LAKING gulat ko nang naghubad si wolf ng kanyang T-shirt.
Tumambad sakin ang matipuno nyang braso napadako ako sa kanyang dibdib pababa sa kanyang abs. Napalunok ako ng malala.
"K-kuya anong ginagawa mo b-bakit ka naghuhubad." Utal na sabi ko sa kanya.
Humagalpak ito ng tawa.
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Relax Sifria. Wala akong gagawing masama. Don't be afraid di ako nangangagat, nangangain lang." Pilyong sabi nito sakin.
Tiningnan ko ito ng puno ng pagtataka. Nangangain?? Anong ibig nyang sabihin?
Agad na nanlaki ang mata ko nang makuha ang sinabi nya. Hinampas ko ito sa dibdib pero tumawa lang ito.
Kumuha ito ng t-shirt at sinuot. Ang bango bango nya.
Kumuha ito ng isang hoodie na black at inabot sa akin.
"Eto, gamitin mo."
"Hah kuya wag na sayo yan e. Hanapin ko nalang yung kay cass. Yun nalang gamitin ko."
"Kunin mo na 'to. Gamitin mo malinis yan. Tsk ang hina mo parin sa lamig. Tanghaling tapat pero sinisipon ka." Sabi pa nya.
Wala na akong nagawa kundi tanggapin iyon.
"Nasan sila Nate kuya? Umuwi na ba sila?" Tanong ko rito. Wala naman talaga akong pake don ang gusto kong malaman kung nakauwi na ba yung Nitch na yon tsk.
"Why? Do you like him?" Malamig na tonong pagsabi nito.
"Huh? Hindi no! Ano ka ba tinatanong ko lang kung umuwi na atsaka sabi ko 'sila'."
"Kakauwi lang nila. Kasama si Nitch." Sagot nito.
"Ah ganon ba. Matagal mo na bang kilala si Nitch, kuya?" Kuryosong tanong ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mo akong tawaging kuya." Gigil na sabi nya.
"And yes matagal ko nang kilala si nitch. Mag-iisang taon na rin. Bakit?"
"Matagal? Bakit ngayon ko lang sya nakita?" Dagdag ko.
"Madalas kasi kami ang dumadalaw sa bahay nila. Pumunta na rin sya rito dati pero wala ka."
Agad naman akong nakaramdam ng inis.
Bakit sya nagdadala ng babae dito. May kaibigan pala syang babae pero di nya sinabi sakin. Samantalang sya halos kilala lahat ng nakakasama ko.
"Ah wala." Sabi ko rito. "Ah sige wolf balik na ako sa kwarto ni cass." Nginitian ko ito ng peke at umalis.
Pagpasok ko ng kwarto ay nakatutok parin sa panonood si cass.
"O ano nakita mo?" Tanong nya sakin.
"Hindi e. Pinahiram nalang ako ni wolf."
"Ay taray! May paganon? Hiraman ng hoodie atsaka ano ulit? Wolf? Wow anyare sa 'kuya' ikaw ha." Nakangising sabi nito.
"Eh nagagalit sya pag tinatawag ko syang kuya e di naman daw kami magkapatid. Tss gumagalang lang naman e."
"Tama naman sya hindi mo sya kapatid pero pwede kitang maging ate. Yiee magiging hipag na kita." Pang-aasar pa nito.
"Tanginamo." Yan lang ang nasabi ko sa pang-aasar nya.
"Hindi ko alam na nagmumura ka pala." Napalingon kami ni cassy sa baritonong boses na iyon.
"W-wolf."
"Hi little sis." Tawag nito kay cassy.
"Hiramin ko muna si Sifria mag-uusap lang kami." Sabi pa nito.
"Okii kuya kahit wag mo nang ibalik." Lumingon sakin si cass at sinenyasan ako ng 'lagot ka'.
Hinila ako nito paalis roon.
"San mo ba ako dadalhin wolf. At anong pag-uusapan natin huh?" Sabi ko rito."Sumama ka sakin sa kwarto ko. Mag-uusap tayo." Utos nito sakin at hinila ako papasok don.
"Ano ba wolf! Sabi mo mag-uusap tayo pero bakit dinala mo ako dito sa kwarto mo?" Galit na sabi ko sa kanya.
Tinulak ako nito ng marahan upang mapa upo sa kama nya.
"Nagseselos ka ba?" Tanong nito sakin.
Hah? Ano daw! Ako nagseselos??
"Ano ba yang sinasabi mo. Antok lang yan." Sabi ko rito.
"Kay Nitch. Sabihin mo sakin nagseselos ka ba sa kanya?" May nakakalokong ngiti ito sa labi.
"Of course not. Bakit ba ang kulit mo."
"A-huh. Are you sure?" Paninigurado nito.
"Sabi ngang hindi e. Kahit tabihan ka pa nya, kahit sumiksik pa sya lalo sayo hindi hindi ako magseselos. Tsaka mas maganda ako don no. Tapos sasabihin nya pa sakin na bata ako bakit tinatawag ko ba syang mama, humihingi ba ako ng kendi sa kanya. Argh! Kainis!"
Tumayo ako at akmang lalabas ngunit pinigilan nya ang braso ko at hinarap sa kanya. Nang walang pasabi ay sinakop nito ang labi ko.
"Part your lips Sifria." Sabi nya habang hinahalikan ako.
Ako naman ay sinunod ang sinabi nya.
Ipinasok nya ang kanyang dila sa loob ng bibig ko.
"Kiss me back babe." He said.
"H-hindi ko alam kung pano."
"Just move your lips." Turo nito sakin.
Hindi ko napigilang mapaungol.
"Hmmmm.... wolf." Bakit ba ang sarp nyang humalik.
"Fuck. We should stop now. Baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko." Sabi niya habang hindi parin kumakalas sa aming halik.
"Hmm..Hmmm" ungol ko.
"We should stop. Fvck." Paulit-ulit nyang sinasabi pero hindi parin sya tumitigil sa paghalik sa akin.
"Kuy--. Ahhh putanginaaa." Agad kaming napahiwalay nang makita si cassy sa pintuan.
"Hala sorry. Sorry hindi ko alam. Sige alis na ako ipagpatuloy nyo lang. Atsaka kuya i lock mo naman kasi yung pinto. Gandahan nyo ang pagawa sa pamangkin ko ha." Sabi nito at sinara ang pintuan.
Pulang pula ang muka ko sa kahihiyan.
"Tskk Istorbo. Tara na sa baba kumain na tayo baka ikaw pa gawin kong pananghalian."
Ano nanaman bang kagagahan ang ginawa mo sifria!!! Napa-tampal nalang ako sa aking noo.
BINABASA MO ANG
Chasing Wolf
RomanceStarted: May 2, 2022 Ended: May 10, 2022 Old title: The Gloomy Sunset And The Wolf -UNEDITED