Chapter 13

3.3K 70 0
                                    

SIMULA nung inisidenteng yon ay palagi akong hinihintay ni wolf hanggang matapos ang klase namin.

Hindi ko parin sya pinapansin. Maarte na kung maarte pero sa tuwing naiisip ko ang nangyari nung new year ay nanunumbalik lahat ng sakit.

Pero wala eh. Marupok ako pagdating kay wolf at dahil sa panunuyo nya sa akin ay bumigay na ako. Ang unfair no?

Ang sabi nya ay nakatulog raw sya dahil sa sobrang kalasingan niyaya raw sya ni tito na mag-inom kaya ganon ang kinalabasan. At tungkol naman don sa picture ang sabi nya ay alas syete nila yon kinuhanan at dahil busy ay ganoong oras lang ipinost ni nitch.

Simula noon ay lalong naging clingy si wolf lagi nya rin akong ina-update kada oras dahil ayaw nya na raw na maulit ang nangyari nung nakaraan.

"Wolf. Sinabi ko naman sayong hindi mo na ako kailangang sunduin araw araw. Mag focus ka sa studies mo since malapit ka nang grumaduate. Atsaka diba malapit na yung exam nyo dapat yon ang inaasikaso mo." Sabi ko rito nang madatnan nanaman ito sa labas ng university.

"Gusto ko lang namang bumawi sa sifria ko eh. Atsaka wag kang mag alala boss nag rereview naman ako ng mabuti. At isa pa baka pinopormahan ka nanaman ni Nate. Ayokong maagaw ka nya sakin." Paglalambing nito.

"Basta last na to ha? Kailangan mong mag review ng mabuti. Hindi na ako makapag hintay na tawagin kang Attorney ko." Sabi ko sa kanya.

"Hmmm.... Attorney ko? Ang sarap naman sa pandinig lalo na pag ikaw yung nagsasabi." Sabi nya.

"Mag-aaral ako ng mabuti para pag naging Attorney na ako baka sakaling pumayag na ang mama mo sa relasyon natin." May halong sakit na sabi nito.

"Sorry wolf. Sorry kung ganon ang pakikitungo sayo ni mama. Sorry sa mga nasabi nya sayo." Sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba okay lang yon sifria ko. Kaya nga ako nagsisikap para sa future natin at bakit kung ayaw ba ng mama mo sakin iiwan mo ba ako?" Tanong nya.

"Syempre hindi wolf. Lahat man tumutol satin kahit sarili kong magulang hinding hindi kita iiwan." Hinalikan ko ito ng mabilis sa kanyang labi.

"Gusto mo kain muna tayo? Dan nalang sa may jollibee, paborito mo yung chicken nila e." Panunudyo pa nito.

"Hmmm sige tara."

Umangkas na ako sa motor nya. Nilagyan nya ako ng helmet atsaka pinatakbo ang motorsiklo nito.

Habang kumakain kaming dalwa ay nagkwentuhan muna kami tungkol sa mga ibang bagay.

"Hindi ko nga rin alam eh. Madalas nang sumasakit yung dibdib ni mama. Sinabi naman namin na dapat magpa check up sya pero palagi nyang sinasabi na okay lang daw baka pagod lang." Pagkukwento nya sakin.

"Hala? Anong sabi ni tito? Alam nya ba yung tungkol don?" Pag-aalala ko.

"Hindi. Madalas umaalis si papa. Hindi nya naman sinasabi kung saan at ayaw din ni mama na sabihin namin yung tungkol don dahil baka lang daw mag-alala si papa."

"Dapat sigurong magpa check up na si tita, wolf. Wag naman sana pero baka lalong lumala kung pababayaan lang." Sabi ko sa kanya.

"Pinipilit nga namin sya pero palagi nyang sinasabi na sayang lang daw ang per---"

Napatigil sya nang biglang tumunog ang cellphone nya. Tumatawa si cassy. Nagkatinginan kaming dalwa dahil parehas kaming masama ang kutob.

Sinagot nya ito. "Hello cas--"

"Kuyaaaa!!! Si mama!!!" Naibagsak ni wolf

ang cellphone nya ngunit agad rin itong nakabawi at dali dali kaming umalis.



Ps; Sorry po kung mabagal ang update nag eenjoy pa po akong magbasa nung reincarnated as a daughter of the mafia boss kyaaahhhh ang ganda ng story omgggg...

Chasing WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon