Jaemin
"Eh ano ba kasing gusto mong gawin?" napakamot na naman sya sa ulo nya at halatang naiinis na sa akin.
Kapal ng mukha nyang mainis sa akin eh ako na nga 'tong nagbibigay ng suggestion.
"Kasasabi ko lang ah? Maghanap tayo!"
"We already strolled the whole fucking place! In the end wala ka namang naisip na puntahan, tapos nagreklamo ka pa sa akin na nanga-ngalay ka na!"
aba't sinigaw-sigawan pa ako sa harap ng mga chismoso't chismosa?
"'Wag kang nag-e-eskandalo dito, Jeno. Babalugbugan talaga kita. Hindi ka na nahiya." pinilipit ko ang braso nya, para mas madala sya.
"I'm not making a scene! I'm just saying! Ang hirap mo kasi pakisamahan!"
Oh so kasalanan ko pa pala na tanga sya? Anong magagawa ko eh indecisive akong tao!
"Yes you are making a scene! Why else would you be yelling at me?"
"I'm yelling at you kasi ayaw mo naman makinig sa akin!" at this point, may mga naglalapitan na sa amin at pinatitigil kaming dalwa dahil daw nakaka-abala 'yung away namin.
May room ba dito kung saan pwede kaming mag-away?
Nakakabarda eh. Pinagsisisihan ko na kasama ko pa ang isang 'to.
Tinalikuran ko sya at balak ko na sanang iwan, pero hinigit nya ako.
Not only that, dumali na naman sya ng mga pa-smooth moves nya. Hindi ako nakapag-react dahil ang higpit ng hawak nya sa likod ko.
"Alright. Tama na. 'Wag na tayong mag-away." nag-vibrate ang balikat ko nung nagsalita sya.
"This is the first time that I get to be with you, and not in a way that we used to be back in Junior High. Don't let this be something that I will regret. I don't want it ruined."
para bang ako pa ang sinisisi nya. Pero hinayaan ko na lang dahil part of me knows na nag-iinarte lang talaga ako, at nakiki-sunod na lang sya sa akin. Kaya kung may mali man syang nagawa, that is because of me.
Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko, at sya na ang nag-lead ng way.
"Sige, bati na tayo. Pero sa isang komdisyon!"
Napatigil sya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Ililibre mo 'ko." naka-ngiti pa ko sa kanya ng nakakaloko, pero nakatingin lang sya sa akin.
"Kapag may pinabili ako sa'yo, walang angalan ha? Bibilhin mo." oras na para magkaroon ako ng naglalakad na wallet.
Ayoko man sanang gawin 'to kasi alam kong hindi maganda 'yun, pero ano naman ang ipagagawa ko sa kanya? Kasi kung napapakinabangan nya ako, dapat ako rin.
Hindi pwedeng sya lang ang kinikilig. Dapat ako rin.
Ano pa bang nakakapag-pakilig sa isang tao bukod sa tanginang love? Diba pera?
"You don't have to ask me. That's what I have been planning to do."
Shala, yayamanin naman pala ang manliligaw ko.
Hindi ako tanga na mukhang pera, para bigyan sya ng chance dahil lang sa mabigat ang bulsa nya. Sadyang wala na akong maisip para pakinabangan sya.
Ngayon lang 'to.
"But that'll be unfair on my part. That is why I have a deal as well." naka-ngisi nyang sabi sa akin.
Ayoko ng eskandalo, pero kung sing-kapal ng mukha ni Donghyuck ang pagmumukha ko, baka kinaltukan ko na si Jeno sa harap ng madla.
![](https://img.wattpad.com/cover/309263477-288-k267234.jpg)