Umuwi narin ako dahil baka abutan nanaman ako ng dilim. Dumiretso ako sa aking kwarto at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay humiga muna ako sa kama.
Masayang masaya ako dahil sa nangyari kanina. Gusto ko si Wolf. Pero hindi ako sigurado kung katulad ba yon ng nararamdaman nya para sakin.
Para sakin kasi malalim ang salitang mahal. Gaano nya na ba akong katagal gusto para masabi nyang mahal nya ako.
Bumaba ako ng kwarto as usual mga kasambahay namin ang tumambad sakin. Lagi kasing busy si mama sa business na iniwan sa kanya ni lolo.
Sanay na kami sa ganoong sitwasyon na laging umaalis si mama.
Sabi nila 'money can't buy happiness' para sakin totoo. Sabi naman ng iba importante ang pera at mas sasaya ka kung marami ka non.
Pero iba kami. Marami nga kaming pera hindi naman pamilya at anak ang turing sakin.
Hanggang ngayon ay di ko parin kilala ang tunay na ama ko. Ang tanging alam ko lang ay pamilyadong tao ang papa ko. Ibig sabihin si mama ang naki-apid.
Naririnig ko rin minsan na nag-uusap ang iba naming kasambahay tungkol don.
Ang akala raw ni mama ay sya ang pipiliin ng papa ko pero mali sya. Mas pinili ni papa na umuwi sa totoo at legal na pamilya nya.
Nang malaman yon ng grandparents ko ay galit na galit sila kay mama dahil wala daw itong delikadeza. Sino ba daw ang matinong babaeng papatol sa pamilyadong tao at kumabit pa.
Nang malaman yon ni lola ay hindi nya ito nakayanan dahil sobrang mahal nya si mama at di inasahan na gagawin nya ito. Inatake si lola na naging sanhi upang pumanaw sya.
Buntis si mama sa akin non kaya hindi sya magawang palayasin nila lolo dahil natatakot sila na baka ipa abort ni mama ang bata sa tyan nito. Kaya kahit galit na galit at sinisisi sya ni lolo sa pagkamatay ni lola ay di nya ito ma itakwil.
Naging malaking usap-usapan rin yon sa amin dahil nga kilala ang aming business ay mabilis na kumalat ang balita.
I got bullied when I was in elementary because of that. Kahit ilang taon na ang lumipas nung nangyari yon ay hindi parin sila tumitigil.
"Anak ng kabit."
"Marumi."
"Nakakahiya pinag-aral ng mabuti ng magulang nya tapos makiki-kabit lang at nagpa-anak pa talaga"Ilan lang yan sa mga pangungutya na naririnig ko galing sa ibang tao.
Nabalik lang ako sa reyalidad nang may parating na sasakyan. Si mama.
Kunot ang noo nitong nakatingin sakin.
"Ano nanaman ang kagagahang ginawa mo ha Sifria! At nagtrabaho ka pa talaga sa restaurant? Hindi ka ba nahihiya! Anong sasabihin ng iba na hindi kita binibigyan ng pera!" Singhal nito sakin.
"Ma, hindi naman po sa ganon gusto ko lang pong kumita ng sarili kong pera." Sabi ko sa mahinang tono.
"Nakakahiya ka! Umalis ka na dan sa trabaho mo o gusto mo pang kakaladkadin kita habang nagtatrabaho don!"
"Opo ma, sorry po mag reresign na po ako. Sorry po ma, sorry." Nakayukong sabi ko habang pinipigilan ang aking luha na bumagsak.
Kinabukasan ay pumasok na ako sa school. I'm first year college and I'm taking psychology. Ewan ko gusto ko naman kasing makatulong sa iba.
Gusto ko rin malaman kung pano ba nag-iisip ang mga tao at kung bakit may mga taong sinisisi sa iba ang mga kasalanang sila naman ang gumawa.
Gaya na lamang ni mama. Gusto ko syang maintindihan kasi alam kong may dahilan ito. Baka matulungan ko si mama, gusto kong maging malaya sya sa nakaraan nya.
Pagpasok ko ng room ay nakita ko na roon si Cassy.
"O bakit nakabusangot yung muka mo dyan." Sabi ko rito at umupo na sa upuan ko.
"Hindi maayos tulog ko. Si kuya naman kasi nakakainis magdamag akong tinanong lahat ng tungkol sayo. Mga gusto mo mga ayaw mo kung may umaaligid ba daw sayo rito. Arghhh!! Antok na antok tuloy ako." Inis na sabi nya.
"T-tungkol sakin?"
"Oo, ano ba naman kasing sinabi mo ron nagsisisi tuloy ako na shinip ko pa kayong dalwa ayaw na akong tigilan ni kuya. Nakakaawa naman ako, wala na ngang lovelife wala pang tulog." Umarte itong nasasaktan na tinawanan ko naman.
"Sagutin mo nalang kasi si kuya Sifria. Ako yung nagihirapan sa inyo e." Sabi nya.
Dumating na ang prof. namin at nagsimula na ang klase.
Nang mag breaktime ay pumunta kaming dalwa sa canteen para bumili ng makakain.
May lumapit sa akin na isang lalaki.
"Hi, Sifria." Bati nito sa akin sabay abot ng kamay nya sa akin.
"Ahm.. Hello." Kinamayan ko ito pero agad na tinanggal yon ni cassy.
"Hoy off limits na to si Sifria ha may boyfriend na to kaya shoo! Shoo!" Pagtataboy nito.
Lumipas ang ilang linggo ay naging pursigido si wolf na manligaw. Lagi nya akong nililibre at binibilhan ng bulaklak. Sabi ko nga ay wag akong gastusan ng gastusan dahil sayang lang ang pera.
But wolf is wolf ipipilit nya ang gusto nya. Kaya hinayaan ko nalang pero pinagsasabihan ko parin ito.
Days went by smoothly. Pupunta ako ngayon sa kanila para sabihin kay wolf na gusto ko nang gawing official ang relasyon namin.
Alam kong mabilis pero dun narin naman kami pupunta kaya hindi ko na rin patatagalin.
Tinext ko ito para sabihing pupunta ako sa kanila.
To Wolfski:
Wolf busy ka ba?From Wolfski:
Why? Do you need something baby?
To Wolfski:
Punta sana ko dyan sa inyo eh. Pero okay lang kung busy ka next time nalang.
From Wolfski:
No I'm not, Come here baby I miss you
To Wolfski:
Ay wag na pala tsaka nalang.
From Wolfski:
Baby🥺
Natawa ako sa reply nito dahil may emoji pang nagmamakaawa.To Wolfski:
Okii
Nagbihis na ako para pumunta sa kanila. Kinausap ko na rin si manong lando kahit nahihiya akong abalahin ito ay nagpahatid ako sa bahay nila Wolf.
BINABASA MO ANG
Chasing Wolf
RomanceStarted: May 2, 2022 Ended: May 10, 2022 Old title: The Gloomy Sunset And The Wolf -UNEDITED