Special Chapter

5.9K 108 32
                                    

After 5 months....

Kumpleto na ang buhay ko ngayong kasama ko na si wolf at si Aya. Wala na akong mahihiling pa.

Sa nakalipas na limang buwan ay naging maayos ang lahat. Si tito nazzar at mama ay nasa kulungan na.

"Napaka walang hiya mo!" Sigaw ni wolf sa ama nito habang sinusuntok ito. Narito kami sa prisinto dahil nalaman nya kung anong ginawa ng ama nya at ni mama sa akin.

Inawat sila ng ibang pulis na nagbabantay roon. Pulang pula si Wolf dahil sa galit nito sa ama nya.

"Tama na wolf..." Nilingon ko si tito at mama. "Hindi ako papayag na hindi kayo magbabayad sa mga ginawa nyo sa amin." Pansin ang pagbawas ng timbang ng dalwa. Parehas rin silang tila ay nagpabaya sa sarili.

Hinila ko na palabas si wolf dahil baka kung ano pang magawa nito.

-------

"Kamusta na si Nate." Tanong nito sakin.

Agad naman akong nalungkot sa sinabi nito.

"Nagpapagaling parin sya, sobra sobra ang pinagdadaanan nya. Hanggang ngayon hindi parin nya matanggap ang pagkawala ni Nitch." Nagluluhang sabi ko.

Niyakap ako nito at hinalikan ang aking noo.

"Nagpapagaling parin si kuya, wolf... Naaawa ako kay Nasher. Sobrang bata nya pa para pagdaanan lahat ng yon."

"Hushh... Kapit lang mahal ko, tutulungan natin ang kuya mo. Susuportahan natin sya. Pwede namang sa atin muna si Nasher hangga't nagpapa treatment at under medication pa si Nate."

"Yan din ang sinabi ko pero ayaw ni Nasher. Mas gusto nyang manatili sa tabi ng papa nya dahil ayaw nyang iwan mag-isa si kuya." Hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako para kay Nate. Napaka daling kunin sa kanya ng lahat.

"Kaya natin 'to, nandito lang tayo para sa kanya. Hindi natin papabayaan ang kuya mo. Tahan na baka makasama pa sa baby natin yan." Pag-aalo nito.

I'm 4 months pregnant kaya alagang-alaga sakin si wolf. Sabi nya ay bumabawi sya dahil wala sya sa tabi ko nung pinagbubuntis ko si Aya.

Biglang bumukas ang pinto at nagtatakbong pumunta samin si Aya.


Nakatitig lamang ako sa mag-ama ko na nag kukuringgian. Kinikiliti ni wolf si Aya. Matamis akong napangiti dahil pagkatapos ng lahat lahat ng pinagdaanan naming dalwa ay masasabing worth it ang lahat.

"Sifria ko.." Tawag sakin ni wolf. Hindi ko alam pero sa tuwing tinatawag nya akong ganon ay lumalambot ako puso ko.

"Hug mo kami." Sabi nito sa akin.

Lumapit naman ako sa kanila at niyakap sila. Nakauwi na ako. Nakauwi na ako sa totoong tahanan ko. At yun ay ang mag-ama ko.


"Sobrang mahal na mahal kita, Sifria ko." Saad nito.


"Mahal na mahal rin kita wolf, kayo ni Aya." Sagot ko sa kanya.


"Mahal rin po kayo ni Aya." Sabi naman ng anak namin.

Umuwi kami ng probinsya dahil dadalawin namin ang puntod ni tita ysa. Samantalang si Cassy ay hindi nakasama dahil busy ito sa trabaho nya.

"Ma, tingnan mo kami. Kasama ko ngayon si sifria pati ang apo nyo si Aya. Opo mama may apo na kayo at madadagdagan pa, ang ganda ganda ni Aya ma parang ikaw. Tinupad ko yung pangako ko sa inyo na bibisitahin ko kayo kasama si Sifria. Masaya na ako ma sobra kasi may sariling pamilya na ako, Sayang lang kasi ambilis mong bawiin samin. Attorney na rin ako ma tingnan mo successful na yung anak mo." Saad ni wolf na ngayon ay umiiyak habang nakatingin sa lapida ng mama nya. Nilapitan ko ito at niyakap.

"Hi tita, sorry po kasi ngayon lang kami nakadalaw. Promise ko po sa inyo na aalagaan ko ang anak at mga apo nyo. Mahal na mahal ko sila tita." Sabi ko.


"Hi po lola. Ako po si Aya apo nyo po ako. Sigurado po ako na pretty din kayo tulad ko. Sana po masaya na po kayo sa heaven kahit po hindi ko kayo nakilala mahal ko po kayo." Nakangiting sambit ng anak namin.


Ilang minuto pa kaming nagtagal roon bago naisipang umuwi.  Ilang araw pa kaming nagtagal sa probinsya nila bago umuwi sa maynila. Naglibot muna kami kung saan may mga maggandang tanawin

Nang makarating na kami sa bahay na pinagawa ni wolf para sa aming pamilya ay binuhat na nito si Aya. Inihiga nya ito sa kama. Umalis ito para magtimpla ng gatas. Ako naman ay nagbihis na ng pantulog.

"Sifria ko, Inumin mo na 'to para healthy kayo ni baby." Paglalambing nya.

Ininom ko naman yon at ibinigay sa kanya ang baso. Nang makabalik sya sa kwarto ay niyakap ako nito.


Nasa gitna namin si aya habang payapang natutulog. Niyakap nya kaming dalwa at prehas hinalikan.

"Mahal na mahal ko kayo." Yun ang huling sinabi nya bago kami makatulog.











Note: maiksi lang po itong special chapter na sinulat ko wala na akong maisip kasi yung utak ko nandon na agad ako sa story ni nate at nitch... yun ay kung may utak ako HAHAHAHHA yun lang thankyouu sa pagbabasa ng story ko sajies mwuaps.😚

Ang title po ng story ni Nate at Nitch ay "Lost In thoughts"

Ang title po ng story ni Nate at Nitch ay "Lost In thoughts"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Story cover by: notm3dusa

Chasing WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon