Nang makarating kami sa bar na sinasabi ni lucus ay agad ipinulupot ni wolf ang kanyang braso sa aking bewang.
Nag suot lang ako ng highwaist na pantalon at off shoulder na croptop.
Nilabas ni wolf ang kanyang cellphone at tinext si lucus na narito na kami sa labas.
"Pare!" Sigaw ni lucus sa amin.
Kasama nya si Nate at Rexter. Yun ang akala ko.
"Farkas!" Sigaw ng isang babae. Walang iba kundi si Nitch.
Sinugod nya si wolf ng yakap ngunit mabilis na kumawala roon si wolf.
Nang lumingon ako kila Lucus ay nakita ko si Nate ngumiti ito sakin habang titig na titig. Nahihiyang ngumiti ako pabalik sa kanya.
Pumasok na kami sa VIP room. Naroon ang ibang kaibigan ni lucus na hindi na naming ganoong kakilala.
Naging masaya naman ang pagdaos ng birthday ni lucus. Ilang oras rin kaming nagkukwentuhan at dahik nahihiya ako ay sumasagot lamang ako sa mga tinatanong nila sa akin.
Maya-maya ay magkaroon sila ng yayaan na uminom.
"Uy Ria oh try mo--"Akmang aabutan ako ni Rexter ng alak pero pinigilan sya ni Wolf at Nate.
"Wag mong painumin si Ria nan pre." May babalang sabi ni Nate kay Rexter.
Lahat kami ay nagulat sa inasta nito.
"Sorry pre pero bawal uminom ang girlfriend ko." Sabi ni wolf at ipinagdiinan ang salitang 'girlfriend' habang nakatingin kay nate.
Tumawa lamang si Nate sa sinabi nito at umiling iling.
"G-girlfriend?" Gulat na tanong ni Nitch.
"Girlfriend huh." Dagdag pa ni Nate.
"Oo. Kami na ni Sifria bakit may problema ba tayo don tol?" Nakakunot ang noo nyang tumingin kay Nate.
"Ah ganon ba mga tol sige sinong iinom nitong para kay Ria." Pag putol ni Rexter.
Inagaw ni Nate ang alak na dapat ay para sa akin at tinungga ito.
Ramdam na ramdam ko ang inis ni wolf dahil humihpit ang kapit nya sa bewang ko.
Biglang tumayo si wolf at hinila rin ako patayo.
"Oh pare san kayo pupunta?" Tanong ni Nate.
"Uuwi na kami ng girlfriend ko bago pa ako makapanakit ng kaibigan." May diin na sabi nito.
Hinila na ako nito papunta sa motor nya. Kakabili nya lamang ito nang nakaraan. Para daw may panghatid sya sa akin at makagala kaming dalwa. Pinaandar nya na ito pauwi sa bahay nila.
****
"Wolf o-okay ka lang ba?" Tanong ko rito ng makarating kami sa kanila.
"Wolf kausapin mo naman ako oh." Sabi ko rito.
"Tangina! Selos na selos ako sifria. Galit na galit ako. Bakit sya ganon tumingin sayo." Tumingin ito sakin.
"Alam mong mahal na mahal kita Sifria kaya ayokong may tumitingin ng ganon sayo. Sakin ka lang. Tangina balak pa ata akong taluhin ng sarili kong kaibigan." Sabi nya habang sinusuklay ng kanyang daliri ang buhok nya.
"Sifria please wag kang magkakagusto sa kanya kasi ayokong manakit ng kaibigan. Ako lang ang mahal mo diba hmmm.." niyakap ako nito at hinimas ang buhok ko.
"O-oo wolf ikaw lang." Sabi ko rito.
Ngumiti ito sakin.
"Pasok na tayo sa loob malamig na dito sa labas. Halika na mahal." May paglalambing sa boses nya.
Tumango naman ako bilang pag sang-ayon.
Kinabukasan nagising ako sa mga halik na dumadampi sa muka ko.
Pagmulat ko ng mata ay malawak ang ngiti ni wolf. Ang sarap gumising kapag sya ang nasisilayan ko. Sana palaging ganito."Happy monthsarry my sifria, I love you." Isiniksik nito ang kanyang muka sa leeg ko.
"Happy monthsarry wolf. Mahal na mahal din kita."
"Mamaya ka na bumangon. Sulitin muna natin 'to mamaya uuwi ka na mamimiss nanaman kita." Tumawa naman ako sa sinabi nya at pinaulanan nanaman ako ng halik.
BINABASA MO ANG
Chasing Wolf
RomantikStarted: May 2, 2022 Ended: May 10, 2022 Old title: The Gloomy Sunset And The Wolf -UNEDITED