Plan

0 0 0
                                    

Jaemin
















Kanina pa akong nakatanga sa screen, kunwaring nakikinig sa klase.

Subject na ni sir Seo, kaya kailangang naka on ang camera namin. Just to make sure daw na buhay pa kami, at walang mga nakahilata.

I took that as the reason why hindi pa rin nagrereply si Jeno.

Not that I'm waiting. He's not even worth the wait.

Nagtataka lang ako, na nakakayanan ko naman magbukas ng bagong tab para mag-chat sa kanya, pero hindi sya nag-e-effort.

Galit pa rin ba sya gawa nung kahapon?

Ang arte nya na kung gano'n. Ang dami kong pinagdaanan kahapon― Kape ang keyword. Kaya naman sobrang wala ako sa mood kahapon.

Nagtry ulit akong mag-message sa kanya.




Jeno Lee





Isnabero yarn



Napansin kong may tinignan sya sa laptop nya, sabay tingin sa ibaba. Cellphone yata nya.

Umikot ang mata nya, naiinis yata, kaya nagtaka ako.

Naiinis sya sa akin?

Ang lakas naman ng loob nyang umirap dyan, samantalang ako na 'tong unang nag-chat sa kanya! Dapat nga nagpapasalamat pa sya na pinag-tyagaan ko sya eh!




magreply kang kupal ka

wag kang feeling artista

di bagay sayo





again, may tinignan sya sa ibaba, then inis syang napakamot sa ulo nya.






Can you not?

We're in class



Ay weh? Since when pa sya nag-focus sa klase? Eh samantalang palagi naman syang nakahilata. Ako pa o-okrahin ng isang 'to. Alam ko namang galit sya sa akin.





wEre in cLasS

as if naman nakikinig ka talaga

Bwisit ka



Please nga

Kung may problema ka, sabihin mo na

hindi ko man masabi pero naiinis na ako

ano bang gusto mong mangyari?

Ayaw mong nagcha-chat ako sayo, tapos kapag hindi kita nireplyan, nagagalit ka

saan ako lulugar?

Pinapahirapan mo pa ako, pede mo naman ako iblock



For the first time in history. Hindi pure english ang chat nya. Kailangan ko i-screenshot 'to.





Ang boring eh


Online Lablayp (Kinda? Wrong send)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon