Jaemin
Nakakababa ng pride 'tong ginagawa ko, pero susubukan ko pa rin. Wala namang mawawala sa akin kundi ang dignidad ko.
Kaya lang ganun din naman. Naitapon ko na 'yung dignidad ko long time ago, after ko magpasa ng video sa PE na nagpu-push up.
Magmula no'n hindi ko na alam kung ano 'yung salitang 'dignidad'.
Nag-isip ako kung anong magandang panimulang chat sa hudas na 'to, kaya tahimik ako buong klase.
Patay naman ang cam at mic ko, at himalang hindi sumulpot dito si Donghyuck, kaya okay lang na nakahilata lang ako.
Napatingin muna ako sa maliit na box sa screen, na may screen name na Jeno Lee
Bukas ang cam nya, at nakapatay ang mic nya.
Mukhang seryoso si gago, kaya babaguhin ko 'yun.
Sobrang tuyot ang utak ko, kaya ginawa ko na lang ang pinaka tipikal at korning paraan para makapag-panimula ng conversation.
Jeno Lee
Jaemin is waving at you!
Wave back
Ugh! Bwisit, hindi ko kinaya! Nakakababa ng kalooban.
Kinailangan ko pa talagang magdasal ng taimtim, magpa-misa sa utak ko, at pumikit bago ko napindot 'yung wave.
Agad akong napatingin sa kanya from screen.
Napansin kong kumunot ang noo nya, sabay aligagang pinatay ang cam.
Iba talaga ang impact ko sa demonyong lalaki na 'yun.
Pasensya na Jeno, pinanganak lang talaga akong saksakan ng gwapo. Pinanganak lang din ako para sirain ang araw-araw mo.
Jeno Lee
Jaemin is waving at you!
Wave back
Wtf?
What took you so long to initiate a converation with me?
Oh look at him, masyadong assumero. Sarap isupalpal sa mukha nya na bored lang ako at nanga-ngailangan na ng matinding dilig ng pagmamahal nya sa akin ang messenger ko.
Hehe.
Ay hala!
Gago, napindot ko lang
Wag syang feeling superior dyan. Panandalian lang 'yan dahil tuyong-tuyo na ako.
Napindot?
Luma na 'yan, Jaemin
Ang bilis magreply ni kupal oh. Halatang may hobby ang kamay nya ah? Ano pa bang ibang dahilan kung bakit ang vein-y ng kamay nya?