Malaki ang ngiti ko habang naglalakad papasok ng bahay nila kuya wolf.
"Kuyaaaa!!!" Malakas na sigaw ko pagpasok ng pintuan nila.
Nadatnan ko si kuya kasama si cassy na kaibigan ko at kapatid nya. Lumingon sya sakin ng may ngiti sa kanyang labi. Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Buti naka dalaw ka dito, these past few days hindi ka bumibisita eh." Sabay hawak sa ulo ko.
"Busy lang sa schoolworks kuya, kahit itanong mo pa kay cass. diba cass? tsaka nag apply din ako ng trabaho gusto ko kasing mag working student para di ako hingi ng hingi kay mama ng pang gastos."
Nilingon ko si cassy at nginitian."She's right kuya, we're having a hard time on our research kaya di masyadong nakakapunta si sifria dito. And she have some work to do." Pagsagot ni cassie sa kapatid nya.
"Ew cass don't call me that." Angal ko sa kanya.
"Why? sifria is such a nice name. Don't you like it?" Tanong ni farkas sakin.
"Oh bakit ikaw ayaw mo nga nang tinatawag kitang farkas eh. You only like it when I call you wolf." Pag irap ko sa kanya.
"Sus! Tara na nga para kayong mag jowa dan at sa harap ko pa talaga ha!" Angil ni cassy na ikinatawa naming dalwa ni wolf.
"Baliw! Nakababatang kapatid lang tingin sakin nito" Umiiling na sagot ko kay cassy.
Naramdaman ko ang bahagyang pagkatigil ni kuya sa tabi ko. Maya maya ay tumikhim na sya at niyaya na kami sa kusina para kumain.
Habang kumakain ay nagkukwentuhan at nagbibiruan kaming tatlo kasama si tita ysa.
"Kamusta ka naman iha? maayos naman ba ang pakikitungo ng mama mo sayo?" Tanong tita ysa sa akin.
"Okay naman po tita atsaka sanay na po ako kay mama kaya ayos lang po." Magalang na tugon ko sa kanya.
"Kamusta naman ang pag aaral mo iha?"
"Maayos naman po tita atsaka nag apply po ako ng part time job. Medyo mahirap po sa umpisa pero masasanay rin po ako."
"Mabuti naman kung ganon, basta kung may kailangan ka wag kang mahihiyang lumapit sa amin. Alam mong parang anak na rin ang turing ko sayo." Magiliw na sabi nito sa akin.
"Thankyou po tita." Nginitian ako nito at nagpatuloy na ulit sa pag kain.
Nang matapos kaming kumain ay umalis na rin si tita para makipag kita sa mga kaibigan nya. Habang si tito naman ay nasa barko dahil nagta trabaho bilang seaman.
"Bes ligo lang ako ha dito ka muna. Andito naman si kiya kaya di ka mabobored." Tumango ako sa kanya.
"Nakababatang kapatid pala ha?" Halos mapatalon ako nang makarinig ako ng boses sa aking likuran.
"Farkas!" Napahawak ako sa aking dibdib. "Bakit ka ba nang gugulat ha!"
"I told you, you should call me wolf not farkas." May diin na sabi nya.
"Farkas! Farkas! Farkas!" Pang aasar ko lalo sa kanya habang naglalakad papuntang sala.
"Agh! sifria don't test my patience. And let me remind you, ikaw ang nagpupumilit palagi na tawagin akong wolf." Naiiritang sabi nya sa akin.
"Oh bakit farkas means wolf kaya tinawag ko yun sayo." Sagot ko sa kanya.
"I like it better when you call me wolf." Tugon nya. Tanging pag-irap lang ang sinagot ko sa kanya habang nakaupo sa sofa.
"Okay ka lang ba?" Pag iiba nya ng usapan.
"Huh? Oo naman bakit naman hindi ako magiging okay."
"Hindi ka ba nahihirapan nag tatrabaho ka habang nag-aaral e kung tutuusin hindi mo na kailangan ng trabaho kasi may business naman si tita trina diba?"
"Kuya ayokong umasa kay mama pagdating sa mga gastusin ko, tsaka alam mo naman diba." Malungkot na sagot ko sa kanya.
"Eh ikaw kamusta ka kuya? Yung pag-aaral mo ng law mo atsaka love life kamusta naman? Balita ko may ka date ka daw nung isang araw." Panunudyo ko sa binata.
"I don't have time for dates sifria at sinong nagsabi sayong nakikipag date ako sa iba?" Salubong ang kilay na tanong nya sakin. May sinabi pa sya pero hindi ko na narinig sa sobrang hina nito.
"Wala lang narinig ko lang dyan dyan."
"Wag kang basta bastang naniwala sa sabi sabi." Tugon nya.
"Oo na. Highblood agad e, bahala ka mabilis kang tatanda nan."
"What? I'm just 25 sifria. Hindi pa ako matanda." Nakakunot ang noo nya habang nakatitig sakin.
"Matanda na rin yon. 7 years yung gap natin so ibig sabihin matanda ka na." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Tsss..." lang ang tangi nyang nasagot sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Wolf
RomanceStarted: May 2, 2022 Ended: May 10, 2022 Old title: The Gloomy Sunset And The Wolf -UNEDITED