Consideration

0 0 0
                                    

Jaemin

Tatagpasin ko na talaga ang ulo ng hudas na kaibigan kong 'to eh.

Kanina pa nya akong inu-ungutan na miss na raw nya ang ex nya, kesyo nag-cheat talaga sya or hindi.

"Donghyuck, babanlian talaga kita kapag hindi mo ako nilubayan. Sinasabi ko na sayo."

Magmula pa 'yan kahapon na nanghihingi ng lalaki sa akin. Akala mo mabibiyayaan ko sya ng isa.

Nagpapa-reto sya sa akin dahil daw gusto nya na makalimutan ang ex nya.

Sakto pa naman na umagang-umaga at nag-iinit pa lang ako ng tubig para magkape, nilooban na ni kurimaw ang bahay ko.

Hinihigit nya ang braso ko at nagtatalak kung ano raw bang dapat nyang gawin.

"Balikan mo kung gusto mo pa rin sya, at kung hindi naman, edi hindi! Pabayaan mo sya!" inis kong sabi sa kanya habang naghahanap ako ng maliit na kutsara.

Kutsilyo na rin, para in case na hindi talaga ako makapag-pigil sa ka-ingayan nya.

"Hindi mo naiintindihan Jaemin! Mahal ko pa sya, pero alam mo naman ang ginawa nya!" paalala nya sa akin habang naka-sabunot pa sa sarili nya.

"Alam ko 'yung ginawa nya! Alam mo rin naman pala na hindi kita naiintindihan eh! Bakit dito ka pa sa akin pumunta? Anong magagawa ko dyan sa failed relationship nyo na 'yan?" buti sana kung may konsumisyon ako sa katangahan nya na 'to. Wala naman syang inaabot na pera eh, kaya bakit ako mag-aaksaya ng panahon para makielam sa problema nilang mag-ex?

Oo nga at kaibigan ko sya, pero wala naman akong alam sa ganyan eh! Binasted ko si Jeno, at 'yun na 'yun. Wala akong alam sa pinoproblema nya. Basta ang alam ko lang, nagugutom na ako, at gusto ko na kumain ng matiwasay.

"Kung ikaw ako, anong gagawin mo kapag nahuli mong niloloko ka ni Mark kaya nakipag-break ka, tapos mare-realize mo na mahal mo pa rin sya. Anong gagawin mo?"

Kapag sinasabi lang nya 'yan, syempre ang sasabihin ko wala akong gagawin at hahayaan ko na lang si Mark.

Kaya lang hindi ko pa nararanasan 'yan, kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Subukan ko na rin isipin.

Inimagine ko na hinaharap namin ni Mark 'tong problema na 'to, tapos marerealize kong mahal ko pa sya.

Napaisip muna ako ng konti. Mahirap kasi 'to eh.

"Siguro... mag-antay ka muna?" paliwanag ko.

Nanlaki ang mata nya, at kung makatingin sya sa akin, para bang nag-iihaw ako ng sapatos sabay kinain ko sa harap nya.

"Siraulo ka ba? Bakit ko sya aantayin? Para saan naman?" taka nyang tanong sa akin.

Bumuga muna ako ng hininga, pero hindi ako kaagad sumagot.

Inuna ko munang ayusin 'tong bwakanang-inang kape ko, dahil no doubt na mas mahalaga 'to kesa sa presensya nya ngayon.

Humigop lang muna ako ng isa, bago ko sya tinignan ulit.

Napansin nya pa yata ang panga-ngasim ng mukha ko.

Putanginang pait kasi ng demonyong kape na 'to. Nakikisabay sa mood ni Donghyuck, walanghiyang 'yan.

"Tignan mo kung mahalaga ka pa ba sa kanya." panimula ko, sabay lunok ulit ng kape na akala mo mushed up na ampalaya.

"Nag-cheat sya, sabi mo. How certain are you ba?" oh wow, ibang-iba na ako. May pa-english na oh. Kasalanan ni Jeno 'to. Ang kapal ng mukha nyang englishin ako kapag nasa klase kami. Nahahawa ako ng kaartehan nya.

"Hindi ko na kailangan ng pruweba. Nanggaling na mismo sa bunganga nya na inaantay nya si Xiaoting noong akala ko ako ang inaya nyang mag-date. Like― haler? Anong kaputahan nya 'yun? Ni hindi nangilabot si gago na baka mahuli ko sya! Confident talaga sya!" paliwanag nya sa akin, na kinunutan ko lang ng noo.

Sapat na ba 'yun para akusahan nya si Mark na talagang niloloko sya?

Paano kung pinsan pala nya si Xiaoting? Kaibigan? Kakilala? Customer sa pagbebenta ng shab―

"Ayun na 'yun?" tanong ko sa kanya, habang nakakunot pa rin ang noo ko.

"Anong ayun na 'yun? Ano pang gusto mong ebidensya? Isipin mo ngang mabuti Jaemin. Ang kapal ng feslak nya na magyaya ng ibang babae, samantalang may boyfriend na sya! Ang kati ng bayag nya, putangina!"

Napa-irap na lang ako dahil nagsisimula na naman sya.

Iniwan ko na lang sya mag-isa sa kusina, at umakyat na ako sa kwarto ko.

Alam ko namang susunod sya, kaya habang hindi pa, pinatulan ko na muna 'tong ampala― este, kape.

Hindi nga ako nagkamali, at sumunod na sya sa akin.

"Bakit hindi mo na lang ituloy na kausapin si Monay?" tanong ko sa kanya.

Napagbigyan ko na sya kahapon, at nag-uusap na naman sila ni Monay. Pero bakit nagrereklamo pa rin sya?

Alam kong katarantaduhan ang ginawa kong ibinigay ko sa kanya ang second account ni Mark, pero wala akong magagawa. Pareho silang tanga at pareho rin na sa akin tumatakbo kapag nami-miss nila ang isa't-isa.

Aaminin ko na, medyo naiinggit ako sa kanila.

Hindi man alam ni Donghyuck na si Mark talaga ang kausap nya, ang sweet pa rin nilang dalwa.

Bebe time na ulit sila, paano naman ako?

Paulit-ulit kong sinasabi na ayoko pang suungin 'yung love love na 'yan, kasi gastos at aksaya lang ng oras 'yun.

Pero pilitin ko man gawing prinsipyo 'yun, hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot kapag naaalala kong ilang taon na akong nag-e-exist, pero wala pa rin akong ka-relasyon.

Masyado akong torpe pagdating kay Yuna. Nasubukan ko na syang ligawan, pero everytime na gagawin ko, natatakot ako sa rejection.

Kaya nga ngayon, ine-enjoy ko na ako palagi ang nag-re-reject.

Nandyan si Renjun na nadala naman sa isang 'hindi' ko.

Elementary ako noon na sa akin may gusto si Mark at binigyan pa ako ng korning love letter, pero tinapon ko lang 'yun at walang konsiderasyon pa akong pinamukha sa kanya na katangahan lang ang ginagawa nya.

Si J na sya pang babae na lumapit sa akin at nag-confess na may gusto sya sa akin, pero nagpanggap ako noon na kami na ni Yuna.

Dati rin akong pinatulan ni ZoA na tinawanan ko lang at sinabing sobrang bata pa nya at hindi pa nya alam ang nararamdaman nya.

Then we have Jeno. Ang bwisit na hindi talaga ako tinantanan kahit pa nabasted ko na multiple times.

Ngayong grade 12 pa sya sumuko kung kailan binalak ko na syang bigyan ng chance.

Chance na sisirain ko lang din dahil gusto ko syang asarin at paasahin.

Pero hindi ko na 'yun iniisip. Masyado na akong gwapo para mag-aksaya pa ng panahon na isipin sya.

Napatingin na ulit ako kay Donghyuck na ngiting-ngiti sa cellphone nya.

Kita mo na ang lintik na 'to. Kanina pa akong ginugulo, magse-settle din pala kay Monay.

I mean― Mark.

Habang sayang-saya sya dyan, naisip ko,

bakit hindi ko sya gayahin para naman hindi ko ma-feel na sobrang lonely ko?

Kaya naman binaba ko muna 'yung nangingitim kong kape, saka hinugot 'yung cellphone ko sa bulsa ng short ko.

Online kaya sya?











Online Lablayp (Kinda? Wrong send)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon