Guilt after coffee

0 0 0
                                    

Jaemin
















Bumalik na naman sa dati ang umaga ko, na may barabas na nakatayo sa paanan ng kama ko.

"Jaemin," tawag nya sa akin.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko dahil mamumulok na lang yata ako dito na pinagmamasdan nya habang nagkukwento ng experience nya with Monay.

"Jaemin ano ba kasing pangalan nya?"

Gusto na yata akong parusahan ni Lord dahil pinagtripan ko si Jeno kahapon.

Ngayon ako naman ang pinagtitripan ni Lord.

"Donghyuck, pakiusap. Hindi pa ako nakakabangon, pinepeste mo na naman ako."

Mag-empake na kaya sya? Tapos dito na sya tumira? Ginawa nya ng paupahan 'to eh!

"Eh kasi naman eh! Sawang-sawa na ako kakaisip kung sino sya! Paano kung sina Jackson 'to?"

Tumitig muna ako sa kisame. Hindi ko kayang tignan si Donghyuck dahil mate-tempt lang ako na sakmalin sya.

"Huminga ka muna, pwede? Hayaan mo muna akong bumangon, mag-ayos, at kumain, pwede ba?"

"Eh bilisan mo na! Bumangon ka na kasi! Alam mo naman pati na may klase pa tayo tapos nakahilata ka pa dyan!" saway nya sa akin.

Oh so ngayon nanay ko na pala sya?

Hinagisan ko lang sya ng unan na nasalag kaagad nya. Sayang.

Bumangon na rin naman ako dahil ayokong umabsent. Maski na tumulala na lang ako mamaya, papatayin ko na lang ulit ang cam at mic ko as usual.

Dumiretso ako sa banyo, at sinadya kong banggain sya, na hindi naman nya pinansin.

Hindi na ako nag-bother na saraduhan ang pinto dahil common sense naman na sa kanya na hindi sya pwedeng pumasok.

Kaya lang may kagat yata ang utak nya dahil umiihi ako nung biglang bumukas 'yung pinto at nakapamewang pa sya habang minamataan 'yung ano ko. Basta.

"Punyeta ka! Umiihi ako, gago ka ba?"

hindi ko itinaas kaagad ang short ko dahil lang sa nakatingin sya. Hindi pa ako tapos umihi eh, may pagsulpot na agad sya.

Saka as if naman wala rin syang ganito.

Nung natapos na ako, inangat ko na ulit ang short ko, saka ako lumapit sa lababo para maghilamos.

"Magmo-model ka ba? Bakit ang tagal-tagal mo?" naiinip nyang tanong sa akin, kahit na iilang minuto pa lang ang itinagal ko sa banyo.

Ngali-ngali ko syang ilublob sa inidoro dahil hindi ko na kayang magtimpi sa kanya.

"'Wag mo akong igaya sayo na nakapag-wisik lang ng tubig sa mukha, ligo na agad ang tawag mo do'n. May proper hygiene ako, at marunong akong mag-toothbrush hindi kagaya mo na pati pagsisipilyo kinatatamaran pa." I'm only speaking facts. Palagi syang pupunta rito sa pamamahay ko na amoy galunggong ang buong katawan nya.

Umarte naman syang na-offend sa sinabi ko.

Inirapan ko lang sya, bago ako ulit humarap sa salamin.

Hindi na rin naman sya naka-imik dahil alam nyang walang magagawa ang mga reklamo nya sa akin. Lasang-lasa ko na ang mga padali nya kaya palagi akong may pabaon na bala pansalag sa mga reklamo nya.

Habang may nakasalaksak na sipilyo sa bunganga ko, bumaba muna ako para maghanap ng kakainin ko.

Para syang tanga na nakasunod sa akin.

Online Lablayp (Kinda? Wrong send)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon