Donghyuck
Hindi ko inaalis ang tingin ko sa napakagaling na si Jaemin.
Tarantado ang isang 'to, iniwan ako kahapon, tapos ngayon buong umagang tulog!
Saan ba sya nagpunta kahapon at parang puyat na puyat sya?
Tinatawagan ko sya kagabi, pero pinapatay lang nya ang tawag ko.
May klase kami ngayon, at pati ako pinagagalitan ni Irene dahil kahapon absent na kami, pati ba naman daw ngayon absent pa rin kami.
Ginigising ko na si Jaemin mula kanina pa, pero kinabog ni gaga si Sleeping Beauty. Sleeping Chaka na sya dyan sa lagay nyang 'yan dahil nakataas pa ang t-shirt nya at kita ko ang maputi nyang tyan.
Naol.
Pawisan pa ang hayop, nakanganga at nagtu-tuluan pa ang laway.
"Walanghiya kang bata ka..."
hinila ko paalis ang kumot nya, pero hindi pa rin gumalaw si Jaemin.
Humihinga pa naman sya kaya alam kong hindi muna ako dapat mag-panic. Basta ang mahalaga, hindi pa sya patay.
Hindi pa sya pwedeng mamatay dahil hindi ko pa alam kung sino talaga si Monay.
"Jaemin!" hinampas ko sya ng unan sa mukha, pero talagang hindi sya natinag.
"HOY!"
To the maximum level na ang sigaw ko, at alam kong umabot na 'yun sa kabilang baranggay.
But the Sleeping Beauty still isn't awake.
"Putrages ka talaga Jaemin, ano bang pinaggagawa mo kagabi?"
hindi naman siguro sya nag-inom dahil ayaw na ayaw nya ng alak.
The one time na kami pa ni Mark, at dito ko dinala ang mag-i-inom kong ex, binanatan nyang matindi si Mark at pinalayas kaming pareho dahil ayaw nya ng amoy ng alak.
Kung hindi nga sya nag-inom, eh saan naman sya nagpunta kahapon at bakit gabing-gabi na sya umuwi?
Hindi kaya may tinatago sa akin si Jaemin?
Napahawak ako sa bibig ko.
"Oh shit... Sex worker kaya sya?"
bigla akong pumatong sa kanya at iniyakan sya.
"J-Jaemin... bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit?!"
Never in my life. Never. Never sumagi sa isip ko na baka kaya mahilig si Jaemin sa kape eh dahil kailangan nyang manatiling gising hanggang gabi para sa... sa trabaho nya.
Kaya pala. Kaya pala everytime na pupunta ako dito, tulog na tulog pa rin sya.
Hinigpitan ko ang hawak sa kanya. "Sana sinabi mo sa akin!"
"Gago!" tinulak nya ako bigla, kaya napaupo ako sa sahig.
Putangina! Lagutok na yata ang buto ko sa pang-upo ko!
"Anong ginagawa mo sa akin?!"
nang-higit sya ng kumot at hinarang sa katawan nya.
"Anong ginagawa MO sa sarili mo!"
Naiyak na naman ako ng maalala ko na hindi sya ang inaakala ko.
"maiintindihan naman kita kung sinabi mo agad sa akin eh! Hindi mo naman kailangang itago!" tinalunan ko sya, kaya parehas kaming nahulog sa kabilang side naman, pahiga sa sahig.