindi ito magiging basehan para itakwil kita. Palalakihin natin ang bata, at bilang Papa mo. Tutulungan kita at gagabayan. Tahan na. Kumalma ka na... Mahal na mahal kita."
 
That's how Fatherly loves work. Fatherly love that stays, that despite how many circumstances, pain, and aches his daughter gave, he will end up still accepting his child because it is his own blood and flesh. Despite everything, leaving her will not be an option. In the hardest part of their lives, he will rather choose to guide her and love her than leave her alone.
 
In this day and age, it's maybe not new that many teenagers got pregnant. But it's always new for me to see some parents still accepting their child and continuing to fight with them, they still accept them with open arms, embracing their flaws, even though it's been hard to see them having an early responsibility.

At kung masakit para sa isang Ina na tanggapin ang katotohanang nabuntis ang anak mas mahirap sa ama dahil siya ang ama na dapat nag poprotekta, pero dahil mas lamang ang pag mamahal, mas madali ang pagtanggap.
 
I smiled bitterly. 
 
If sa akin kaya nangyari yon, would my father still accept me?
 
Probably not. He would rather choose to shoo me away because I will be a disgrace to our family.
 
Napailing ako. I should not think about any negative thoughts now for me to heal and kill the anger in my heart.
 
"Hija." Agad akong napabaling sa napakaimportanteng tao na kanina ko pa hinihintay. Nawala ang lahat ng iniisip ko.
 
I stopped my tears from shedding here and stood up before giving her a tight hug.
 
"Manang Delen." 
 
Iginiya ko siyang umupo, saka kami nag order. 
 
Manang Delen looks at me with her gloomy eyes. I smiled tightly, trying to lighten up the mood. This is not her usual self, she is always jolly, but I know where she is coming from. Nag alala siya sa akin at kahit hindi ako nakapag paalam sa kaniya noon, alam kong alam niya ang nangyari sa pagitan namin ni Mama.
 
"Kumusta ka?" Sa dadalawang salita na tanong ni Manang na 'yon ay halos maiyak ako pero pinigilan ko ang sarili. Isinantabi ang nararamdaman.
 
"Ayus naman po ako, kayo po kamusta na?" 
 
She smiled at me with eyes that is twinkling like she is happy to see me here. Looking good. Manang Delen really looked older the last time I saw her. Mas madami na siyang wrinkles ngayon at marami ng puti ang buhok. Pero kahit na ganoon, dahil sa ngiti niya ay mukha pa rin siyang mas mabata sa kaniyang edad.
 
"Ayus lang din ako, Bia. Nakikita kong maayos ka at masaya ako doon. Hindi ko alam ang dahilan pero mas magaan ang pakiramdam ko sa'yo." Turan niya na siyang ikinangiti ko. Tumayo ako sandali bago hawakan ang aking tiyan. Gulat na gulat ang itsura ni Manang na ikinatawa ko. "B-Buntis ka!"
 
Tumango ako. "Opo. Pitong buwan na po."
 
"Pwede ko bang hawakan?" Muli akong tumango sa kaniya, lumapit sa aking si Manang, at kita ko ang labis na tuwa sa kaniya. Ngunit ilang sandali ay nag-aalala siyang tumingin sa akin.
 
"Alam ba nila?" Umiling lang ako ng matipid bago tahimik na sumubo ng pagkain.
 
I looked at Manang. I cleared my throat. "K-Kumusta na po sila?"
 
Bumuntong hininga si Manang. "Maayos din naman sila. Katulad noon pag kaalis mo sa mansyon ay tahimik na talaga ang bahay, si Lore ay hindi pa rin nagbabago, pero ang Papa mo, napapadalas ang hindi niya pag uwi at mukhang laging pagod dahil sa trabaho." I bite my lower lips because of what Manang said. I know that Papa is a workaholic, but hearing this right now that I know Papa is slowly aging, I'm really concerned.
 
"Why, Manang? Why is he striving and working even though dalawa na lang naman na lang silang magkasama? Kaya nga nilang mabuhay ng hindi na sila nag tatrabaho, dahil malabo namang mag hirap si Papa sa dami niyang ipon." Takang tanong kaakibat ng pag-aalala.
 
"Hindi ko alam, Bia. Ang Papa mo lang ang makakasagot niyan."
 
Nagpatuloy kami sa pagkain. 
 
"'Nang?" Tumingin siya sa akin. "Ahmm... Pinilit ko po talagang makausap tayo para sa isang bagay na gusto kong malaman." Her eyes are full of interest.
 
I drink my water and wipe my lips with the table napkin before continuing what I'm saying. "Alam ko po narinig niyo ang sinabi si akin ni Mama noon at alam ko pong matagal na kayo sa mansiyon. Pwede ko po bang malaman kung... Kung may alam po kayo sa totoo kong Ina?" Nagbabakasakali na tanong ko pero ng umiling siya bigo na agad ang aking naramdaman.
 
"Ng maging katulong ako sa mansiyon niyo ay nakaalis na siguro ang Nanay mo noon. Halos lahat kami doon kasama ang ibang kasambahay at mga tauhan sa mansyon ay bago. Pinaltan lahat na hindi ko alam kung bakit. Sanggol ka pa lang noon, at nakikita ko na ang ibang pag trato sa'yo ni Lore. Hindi ko nagawang mang usisa dahil wala naman akong karapatan at wala din naman akong mapapagtanungan." Malungkot na turan niya. "Lagi akong humihingi ng tawad sa'yo dahil wala akong maitulong, kaya naman nung umalis ka hindi kita pinigilan kasi iyon ang mas makabubuti sa'yo. At saka ko lang din naman nalaman ang katotohanan nung sinabi sa'yo ni Lore. Pero maniwala ka sa akin, hija. Mahal ka ng Papa mo." Napangiti ako ng mapait sa sinabi niya. 
 
"Pasensya na sa abala, 'Nang gusto ko lang po kasing malaman kung sino ang totoong Nanay ko." 
 
"Ngunit may ibibigay ako sa'yo, sana kahit papaano ay makatulong ito. Dinala ko ito dahil pakiramdam ko ay magtatanong ka ukol sa bagay na ito." Inabot niya sa akin ang isang tela na siyang ipinag taka ko. Isa itong lampin ng baby.
 
"Natagpuan ko yan sa isang maliit na cabinet sa loob ng kwarto namin. Elementary ka na nung nakita ko yan. Nakalock kasi ang bahagi na iyon ng cabinet kaya hindi makita kung anong nasa loob, hinayaan ko nung sa nakalipas na taon. Pero dahil sa may bagong kasambahay at magagamit pa ang espasyo na yun at ay pinilit namin iyong buksan sa pag aakalang walang ibang importanteng bagay. Ngunit may maliit na bag doon akong nakita na may ilang piraso ng damit ng sanggol kung saan ko nakita ang lampin na yan. Buklatin mo dahil sa loob ng lampin ay may isang panyo." Unti unting nagbagsakan ang luha sa aking mga mata. "Katrina Valdez. Sa palagay ko ay iyan ang pangalan ng iyong Ina, kalakip kasi niyang ang larawan mo noong sanggol ka pa." Sunod niyang inabot sa akin ang isang larawan ko na may kalumaan na.
 
"Pasensya na dahil ngayon ko lang nasabi sa iyo. Akala ko kasi ay hindi totoo ang espekulasyon ko ukol sa bagay na iyon." Pinahid ko ang aking luha.
 
"Katrina Valdez, napakalaking tulong po nito." Niyakap ko si Manang saka ako bumalik muli sa aking upuan.
 
Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Nanay Katrina. Pansamantala ay iyon muna ang itatawag ko sa kaniya. Pero dahil sa pangalan na ito ay pakiramdam ko madali ko na siyang matatagpuan.
 
"Maraming maraming salamat po Manang dito." I smiled sweetly at her. Pinahid niya naman ang luhang tumakas sa kaniyang mga mata.
 
"Walang anuman, hija. Nakakagalak na kahit papaano ay may maiitulong ako sa paghahanap mo sa totoo mong Ina. Kita ang lahat ng hirap mo mula pag kabata. Kita ko kung paano ka lumaki at nag kaisip kaya masasabi kong ito ang nararapat sa iyo. Para sa'yo ang kasiyahan na walang hanggan na pag tanggap."

It's too overwhelming, and I'm very happy. Paano kaya kapag nakita at nakilala ko na siya?
 
"Ang drama na po natin masyado." Natawa kaming dalawa dahil doon. Inayos ko ang aking sarili ganon din si Manang.
 
"Teka. Hindi mo pa pala sinasabi sa akin kung sino ang ama niyang dinadala mo. Mamaya magkakalayo na tayo ngunit hindi ko pa man lang nalalaman." I chuckled because of that, especially when Manang pouted.
 
"Ayy, hindi ko pa po pala sinasabi?"
 
"Hindi pa! Gusto kong malaman kung sino ba ang masuwerteng lalaki na nakabihag sa'yo." I laughed more. It's too much description for me. I'm not that important.
 
"Grabe ka naman sa masuwerte, Nang. Ni wala nga akong yaman na maipagmamalaki." Balik ko pa.
 
"Hindi naman sa yaman lang makikita na nakakaangat ka, napakabuti mong bata Bia at aba! Mana ka sa akin kaya napakaganda mo rin!" I smiled widely. Hindi ako tumanggi. Parehas lang kami ni Manang na masaya dito.
 
"Baby." I diverted my gaze to Manang's back because of that deep baritone voice.
 
My heart almost sank. "U-Uhh Zach..." Gulat na gulat ang mukha ni Manang ng halikan ni Zach ang gilid ng aking labi bago lumapit kay Manang para mag mano. Halos mamula ang mukha ko dahil doon.
 
"Magandang hapon po." Malamyos na pagbati ni Zach kay Manang. 
 
"Ay aba, hija! Ikaw pala ang masuwerte dito sa nabingwit mo!" I just awkwardly smile, lalo na ng manghang tumingin sa akin si Zach at puno ang mata ng panunukso.
 
"Hindi naman po, 'Nang. Konti lang."

ErmisSan

Sinuous AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon