Roadrunner

0 0 0
                                    

Jaemin










Bigla na lang akong nagising kahit hindi naman ako nag-set ng alarm kahapon.

Hindi naman kasi importante si Jeno kaya bakit pa ako mag-aaksaya ng panahon para pilitin ang sarili ko na gumising ng maaga para sa kanya?

Pero eto na, dilat na dilat na ang mata ko, kaya bumangon na ako ng ayos.

Napansin ko nga na parang medyo madilim-dilim pa sa labas.

Gabi pa rin ba?

Maaga kasi akong natulog kagabi, incase na madaling araw ako magising, para naman kahit papaano, sapat 'yung tulog ko.

Lumapit ako sa may bintana, at binuksan 'yun para sumilip sa labas.

"Aba, anong oras na ba?" tanong ko sa sarili ko.

Hinanap ko ang cellphone ko na nakita kong nakapatong sa ibabaw ng desk malapit sa kama.

"Tangina, kapag alas-dose pa lang, magwawala ako."

binuksan ko ang cellphone ko habang nakapikit ang mata ko.

Isang mata lang muna ang binuksan ko para silipin ang cellphone ko.

4:34 am

Anak ng tipaklong! Alas-kwatro pa lang?

Bakit naman ang aga-aga ko magising? Hindi naman ako excited for today! Ang OA ha!

Nawalan naman ako ng choice kundi tumunganga habang nag-aantay.

Pinilit ko na rin kasing bumalik sa pagtulog pero hindi ko na keri. Lumilipad na ang isip ko, kahit halos bibigay na ang mata ko.

Naalala ko naman na gaya ng sabi ko kahapon, kailangan puntahan ako dito ni Jeno ng maaga para hindi ako maabutan ni Donghyuck.

Nasa lahi ni Hyuck ang pagiging dakilang chismoso. Ultimong problema ng kapitbahay ng kaibigan ng pinsan ng tito nya sa nanay, alam nya.

Gising na kaya sya?

Binuksan ko ang cellphone ko, at chineck ang messenger.

Online si kups oh.

Agad akong nagtype ng message, pero isesend ko pa lang, nauna na sya. Nakita yatang online na ako.

Jeno Lee

Aga mo

excited ka masyado

Echosero! Ang kapal ng mukha nyang idildil sa akin na ako pa ang hindi makapag-hintay na makasama sya samantalang sya itong mas maaga pang gumising kesa sa mga lamok!

Excited na akong hambalusin ka

ang kapal mo naman yata

ikaw 'tong mas maagang gumising

I'm not even going to lie anymore

hindi ako makatulog ng ayos

iniisip kita palagi

Sinasabi ko na nga ba. Nag-work.

At bakit?

Anong bakit?

I can't stop thinking about you

Online Lablayp (Kinda? Wrong send)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon