Chapter 3

3.4K 102 4
                                    

Dalwang linggo na rin ang lumipas nang maganap ang pangyayaring yon. Sa loob ng dalwang linggo ay hindi ko magawang pumunta sa bahay nila wolf.

Cassy keeps asking me kung may problema ba ako but of course I told her na okay lang ako. I didn't tell her about the kiss because for sure she would tease me.

It's already friday and we're both walking when she suddenly ask me.

"Ria punta ka sa bahay bukas." Sabi nya sakin habang tutok sa selpon nya.

"Huh? Bakit anong meron?" Tanong ko rito.

"Huh? Bakit kailangan ba may ganap para pumunta ka? Lagi ka namang pumupunta sa bahay ah." Takang tanong nito.

Tumigil sya sa paglalakad at kunot ang noong humarap sakin.

"Sabihin mo nga sakin nag-away ba kayo ni kuya?" Tanong nya.

"H-hindi ah." Pag-iwas ko ng tingin.

"Sure ka ba? Kasi kahit si kuya tinatanong kung bakit di ka na pumupunta sa bahay."

Ano daw? Ako hinahanap ni wolf? Bakit? Para saan? Kinakabahan na ako.

"Hinahanap ako ni wolf este ni kuya wolf?" Tanong ko sa kanya.

"Ayiee kinikilig sya." Sabay sundot sa tagiliran ko. Hindi ko nalang ito pinansin

"LQ kayo no?" Dagdag pa nya.

"Ano bang pinagsasabi mo dan. Hindi no at anong LQ, LQ e di naman kami."

"Ay iba, kaya naman pala gusto mo nang label kaya kayo nag-away no?" Patuloy nya pa.

"Hindi nga kami magka-away ang kulit mo cass. Baka nga ikaw yun e. Kanina ka pa nakatutok dan sa cellphone mo."

Natahimik itong bigla. Hmm mukang may tinatago sakin to ah.

"Punta ka na kasi sa bahay nood tayo movie dali na." Pangungulit nya pa.

"Oo na nga. Sige na pupunta ako. Pero sa isnag araw nalang para linggo walang pasok sa trabaho."

"Yown!" Parang tangang sabi nito.

****
Pagsapit ng linggo ng alas nuwebe ay pumunta ako kila Cassy. Nag commute nalang ako dahil ayoko nang abalahin si manong na maghatid sa akin.

Pagpasok ko ng pintuan ay agad nakita ko si wolf.

Prente syang nakaupo sa sofa. Nasa sala sila kasama ang tatlo pa nyang kaibigang lalaki at isang babae. Hindi pamilyar sakin ang babaeng ito.

Namukaan ko ang tatlong lalaking kaibigan ni Wolf. Si Nate, Rexter at Lucus. Kasamahan nya ito sa law school.

Nagkatinginan kaming dalwa ngunit nauna akong umiwas. Naglakad na ako paakyat ng hagdan para puntahan si cass ngunit biglang nagsalita ang isa sa kanila.

"Uy si Ria pala 'to. Hi ria" bati sarin ni lucus.

"Hello sa inyo." Sabay ngiti ko rito.

"Hindi mo man lang ba babatiin si farkas?" Nagtatakang tingin nito sa akin. Hindi ako umimik.

"Nasanay kasi kami na palagi mong niyayakap si farkas pag nagkikita kayo. Diba tol?" Tanong pa nito sa kasamahan nya.

"Oo tol. Nakakapanibago nga." Sagot ni Nate.

"Ha-ha!! Alam ko na." Sabat naman ni Rexter. Sya ang pinaka madaldal sa kanila.

"Magkaaway kayo no? Siguro di ka pinayagan mag boyfriend nitong si Farkas." Sabi nya nang may pagmamalaki.

"Tama pre siguro nga e napaka overprotective nitong gagong to kay Ria e. Siguro nagalit si Ria sa kanya kasi napaka overprotective nya." Pag sang ayon ni Lucus.

"Tama! Tama! Sa ganda ni Ria di malabong may manliligaw yan. Siguro di pinayagan ni Farkas no pre?" Sabat uli ni Rexter.

Yung totoo di ko alam kung sabog ba tong mga ito. Anlayo layo naman ng mag pinagsasabi nila sa totoong nangyari.

Nakatitig kang sakin si Wolf habang ang mga kaibigan nya ay kanya kanyang kwentuhan.

"Tama na nga yan. Inaasar nyo yung bata eh." Sabi nung babaeng kasama nila.

What? Bata? Muka ba akong bata sa pamingin nya?

Lumapit ito sakin at nilahad ang kamay.

"Hi! Im Nitch, nice to meet you Ria." Malambing ang boses na sabi nito sakin.

Inabot ko ang kamay nya at nagpakilala rin.
Pagkatapos non ay umupo ulit ito sa tabi ni wolf at pilit na isinisiksik ang sarili. Hindi naman nagrereklamo si wolf. Mukang tuwang tuwa rin tsk.

Mabuti na lang ay bumaba si cassy at nakita ako. Niyakag nya ako sa kwarto nya at iniwan na namin roon sila wolf.

"Cass!" Pagtawag ko kay cassy.

"Hmm?"

"Sino yung babae dun kanina? I mean bakit sya kasama nila kuya wolf?"

"Ah yun ba. Kasama rin ata nila kuya sa law school eh. Bakit?" Tanong nito.

Hindi na ako sumagot. Nanood nalang kami ng movie sa laptop nya.

Maya maya pa unti unti akong nilamig dahil sa lakas ng aircon nito.

"Cass pwede bang makahiram ng jacket nilalamig kasi ako anlakas mo mag aircon."

"Tingnan mo dan sa may cabinet Ria." Sabi nito sakin habng tutok parin sa panonood.

Hinanap ko ito pero wala akong nakita.

"Cass wala eh." Sabi ko rito.

"Huh?.... ah tanungin mo nalang si kuya baka nakita nya." Utos nito sakin.

"Bakit sa kuya mo pa? Hindi mo ba alam kung nasan?" Tanong ko rito.

"Wait ria hindi ko maintindihan yung pinapanood ko. Sige na tanong mo nalang kay kuya."

Wala na akong nagawa kundi lumabas at hanapin si wolf. Ay hala sya wolf nalang talaga. Wala nang kuya.

Nakasalubong ko ito sa hagdan. Sa una'y nag-aalangan pa ako kung kakausapin ko ba sya o hindi. Pero wala na akong magagawa sisipunin na ako.

"Ah k-kuya." Pagtawag ko rito. "N-nakita mo ba yung jacket ni cass?" Pagpapatuloy ko.

"Bakit?" Tanong nito.

"Hihiramin ko sana kasi giniginaw ako ang lakas ng aircon nya. Sabi nya itanong ko daw sayo." Naiilang na sabi ko.

"Sumunod ka sakin." At yun na nga ang ginawa ko.

Nang makarating kami sa tapat ng pintuan ng kwarto nya ay kinabahan ako. Binuksan nya ang pinto at pinapasok ako.

Sumunod na lamang ako sa kanya. Pero laking gulat ko nang...... nag hubad ito ng pang itaas nyang damit.

Chasing WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon